Epilogue: Love at its Toughest

36.5K 827 104
                                    

Epilogue: Love At Its Toughest

NANG marinig ni Eunice ang announcement ng plane boarding ay napatingala siya kay Terrence.

"I'm going."

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya. He just looked at her in the eyes, silently.

"Terrence..."

He slowly smiled. "Let me pray for you, baby. For a safe flight."

Napangiti na din si Eunice. Tumango siya at hinawakan pa ang isang kamay ng asawa. They faced each other and then bowed their heads together. Terrence whispered his prayers, and Eunice can only say, "Yes, Lord" and "Amen."

Pagkatapos ng maikling dasal ay unti-unting lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Terrence hanggang sa binitiwan na nito ang kanyang mga kamay.

"I love you, baby," he wholeheartedly said.

She cupped his face, tiptoed, and kissed his lips. "I love you, too, Terrence. I'll video call you in our first stop over, second stop over, and finally once we reach Paris."

Tumango ito at kinintilan siya ng masuyong halik sa noo. "I'm going to miss you. We'll video call and pray together every day."

"Opo," she playfully answered and hugged him one last. "Thank you for your ever supporting love, Terrence."

"Just for you, Eunice." Huminga ito ng malalim. "I'll see you after three months."

Nagkasundo sila na every quarter of the year or every after three months ay bibisita ito sa Paris. Habang siya naman ay uuwi ng Pilipinas para sa mga espesyal na okasyon at holidays lang.

Naramdaman niya ang mas humigpit na pagyakap sa kanya ng asawa. Hinayaan na lang muna ni Eunice na nasa ganoon silang posisyon ng mag-asawa. Wala pa namang final call for boarding.

Nadarama niyang kung maaari lang ay hindi na siya bibitawan ni Terrence. Pero alam din ni Eunice na inihatid siya ng asawa ngayon na may kakaibang kapanatagan at kapayapaan sa dibdib nito.

"Remember to always ask wisdom from the Lord every morning," bilin pa nito. "Huwag mo ring kakalimutan ang exercise at diet na kailangan mo para sa PCOS."

Sunod-sunod ang pagtango niya. Kahit malungkot na magkakalayo sila, wala namang agam-agam ang puso ni Eunice sa pag-alis. She's truly looking forward for the Lord's wonderful plans for her in Paris. Kahit pa kinakabahan pa rin siya ng kaunti ay pipillin niyang magtiwala palagi.

She's excited about her career in Fashion Designing, and serving the Lord in Paris.

"Continue to share Jesus here, Terrence," bilin niya rin sa asawa. "We're still a team. The toughest couple!"

They chuckled together. May inabot si Terrence na papel sa kanya.

"What's this?" nakangiti ngunit kuryosong tanong niya. Ang papel ay nakatupi at halatang luma na dahil nanilaw na ang papel at marami na ring paper stains...

"Just something to read while on your flight."

"A love letter for me?"

Ngumiti ito. "Perhaps."

Napangiti na rin si Eunice. Nang tinawag na ulit ang flight niya ay totoong nagpaalam na siya sa asawa.

Her lips pressed on him one last time before she entered the boarding gate.

Nilingon niya si Terrence ng isa pang beses.

Nakatayo lang ito doon ng tuwid, nakangiti, at nakatingin din sa kanya. He raised his one hand to wave good bye.

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon