Chapter 11: A Tough Past

117K 2K 151
                                    

Chapter 11: A Tough Past

College years. Eight years ago...

"TERRENCE, insan! Nasaan na 'yung kodigo?"

Palihim na nilabas ni Terrence sa backpack niya ang isang pirasong papel at mabilis na ibinigay kay Matthew. "Gago. Hindi kodigo iyan. Sinagutan ko ng advance ang test paper na nakulimbat ko sa table ni Prof."

Napangisi ang pinsan niya at saka tinignan ang papel. "Uno na tayo nito, insan! Ang galing mo naman talaga! Wala na nga halos ituro iyong Prof Bardaje na iyon tapos nasagutan mo pa 'tong ipapa-test niya mamaya?"

Nagkibit-balikat siya. "Nasa libro naman lahat ng sagot. Babasahin lang."

"Tss. Ang mahal-mahal ng tuition natin dito. Pero parang self-study naman dahil tamad magturo ang mga Prof natin. Kung ganoon na lang rin, sana pala hindi na lang nagbayad sila Mama ng tuition? Nag-aral na lang sana ako mag-isa sa bahay," angal nito at sinimulang kabisaduhin ang mga sagot sa papel.

Totoo ang sinabi nito. Halos lahat ata ng subjects nila ay self study dahil tamad magturo ang mga Professors nila kahit sa major subjects. Magkaiba sila ng kurso ng pinsan niyang si Matthew. Criminology ito, Civil Engineering ang kanya pero magka-klase sila sa isang minor subject na History. At isa iyon sa mga subject nila na hindi nagtuturo ang Prof at lagi lang silang pinagre-report at kung magpa-exam ay wala pa sa mga ni-report ang mga tanong.

Noong midterm nila ay totoong nainis si Terrence dahil unang beses niyang bumagsak sa isang exam dahil ang pina-test sa kanila ay wala sa ni-review niya. Actually, the whole class failed. Mas nakakainis pa, minor subject na nga lang ay mukhang maibabagsak niya pa dahil lang tamad magturo ang propesor nila.

Kaya kahit labag sa loob niya, gumawa siya ng paraan na makakuha ng test paper para mapaghandaan niya ang mga tanong. At nang makita niya ang exam ay hindi nga galing sa reportings nila ang mga tanong. Naghanap pa siya sa libro ng sagot. He's aware that what he did was cheating kahit pa hindi mismong answer key ang kinuha niya.

Pero, kailangan niyang makabawi ngayong finals. Kung hindi, babagsak talaga siya. Baka makumpiska pa ng Papa niya ang kotse niya kapag bumagsak siya. Running for Magna Cum Laude siya at hindi puwede ang singko sa records. Hindi niya madadahilan na walang kuwenta ang professor nila.

"Oy! Share-share naman ng sagot diyan!" pukaw ng paparating niyang pinsang si Titus, Jude, at Andrew.

Hindi niya mga kaklase ang mga ito sa oras ng History nila ni Matthew, ngunit same professors lang sila.

"O, ayan. Sagot iyan ng matalino nating pinsan kaya kopyahin niyo na." Sinalpak ni Matthew ang ang papel sa lamesa at pinagkaguluhan agad iyon ng mga bagong dating na mga pinsan niya.

"Grabe naman 'tong mga tanong na 'to. Hindi ko maiisip na ito ang lalabas kahit mag-review ako," sabi ni Jude. "Buti na lang nandyan ka, insan!"

"Perks of having a running Magna Cum Laude for a cousin," natatawang sambit ni Titus.

"Running for Magna na nangungulimbat ng test paper in advance!" ani Andrew.

Nagtawanan ang mga ito habang siya ay napailing-iling. "Desperate time calls for desperate measures," katwiran niya.

"And this is college! Bawal matino dito. Bumabagsak." Nagsindi ng sigarilyo si Matthew at inabutan din siya ng isa. "Iyong sagot sa Social Science nasaan?" Nakakulimbat din kasi siya ng test paper sa subject na iyon.

Kinuha niya ang lighter dito. "Na kay Frances pa, kukunin ko na lang mamaya," tukoy niya sa kasintahan na kaklase naman nila sa isang minor subject. Business Management naman ang kurso ng nobya.

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon