Chapter 7: A Tough Cling

137K 2.5K 123
                                    

Chapter 7: A Tough Cling

...genuine love includes abhorrence of evil, as well as commitment to the good. In other words, genuine love is not a passive, effeminate (unmanly) quality that sugarcoats evil, but rather an active, righteous quality that opposes evil.

(Credits: pastorhistorian.com)

❤❤❤

"KUNG hindi mo pala anak si Renz, why did Rachelle claim that he's yours?"

            Mahabang buntong-hininga ang ginawa ni Terrence at saka ito tumingin sa malayo. Dalawang linggo na agad ang mabilis na lumipas mula nang sabihin sa kanya ni Terrence ang kutob nitong hindi nito anak na totoo si Renz.

            Kumuha na rin sila ng DNA last week. At sa katapusan pa ng buwan nila malalaman ang resulta. That will be three weeks from now.

            "Sana alam ko rin ang sagot, Eunice. Ayokong isipin na nagsinungaling si Rachelle dahil alam kong hindi niya gagawin iyon." Nilingon siya ng asawa at dinaluhan siya sa kama. "Pero naghihintay pa rin ako sa magiging report ni Matthew tungkol kay Alfred."

            Humiga na ng maayos si Eunice. Gusto niyang magalit dahil kung totoo man na hindi nga anak ni Terrence ang bata, ibig sabihin ay niloloko sila... Niloloko sila ni Alfred.

            She trusted him. And she was more than willing to make friends with Alfred but then...

            "Siguradong sigurado ka na ikaw ang ama ng bata noon..."

            Napatayo na naman si Terrence. Lumapit ito sa crib ni Renz na binili nila nung isang araw. Nakatitig ito sa batang mahimbing nang natutulog. "Sigurado ako... dahil kahit na lasing ako noon parang nararamdaman ko nga na... na..." Hindi nito matuloy-tuloy ang sinasabi.

            "Na may nangyayari sa inyo?" pagpapatuloy na lang niya.

            "I was kissing Rachelle on the shore and the next thing I knew, I woke up in her room. And there's a clear evidence that something really happened although I cannot remember the details." Nahilamos nito ang mga kamay sa mukha. Tumingin ito ulit sa kanya. He looked so frustrated on trying to figure things out.

"And it's not Rachelle's thing to jump into another man's bed habang kami pa. I also know how to count, Eunice. Tugma ang mga petsa, ang mga araw, ang mga buwan... It all points that I got Rachelle pregnant. Kaya gulung-gulo rin ako ngayon. Gusto kong magkamali ako sa kutob ko na baka hindi ko anak ang bata. Pero, hindi eh... Hindi ako matahimik, so I believe something's really wrong."

Kitang-kita niya sa mga mata nito ang confusion. He's trying hard to connect the puzzle but the pieces were incomplete. Ang mahigit isang buong taon nitong pinaniwalaan ay biglang mababago lang dahil sa wala itong naramdaman na kahit anong koneksyon kay Renz.

Si Eunice naman ay hindi lang din naman alam ang gagawin. Hanggang sa wala pang DNA test results at ang investigation kay Alfred, hindi niya alam kung anong iisipin.

Naaawa siya para kay Terrence. Nagpapagaling pa lang ito at bumabawi ng lakas, physically. Ngayon naman nasusubok ang kalooban nito.

At nahihirapan din siya. Kung kailan naman napakapositibo na ng tingin niya sa mundo dahil sa pagkakabukas ng isip at puso niya tungkol sa tunay na pag-ibig, ay saka naman nagkakaganito.

Bigla siyang nagsisisi na hayaang makapasok si Alfred sa buhay at bahay nila. Kahit wala pa silang napapatunayan, nakukutuban niya na rin na may hindi tama.

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon