Chapter 5: A Tough Doubt
MAAGANG nagising si Eunice nang sumunod na araw kaya naman naisipan niyang magluto ng agahan.
"Sige, Mang Emman, ako na po munang bahala rito," nakangiting sabi niya sa matandang kasambahay habang nagsusuot siya ng apron.
"Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon, Ma'am!" masiglang sabi naman nito.
Kumuha siya ng frying pan at nilagay sa ibabaw ng kalan. "Opo. Masarap po kasi ang tulog ko, Mang Emman. Salamat po pala sa kahapon, ah?"
Nakuha naman nito ang sinabi niya kaya tumango ang matanda. "Sa nakikita ko ngayon, nahanap mo na siguro ang sagot at mukhang di ka naman na naguguluhan pa."
"Oo nga po." Nagsimula na siyang maglagay ng mantika sa frying pan. "Mahal ko po talaga ang bata. Tanggap ko siya bilang sariling anak ko na rin. Hindi ko po alam paano maging ina pero, napag-aaralan naman po siguro iyon." Lalo na at nandyan naman ang asawa para tulungan siya na maging mas mabuti pang tao.
"Tama ka diyan. Basta't buong puso mong nais iyan, wala kang magiging problema. O siya, maiwan na muna kita, Ma'am Eunice. At ako'y magdidilig muna ng mga halaman sa labas. Maglilinis na rin ako ng kotse at ng garahe."
Pagkalabas nito ay nagpatuloy na siya sa ginagawa. Naglabas siya ng hotdogs mula sa loob ng freezer at pagkatapos ay hiniwa-hiwa iyon sa maliliit dahil iyon ang gustong kinakain ni Renz. After dicing the hotdogs, nilagay niya na iyon sa frying pan. Sinabay niya na rin ang bacon at ham.
May isang supot ng mainit na pandesal na s-in-erve niya sa dining table. Nagisa rin sya ng kanin. Pagkatapos ay ginawang niya ng chicken vegetable salad si Terrence.
Mahigit isang oras na siyang naghahanda ng agahan ng maramdaman niyang may bumababa sa hagdanan. Sumilip siya sa labas ng kitchen at nakitang pababa si Alfred. Bagong ligo at nakasuot na ng uniform nito na puting polo-shirt na sa gilid ay may maliit na logo ng supermarket na pinagta-trabahuhan nito. Naka-tuck ang polo shirt sa itim na slacks nito na nakapares sa black leather shoes nito.
"Good morning!" bati niya rito. Agad itong napalingon sa kanya at nagulat pa ng makita siya.
"E-Eunice! Ah... magandang umaga rin," bati nito pabalik na may tipid na mga ngiti.
"Papasok ka na ba? Kumain ka muna ng agahan," aya niya rito. Naka-serve naman na sa lamesa ang lahat ng hinanda niya. "Si Renz pala?"
"Natutulog pa ang bata," anito habang naghihila ng upuan. "Pero sa tingin ko, magigising na maya-maya bago ako umalis."
Tumangu-tango siya. "Pinagluto ko ang bata ng hotdog. Hiniwa ko ng sobrang liit para mas madaling nguyain," aniya rito. "Magustuhan kaya iyon ni Renz?"
Napatingin sa kanya si Alfred ng matagal.
"W-Why?" aniya habang pinapatong ang isang bowl ng chicken vegetable salad na ginawa niya para sa asawa.
Dahan-dahan itong umiling at napangiti. "Gustung-gusto ni Renz iyon, sigurado. Iyon rin kasi ang ginagawa ni Rachelle noon para makakain si Renz ng maayos." Pagkatapos ay nawala ang mga ngiti nito at napalitan ng lungkot ang mga mata nito. Napayuko ito at sinimulan ng kumain.
Lihim na napabuntong-hininga si Eunice. Mga buwan pa lang lumilipas mula nang mamatay si Rachelle at alam niyang hindi talaga ganoon kadaling mag-move on. If Terrence wasn't able to survive the coma, maybe parehas sila ngayon ni Alfred na nagpapakatatag at pilit na maging masaya.
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015