Chapter 10: A Tough Timing

132K 2.2K 90
                                    

Chapter 10: A Tough Timing

"Everything has its own time, and there is a specific time for every activity under heaven;"

–Ecclesiastes 3:1

❤❤❤

EUNICE can't help but smile as she listens to Renz' voice. Kumakanta ito ng isang nursery rhyme na kahit hindi pa buo ang mga salita ay nasa tono naman.

 Limang buwan na ang nagdaan magmula nang umalis ang bata at si Alfred sa kanila. But still, hindi mapigilan ni Eunice na magkaroon ng constant communication sa mag-ama. Una, kinukumusta-kumusta niya si Alfred. Hanggang sa lagi niya nang nami-miss si Renz kaya naman twice a week ay tumatawag siya kay Alfred at nakikibalita kay Renz.

"Very good, baby," she sweetly said after Renz sang. "Kapag nag-visit ka ulit rito, you will sing that, again, ha?"

The little boy answered "Opo" and just giggled. Maya-maya ay si Alfred na ang kausap niya.

"Ikaw ba ang nagturo kay Renz? Wow! He sang very well!"

"Ang nanay ang nagturo sa kanya. Pag-uwi ko galing ng trabaho, nagulat na lang rin ako nang kantahan ako," masayang pagkukuwento nito. "Siya nga pala, natanggap namin ang padala niyo ni Terrence na mga laruan. Maraming salamat pero sana hindi na kayo nag-abala pa."

"It's okay! Ako kaya ang nagpumilit kay Terrence na mag-shopping ng toys. Medyo alibi ko na rin iyon para makasama siya. Paano ba naman, magmula nang bumalik siya sa trabaho, lagi na siyang busy. Minsan nga hindi na kami nagkikita dito sa bahay."

Magli-limang buwan na rin ang lumipas magmula nang bumalik sa trabaho si Terrence sa Sagittarius. Dahil matagal na nawala, naipon ang trabaho nito at nasabak sa maraming meetings and business conferences. Nagsunud-sunod rin ang mga business trips nito sa loob at labas ng Pilipinas. Minsan, kahit sinasama siya nito ay siya lang rin ang mag-isang namamasyal dahil nga busy ito.

Sa mga nakalipas na mga buwan ay nakatatlong business trip agad ito. Gusto ngang umangal ni Eunice minsan dahil literal na hindi niya na makikita at nakakausap si Terrence. But her husband's enjoying his work. Na-miss daw nito ang trabaho. Masaya naman ito kaya masaya na rin siya.

Madalas ay panakaw na oras lang sila nakakapag-make love. Iyon lang lagi ang mabilis ngunit napakatamis na intimate moment nila. Naiisip niyang magkakaroon rin sila ni Terrence ng sariling mahabang oras na masosolo ulit nila.

"Masipag ang asawa mo, dapat matuwa ka. Pero ikaw rin naman, abala ngayon di'ba? Kumusta na ba ang pinaplano mong pagtatayo ng fashion boutique? Itutuloy mo ba iyon?" tanong ni Alfred sa kabilang linya.

Si Alfred na ngayon ang constant phone buddy niya. Dahil ang kaibigan niyang sina Rizza, Syrel, at Lorraine ay naging sobrang busy na rin sa kanya-kanyang trabaho. Si Geoff naman, bumalik na ng France. Kaya ang nakakausap niya lang lagi ay si Alfred. Hindi niya inaasahan na magiging magkaibigan pa talaga sila kung kailan nasa malayo na ito. Nagkasundo talaga sila sa kabila ng mga napagdaan nila.

"Hindi ko pa nga alam kung itutuloy ko. Hindi ko pa kasi nasasabi ulit ang mga plano ko kay Terrence. Isa pa, tumawag sa'kin iyong boss ko noon sa Paris," pagkukuwento niya rito. Naglakad siya patungo sa work room niya kung saan nakakalat lahat ng ginagamit niyang materials sa paggawa ng mga designs niya.

"Matagal ka ng nag-quit sa kompanya nila di'ba? Ano daw sabi?"

Napangiti siya nang maalala ang naging conversation nila ng dati niyang employer. "Recently kasi, nagpo-post ako sa Instagram account ko ng mga new designs, sketches, and creations ko. I'm not aware na naka-follow pala sa'kin ang scout ng dating pinagta-trabahuhan ko. And then, she saw the designs on my account. Pinakita niya sa boss namin kaya, tinawagan ako at pinababalik sa Paris."

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon