CHAPTER 19: A Tough Challenge
""But I tell you, love your enemies and pray for those who persecute you." -Matthew 5:44.
In the context of this passage, then, Jesus is saying that our love should be like the common grace of God. This love goes beyond tolerating. It actually seeks the good of the enemy. Paul says, "If your enemy is hungry, feed him; if he is thirsty, give him something to drink; for by so doing you will heap burning coals on his head. Do not be overcome by evil, but overcome evil with good" (Romans 12:20-21). That is the idea here, too. Overcome evil not with more evil, but with goodness and love."
(Credits to: pastormark.tv)
❤❤❤
TINAASAN ng kilay ni Eunice ang asawang si Terrence.
"What?" tanong nito.
"You won't let me do my shopping, you won't let me drive, you won't let me do my designs... halos ayaw mo na 'kong kumilos? Buntis lang ako, Terrence. Wala akong sakit. Huwag mo naman akong ikulong dito sa bahay," natatawang sabi niya rito.
Napakamot ito ng batok. "Gusto ko lang naman na mag-ingat tayo. You're just four weeks pregnant. Sabi nila, ang pinakamaselang stage ng pagbubuntis ay ang first trimester. Doble-dobleng ingat dapat. Panganay pa natin." Niyakap siya nito at sinubsob ang mukha sa pagitan ng kanyang leeg at balikat. "Sorry if you feel like I'm caging you here."
Napangiti si Eunice. Naiintindihan niya namang masyadong nag-aalala si Terrence. Katulad niya, clueless rin ito kung ano bang mga tamang gawin habang buntis siya. Namili pa sila ng mga libro na tungkol sa pagbubuntis at nagtanong sa doktor at mga kapamilya nila para malaman nila ang mga dapat gawin.
Pagkatapos kasi niyang sabihin kay Terrence ang tungkol sa pagbubuntis niya, ay hindi na ito mapakali sa mga dapat at hindi dapat niyang gawin. She can feel that he's so happy and excited about their first baby, pero halatang halata rin ang pagkataranta nito at pagkaparanoid sa mga safety precautions na dapat nilang sundin.
Hinaplos niya ang braso nito. "Basta sabi naman ni Doc, puwedeng puwede ko pa gawin ang kahit anong gusto ko. Huwag lang extremes. So, I think, puwedeng puwede pa 'kong magpunta sa mall at mag-shopping."
"Nag-shopping ka na nung isang araw, magsa-shopping ka na naman ulit?"
"Old habits die hard. At saka naglalambing si Cyla. Gusto niyang manood ng sine kasi may ipapalabas na bagong Disney movie."
"Can we just do it on a Sunday? Para makasama ako."
"Eh, di'ba, we're going to one of the board member's party by Sunday?" paalala niya rito. "Sige na. Payagan mo na'ko. Payagan mo na kami ni Cyla."
Napabuntong-hininga ito at saka lumayo sa kanya. "Okay, fine. Kayong dalawa lang ba?"
"Yes. Hindi kasi puwede si Geoff. Marami na siyang inaasikaso ngayon," aniya pero hindi naman talaga niya inaya si Geoff. She just want to watch Terrence's reaction.
Biglang nagsalubong ang kilay nito. "And you had a plan to spend a day with him?"
"Huwag seloso," pang-aasar niya rito. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. And she find it so amusing. Ngayon lang siya natutuwa sa tuwing nakikitang nagsasalubong ang kilay nito. Lagi niya ngang napapansin ang kilay nito. Medyo makapal pala iyon pero tama lang ang shape. "I like your eyebrow," she randomly said. "Can we pluck it?"
"Ganyan ba kapag buntis? Pati kilay ng asawa pinapakialaman?"
She laughed. "I'll pluck your eyebrow."
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
SpiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015