Chapter 23: A Tough Acceptance
Every weakness you have is an opportunity for God to show His strength in your life.
"My grace is sufficient for you, for my power is made perfect in weakness" - 2 Corinthians 12:9
❤❤❤
"BRING the bodyguards with you," striktong bilin ng Kuya Eugene niya nang magpaalam si Eunice rito na gusto niya sanang pumunta ng Nueva Ecija.
Napangiti siya. "Okay," pagpayag niya. Wala naman kasi talaga siyang planong umalis nang walang bodyguards. "Buti pinayagan mo 'ko agad."
Nagkibit-balikat ito. "Ligtas naman sa'yo ang bumiyahe. At mukhang kailangan mo ng sariwang hangin ng probinsya. Hindi na kita pipigilan kung gusto mong sandaling umalis. Hindi naman kita puwedeng ikulong dito sa bahay."
Pangalawang araw na magsimula nang lumipat siya sa bahay ng kapatid at talagang bantay sarado ang buong bahay at village. Sabi naman ni Matthew ay walang problema ang paglabas-labas niya basta laging may proteksyon para lang masigurado ang kaligtasan niya.
Niyakap niya ang kapatid. "Mas bumait ka, Kuya, magmula nang bumalik ang nanay ni Heart. Are you inlove with her?"
"Yes," diretsong sagot naman nito. Wala pang paligoy-ligoy.
She chuckled. Ito ang gusto niya sa Kuya Eugene niya, hindi ito marunong magpa-suspense. He's really straightforward. "Aww... Marry her, then," tukso niya pa rito.
Ngunit pa-misteryosong ngumiti lang ang kapatid niya at saka siya tinaboy nito. Mamayang hapon siya aalis papuntang Nueva Ecija para bisitahin sina Alfred at Renz. Bigla niya lang naisip na gawin iyon at hindi siya matahimik kung hindi niya gagawin.
Humawak siya sa puson. "Baby, we're going to the province for a while. Overnight lang tayo para makahinga tayo sa fresh air," pagkausap niya pa sa baby niya na six weeks na bukas.
Pumunta na siya sa kuwarto niya at saka nag-ayos ng gamit. Pagkatapos ay tinignan niya ang cellphone niya. Hanggang sa ngayon ay hindi pa siya tinatawagan ng asawa.
Napabuntong-hininga siya. Terrence is still thinking. And most probably, unti-unti niya nang nakukuha kung bakit ito pansamantalang lumayo at nag-isip isip.
Maybe, Terrence can deny it no more.
Sandali niyang pinikit ang mga mata at saka maikling nagdasal. After a while, she's ready to go. Kung wala pa ang asawa niya para sunduin siya, might as well, na sandaling lumayo rin muna siya.
Apat na bodyguards ang kasama niyang bumiyahe sa isang van na dinala niya. Mahaba ang biyahe papunta sa Nueva Ecija. Ngunit imbes na mahilo o masyadong mapagod, nag-enjoy pa si Eunice sa pagtingin ng mga nadaanan sa labas ng bintana.
Para rin hindi mainip ay kinakausap niya ang mga bodyguards na kasama. Nag-stop over sila sandali sa isang restaurant at magkakasabay silang kumain. Naisip ni Eunice, kailan na ba noong huling makisalo siya sa mga taong bagong kakilala?
These past few months, umikot lang ang buhay niya sa bahay nila ni Terrence. Hindi siya masyado mahilig lumabas kung hindi lang rin siya magsa-shopping.
Nasa kalagitnaan na ulit siya ng biyahe nang tumunog ang phone niya. Geoff's calling.
"Hey," bati niya rito.
"Hey, cherie, umalis ka pala sa bahay ng kapatid mo ngayon?"
Nakuwento niya na rito ang latest happenings. Si Geoff pa ba ang mahuhuli sa balita tungkol sa kanya? "Yes! I'm on a road trip!" she excitedly said. "Pupunta lang ako ng Nueva Ecija."
BINABASA MO ANG
Love at its Toughest (Love Series #2)
EspiritualWith the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging matatag sina Eunice at Terrence para sa isa't isa? What is love? It was answered at its best. But, how tough is it? Written ©️ 2014-2015