Chapter 24: A Tough Faith

154K 2.8K 296
                                    

Chapter 24: A Tough Faith

"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand His wisdom, but we simply have to trust His will."

(Credits to: mediawebapps.com)

❤❤❤

EUNICE wanted to maintain her positive outlook of everything that was happening to them. But then, for a grieving mother, hindi na lang siya basta makangiti, magpanggap na masaya, at magkunwari ng mga tawa.

Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama at inililigpit ang mga pambatang damit at gamit para sana kay Baby Love. Madilim ang buong kuwarto at tanging ang sinag lang ng araw sa labas ang nagbibigay liwanag sa ginagawa niya. Pinulot niya ang yellow and pink baby gloves-tinitigan niya iyon at marahang hinaplos.

She knew, they knew, na mahihirapan siyang maitawid ng ligtas si Love dahil hindi normal ang pagdami ng cysts sa ovaries niya kahit ano pang proper medication at diet ang gawin nilang mag-asawa. Suwerte na nga daw na hindi nalalag ang baby at umabot pa ng six months. Hindi maipaliwanag ng mga doktor kung paanong nakakapit pa ng ganoong katagal ang baby.

Nilagay niya ang baby gloves sa malaking box at saka dinampot naman ang baby sandals na pinagkatuwaan nilang bilhin ni Terrence noon. She imagined Love wearing it and looked so pretty while wearing the small purple sandals. But it will never happen.

Eunice sobbed. Nanghihinang nilagay niya ang baby sandals sa loob ng box na itatabi nila ni Terrence sa bodega. Matagal na nilang tanggap na malaki ang posibilidad na mangyari ito, but they keep the faith and the hope that everything will be alright.

Pero lahat ng nararamdaman niyang lungkot at sakit sa pagkamatay ng baby nila ni Terrence pagkatapos itong mabuhay sandali-it will never be alright. It will never feel right.

Napahiga siya ng kama, binaon ang mukha sa unan at humagulgol ng iyak. Everyday-for forty days, she's just like this. Crying. Grieving.

Minsan, kadamay niya si Terrence. She can feel his pain, too, lalo na nang nalaman niya kay Mama Theresa ang hirap ng asawa sa pag-aasikaso ng lahat habang kailangan niyang magpahinga. Kadalasan, umiiyak na lang siya kapag wala si Terrence. Dahil mas nalulungkot ay nasasaktan siya sa tuwing naririnig niyang umiiyak ito, tumatagos sa buong kalamnan niya ang sakit na nararamdaman nito.

God, when will this be over? The pain? The sadness? It's killing us both, she silently prayed. Kumuyom ang kamay niya sa unan at mas nilakasan pa ang iyak.

Sa ganoong posisyon siya inabutan ni Terrence. Mabilis siya nitong hinila at kinulong sa loob ng mga bisig nito.

"E-Eunice..." he whispered in a cracked voice. She knew he's going to cry, too. And he did.

Araw-araw. Paulit-ulit. Ganito sila. Magkadamay sa pagluha, mahigpit na magkayakap na parang nakadepende sa isa't isa, hindi nag-uusap... they let their hearts to be connected, instead.

Maya-maya ay parehas nang humupa ang mga emosyon, ngunit ramdam pa rin ang lungkot sa paligid. Hinayaan nga nilang kunin sandali ni Frances si Cyla dahil kahit ang bata ay apektado at ramdam ang lungkot sa buong bahay.

Tinutulungan na siya ni Terrence sa pagliligpit ng mga gamit ng baby. Mas mabilis iyong natapos. He closed the box and sealed it. Binuhat ni Terrence ang kahon at lumabas na ito ng kuwarto.

Nahiga naman si Eunice ng kama at tulalang nakatingin sa labas ng bintana.

Natanong niya sa sarili, bakit kahit sumisikat ang araw, walang dating sa kanya iyon? Kahit anong magandang nasa paligid niya ay nawalan ng ganda... kahit ang mga kulay sa paligid ay parang nawala...

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon