Chapter 21: A Tough Confusion

116K 2.1K 62
                                    

Chapter 21: A Tough Confusion

"HOW DO I look?" nakangiting tanong ni Eunice sa asawa.

Nakasuot siya ngayon ng yellow beaded night gown na siya mismo ang gumawa. Her hair was fixed and she applied a total make up na pina-natural niya ang dating,

It's a Sunday night at dadalo nga sila sa birthday party ng pinakamatagal na board member ng Sagittarius.

Sinuyod ni Terrence ang kabuuan niya. He's wearing his own brown coat and tie. Malapad ang naging ngiti nito habang kinakabig siya sa baywang.

"Sobrang ganda, pero hindi ka ba lalamigin niyan?"

Hindi naman backless ang night gown kaya umiling siya. Sleeveless iyon at manipis ang strap. Hindi rin ganoon kataas ang slit. Conservative pa nga ang ginawa niyang cut at pattern para sa damit. It just showed enough of her skin. At hindi rin naman siya mabilis lamigin.

"Very well." He sweetly kissed her exposed shoulder. "Let's go?"

Kumapit siya sa braso nito at bumaba na sila ng hagdan. Ibinilin nila kay Mang Emman si Cyla. Gusto man nila itong isama ay hindi naman para sa bata ang pupuntahan nila kaya pumayag na lang rin ang bata na magpaiwan.

"Bye bye! Come home early, okay?" bilin pa nito sa kanila. Both she and Terrence laughed.

"We will, baby," aniya rito. "You want a 'pasalubong'?"

Nagningning ang mga mata nito. Alam kasi nito ang ibig sabihin ng 'pasalubong'. "Chocolates! Oh, and candies!" mabilis na sagot nito.

Binuhat ito ni Terrence at hinalikan sa pisngi. "Chocolates and candies, then. But you'll eat it tomorrow. You must be sleeping when we go home later."

"Okay, Papa!"

They kissed her good bye, at umalis na sila ni Terrence.

Hindi naman sila na-traffic ni Terrence sa pagpunta sa hotel kung saan ang venue ng party. Marami na ring mga tao agad pagkarating nila.

They walked around the place. All the time, magkahawak lang ang kamay nila ni Terrence. Hanggang sa pagkain nila ay hindi talaga nito siya binibitawan. Talagang sinusubuan pa siya nito ng pagkain para lang hindi magbitiw ang mga kamay nila.

Dahil doon ay kinikilig pa ang mga kasama nila sa table dahil sa public display of affection ni Terrence sa kanya. She was also enjoying Terrence's sweetness and his pampering, kaya naman hinayaan niya na lang.

Binitiwan lang ata nito ang kamay niya nang yumakap siya sa may birthday at nang makita niya si Daddy Johnny.

After that, he never left her side. Proud na proud pa nitong ipinamamalita sa ilang nakakausap nila ang pagbubuntis niya.

It's been four days since her unfortunate bleeding. Thank God, hindi grabe ang pagkakabagsak niya at ang nangyaring pagdurugo niya. Agad naman kasi siyang nadala sa ospital.

At si Frances mismo ang mabilis na nakahingi ng tulong para sa kanya. Kahapon niya lang nalaman ang tungkol doon. Kaya nakaramdam siya ng guilt sa mga iniisip niya rito. Nakalimutan niya rin na kaya siguro siya masyadong nagagalit sa babae dahil mabilis niya itong hinusgahan-which was wrong. Judging others is not an act of love. Kahit ano pang dahilan ni Frances para itulak ang anak nito palayo rito, hindi pa rin niya dapat ito husgahan.

Because if she's purely evil, then, hindi siya sana nito tutulungan at hahayaan lang siya nito na mag-bleed. But Frances didn't. Nang mawalan siya ng malay, hindi niya alam na ito ang sumigaw sa loob ng mall para makahingi ng tulong agad.

Love at its Toughest (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon