Chapter 13

1.1K 30 1
                                    

Tuesday, August 17, 2021 - 3:27pm
1st District Windsby Station

Christian's POV

Nag-unat ako ng kamay at balikat pagkatapos kong magtype ng ilang oras sa report na ipinapagawa sa akin ni Sir Borch. Pero agad ko ding binawi yung pag-unat dahil sa sakit ng katawan ko. Fucking hell. Binugbog talaga ako ng mga gago na yun.

Hindi pa ako masyadong binibigyan ng masyadong trabaho pagdating sa mga cases na nakukuha nila dahil sa... well... my past title—tsaka narin sa wala akong masyadong alam sa trabaho na ibinigay sa akin. It's like I'm just here. Existing. To work with Jean.

Ginagawa ko lang 'tong trabaho na ito dahil sa kondisyon na ginawa ni Jean

Tumayo ako sa upuan ko para kunin yung kakaprint lang na report na ginawa ko.

Kitang kita ko yung mga dividers na naghihiwalay sa mga 'office' namin dito sa loob ng isang malaking kwarto. Typically, they call it 'cubicles' pero ang naiisip ko lang ay banyo.

Nakaupo si Adrian hindi malayuan sa akin at pinalitan niya lang nawawalang pulis nung birthday ni Jean. Dahil sakto yung bilang ng cubicles dito, nakisiksik muna ako sa isang cubicle hanggang sa mailipat na lahat ng gamit ni  Sir Borch at Jean sa bagong office nila. Dun ko na kinuha yung isang bakanteng cubicle habang may natirira pang isa na bakante.

Kung magtratrabaho rin sina Shiro at Kuro dito, saan uupo yung isa?

Lumabas ako ng office namin dala dala yung report at dumaan sa reception kung saan nakita ko ang mga civilian sa labas. Nakaupo yung iba, tapos may iba ding nakalinya, at iba pang nakaposas na binabantayan ng isang pulis. Nadaanan ko rin si Jhay, yung receptionist namin dito, na busy lang siyang makipag-usap sa matandang babae.

Kumatok ako sa office ni Sir Borch at Jean. Kailangan kong ibigay yung report na 'to kasi kailangan daw ni Sir Borch para magawa niya bago kami pumunta sa bahay ni Adrian.

"Come in," rinig ko sa kabilang pinto kaya pumasok ako

Binati niya ako ng malaking ngiti kaya ngumiti nalang din ako para batiin siya

"Salamat ijo," sabi niya sa akin. Tumango ako bilang sagot.

"Anong oras po ulit yung..." hindi ko tinuloy ang sinabi ko at hinayaan siya na umintindi

Ngumiti siya ng malaki sa akin, "7pm huehuehue," sagot niya sa akin, "Hindi ka ba makakaabot?" napakunot yung noo niya sa pag-aalala dahil siguro sa tanong ko.

"Ah, hindi naman po. Baka kailangan ko lang ipaalala kay Jean,"

Tumawa siya ng mahina, "Don't worry. Jean is very punctual so it's the least thing you should be worrying about,"

"Paano po si Adrian?" tanong ko ulit, "May susi ka po ba sa bahay niya?"

"Oh he's working on Jean's reports for today so I adviced him to stay a bit longer kaya may time pa naman tayo na maghanda," sagot niya sa una kong tanong, "Hehehe secret nalang kung paano ko nakuha yung susi sa bahay ni Adrian," kumindat siya sa akin at tahimik nalang na tumawa

Ngumiti nalang din ako at tumango bago ako umalis sa office niya.

Tumayo ako saglit sa labas ng pinto at nag-isip.

Kumain na kaya si Jean? Ito ang unang pangyayari na mag-isa siya sa bahay niya nang wala ako na nagpapaalala na kumain siya.

Hmmm... sana hindi siya kumain ng gummy bears bilang agahan. That woman...

"Opo opo.... si Jean Zander,"

Lumaki ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan ni Jean. Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses na yun.

Zander's MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon