Chapter 1

34.4K 660 44
                                    

   Jade Shane Gomez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   Jade Shane Gomez


"SPG AHEAD READ AT YOUR OWN RISK"


[ JADE POV ]

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Bumangon ako sa pag kahiga sa kama at nag stretch ng katawan. Minasahe ko ang batok ko ng maramdaman ko ang sakit nito dahil siguro sa posisyon ng pagkahiga ko.

Kinapa ko ang keypad phone ko na nasa sa gilid ng unan. Tiningnan ko kung anong oras na.

Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko kung anong oras na sa phone ko. Alas dyes na kasi akong nagising at tanghaling tapat na.

Naku! Lagot talaga ako ni Ante Chonna nito dahil hindi ko na lako ang paninda nyang ulam ngayon. Mabilis akong pumunta sa kusina kung nandun paba si Ante. Pero wala ito dun kaya pumunta ako sa labas pero wala din dito. Naku! Patay talaga ako nito.

Napasulyap ako sa labas ng bakuran ng makita ko si ante na may dalang bilao at wala na itong lamang ulam. Pabalik na sya ng bahay at nakaipit ang bilao sa gilid ng kili kili nya.

Nagsalubong ang kanyang kilay habang kunot noo itong sinara ang pintoan ng bakuran.

Nasulobong ko ang tingin nya na nanglilisik na katingin sa akin na ikina sibol ng kaba sa dibdib ko. Mabigat ang bawat hakbang nya patungo sa ikitayuan ko habang galit parin ang mukha nya.

At nung nasa harap na niya ako ay mabilis lumipad ang bilao sa pagmumukha ko. Pinaghamapas nya ko sa aking balikat na ikinangiwi ko ng dahil sa sakit. At hindi pa sya nakontento ginawaran pa nya ko ng mag asawang sampal sa pisnge ko. 

Hindi nalang ako ng laban kasi kasalan ko naman kung bakit galit na galit si ante ngayon. Tiniis ko ang bawat sakit na pagmamaltrato nya sa akin.

"Bwesít kang bata ka bakit hindi ka maagang gumising ha?!. Ako pa talaga ang nagtinda ng ulam! Kaya ngayon hindi ka kakain ng buong araw! Sana sumunod ka nalang sa magulang mo sa sementeryo para wala nakong problemahin sayong bata ka! Akala mo buhay prinsesa ka dito?! Ang kapal talaga ng pag mumukha mo! Bwesít ka!!" Sigaw nya sakin na ikinayuko ko nalang. Nagbabadyang tumulo ang luha ko pero pinigilan ko ito. Ayaw ko nang umiyak, sawang sawa na ako. Feeling ko mahina ako kapag umiiyak ako. 

Baket hindi pako na sanay kay Ante Chonna na palagi nya kong pinagbubuhatan ng kamay. May araw pa ngang hindi nya ko pinapakain buong araw eh. Naranasan ko naring sa labas nya ko patulogin sa gabi kahit malakas ang ulan. Wala talaga syang pake alam sakin kung magkakasakit man ako o may mangyaring masama sa akin.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon