Chapter 9

11.8K 362 27
                                    

"ANO ANG NAKUHA mong trabaho jade?" Bungad na tanong sakin ni kiko. Kakauwi ko lang galing sa ini-aplyan kong trabaho.

"Restaurant." Wika ko at padabog kong hiniga ang katawan ko sa kama. Na drain talaga ang energy ko kanina sa paghahanap ng trabaho. Gusto ko nang mag pahinga para maka gain ng lakas.

"Yay! May trabaho na sya!." Magiliw niyang ani. Pinikit ko nalang ang mata ko. Bahala ka jan..

"Libre. Libre. Libre. Libre." Sigaw nya kaya binuka ko ang isang mata ko at nakita ko pa syang nakangiti sakin habang sinisigaw ang libre. Bahala ka jan wala pa nga akong sahod, Libre agad.

"Bukas pa ang umpisa ko. Wala pa akong pera kaya manahimik ka jan matutulog muna ako." Tinatamad kong saad sa kanya at tumalikod akong nakahiga.

Biglang umaga ang kutson ng kama at may pumulopot na dalawang kamay sa bewang ko. Hindi ko nalang yun pinansin kasi alam kung si kiko ito. Tsansing masyado ang mokong.

"Kumain kana ba? May pagkain akong hinanda para sabay na tayo. Kasi alam kung napapagod ka sa paghahanap ng trabaho. Tayo kana jan at kumain na tayo." Bulong nya sa tenga ko at pinalo nya ang pwet ko. 'Di ko mapigilan ang kiligin sa mga pautot ni kiko kasi para kaming mag asawang na sinisilbihan nya ang misis niya.

Humarap ako sa kanya at nakita ko ang gwapong mukha nya na nakangiting nakatitig sakin. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko. Ang sarap kurutin dahil sa ka-kyutan nya.

Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at hinawakan ko ang mag kabilang mukha nya at hinimas ko ito.

"Ikaw hindi kaba napagod sa trabaho mo?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Pagod na pagod pero nung nakita kita nawala lahat ang pagod ko." Malumay nyang wika sakin na ikinangiti ko.

"Ang sweet sweet talaga ng bestfriend ko kaya mahal na mahal ko to ehh!" Wika ko sabay halik sa pisnge nya. Nasilayan ko ang paglungkot nang mga mata nya sa sinabi ko pero kalaunan ay ngumiti lang ito ng pilit sakin.

"Tara bangon kana jan kain na tayo." Walang ka emosyong sabi nya sabay tayo at pumunta sa dinning table. Anong nangyari sa kanya at baket nawala yun sa mood. Tsk. Bipolar talaga.

Iwinaksi ko nalang ang mga iniisip ko at sumunod sa kanya.

--

"Anong nangyari sayo baket hindi kana kumibo jan?" Tanong ko sa kanya kasi kanina pa sya hindi nag sasalita at puro tango lang itunugon nya kapag may sasabihin ako. Kanina pa 'tong wala sa mood.

Hindi nya ko pinansin patuloy lang sya sa pagkain. Hayst! Suko na talaga ako. Napabungtong hininga nalang ako at pinatuloy ang pagkain.

Pagkatapos nyang kumain ay nilagay nya ito sa lagayan ng hugasan ng pinggan at uminom ng tubig bago lumabas.

Ano ba ang nasabi ko na hindi maganda na ikinatopak nya. Litong lito na talaga ako para na akong ma baliw dahil sa kakaisip ng anong dahilan ng ikinabad mood nya. Meron ba sya ngayon kung bakit nagkaganon sya. Hala! baka meron nga kasi hindi naman sya mag kaganon kung wala syang regla. Hayst! Ano kaba jade kaylan paba rereglahin ang lalake? Kahit kailan talaga ang boba mong mag isip.

Oo nga no.. Kailan paba rereglahin ang lalake? Tsk. Baka pagod lang yun sa trabaho kaya nagkaganun si kiko.

Inis kong ginilo ang buhok ko dahil sa stress sa kaiisip. Kailangan kong mahimas-masan. Kailangan kong maligo para mawala na 'tong nakakastress na iniisip ko.

Chee! Bahala sya kung hindi nya ko papansinin hindi ko rin sya kikibuin. Pataasan to ng pride pre!

Inis akong tumayo at nilagay ko ang pinagkainan ko sa lagayan at hinugasan ito sa lababo kasama na yung kinainan ni kiko na hindi lang man nya hinugasan.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon