"SAAN KA NA BA?" Sabi ko sa kabilang linya. Kanina pa ako nandito sa labas ng mamahaling restaurant. Ito ang adress na binigay nya kahapon.
"Otw na wag kanang mainip jan." Saad nya na ikinairap ko. On the way pa sya tapos kanina pa'ko dito naghihintay halos limang oras na'kong naghintay sa kanya.
"Limang oras na ako naghintay dito carlo. At sobrang gutom na gutom na'ko alam mo yun. Nakakainis ka talaga, ang usapan natin ay 7 carlo at hindi 12 noon. Tingnan mo ngayang relo mo kung anong oras na ha!." Naiinis kong saad sa kanya. Sobrang na stress na'ko dito.
Para akong sira palakad at pabalik balik dito sa labas ng restaurant sa kakahintay sa kanya.
"Ok kalma lang, Sorry talaga jade. Tanghali na kasi akong nagising e, Napasobra lang ng tulog. Pero babawi ako sayo. Ako na ang bahala sa lahat, sagot ko na lahat kung saan man tayo pupunta. Okay ba'yon sayo jade?" Saad niya.
Dapat lang na babawi ka kay kung hindi lagot talaga sya sakin makatikim talaga sya nang suntok ni manny paquiao.
"Okay deal." At inend ko na ang call namin. Siguraduhin nya lang talaga na ilibre nya ko mamaya.
Sampong minuto ang lumipas ng nakita ko na syang lumabas ng kotse at pormang porma ang mokong ah. Mukhang may date.
Hindi katulad sakin na simple lang. Naka White t-shirt ako na may naka prentang sa harap na Elegant at pinarisan ko rin ng maong short.
Ngumiti pa syang naglalakad ng makita nya ko. Para syang modelo na naglalakad sa daan. Sout nya ang puting polo na may nakatatak na Handsome at denim tatterd jeans naman sa pangbaba.
At nung na sa harap ko na sya ay tinaasan ko sya ng kilay pero ang loko ngumiti lang at may pakindat kindat pang nalalaman. Tusukin ko kaya mata mo para ma bulag kanang loko ka. Inis mo si ako limang oras na nya kong pinaghintay tapos ngayon may pangiti ngiti pa sya nice! Ikinapogi nya yan.
"Tara na gutom na'ko i ready mo na'yang pitaka mo ngayon kasi uubusin ko lahat ng pagkain sa restaurant na'to." Naiinis kong saad at tinuro ko ang restau. Kala nya siguro.
"Okay if that's what you want." Aniya sabay hawak sa kamay ko at kinaladkad na nya ko papasok sa restaurant.
Pagpasok palang namin sa loob ay tinitigan na kami ng mga taong kumakain din doon. May mga babae pang kumindat kay carlo at ang loko naman ay nginitian nya ito kaya halos mamatay sa kilig ang mga higad.
Nakita ko rin yung grupo ng kalakihan na ngumiti sakin. Nginitian ko lang naman din bilang tugon ko sakanila. Lalapit sana yung naka ball cap na lalake sa akin pero hinila na'ko ni carlo at pinaupo nya ko sa chair stole nang pang dalawahan.
"Get the fúck up dude she's my girlfriend." Galit na wika ni carlo sa lalake na sumunod pa rin saamin. At ano daw she's my girlfriend. Babae ba ako? Puta to si carlo ah.
"Ohwws! Ok may boyfriend na pala si miss beautiful sayang naman tss!" Nadismayang saad ng lalake sabay tumalikod sa amin at bumalik na sa table nya kasama ang mga kaibigan nya.
Umupo naman si carlo sa stole at tumingin sakin.
"May pa girlfriend girlfriend ka pang nalalaman. At kung makigamit ng salita na she babae ba ako?" Naiinis kong saad sabay irap nang mata ko ng 100% degrees. Yung parang na possessed na talaga.
"Yan! Dahil sa sobra mong ganda lalapitin ka na ng lalake. Tsk!" Aniya at tiniwag ang waiter.
"Baket hiniling ko bang maging maganda. Hindi naman diba." Tugon ko naman sa kanya.
"Choose what do you want to order maam and sir." Sabi ng waiter at binigay samin ang menu. Hindi nalang ako umimik sa kasama ko at tumingin nalang sa menu para umorder.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.