"Jade's POV"
NARAMDAMAN KONG may humawak sa aking mukha at humahaplos sa aking labi.
Hindi ko muna minulat ang aking mga mata. At pinakiramdaman ang kanyang magaang mga haplos niya sa aking pisnge.
"I love you." Masuyong bulong nya na ikina gulat ko. Totoo bang sinabi nya yun. Sumibol ang malakas na tibok sa aking puso dahil sa sinabi nya.
Pinatakan nya ng magaang halik ang aking noo at doon ko na minulat ang aking mga mata.
Si sir blake ang bumungad sakin na nakapikit na hinalikan ang aking noo. Hindi ko alam kong ano ang irereact ko sa ginagawa nya sakin.
"Si-sir Blake." Aniko na ikina buka ng kanyang mata at gulat ang rumihistro sa kanyang gwapong mukha ng makita n'yang gising ako.
"Gising kana, Tatawag muna ako ng doctor... jan kalang." Tarantang saad nya at tatayo na sana sya ng hawakan ko ang kanyang kamay para tumigil siya. Tumingin sya sakin na nagtataka na ikinangiti ko.
"Wag na.. ayos lang ako." Wika ko at ngumiti sa kanya.
"Umupo ka lang dito. May sasabihin ako sayo." Dagdag ko pa. Tumango naman sya at umupo sya sa tabi ko. Nandun parin ang pag-alala sa kanyang mukha.
"Wala kana bang nararamdamang sakit jan sa ulo mo?" Nag alalang tanong pa nya. Umilang lang naman ako bilang tugon at ngumiti.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag salita. Bahala na kung ano ang maging reaksyon nya. Basta ako sasabihin ko na ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Ayoko nang patagalin pa 'to. Gusto kong malaman nya na mahal ko sya.
"Sir Blake?" Tawag ko sa kanya. Tumingin din naman sya sakin at nag hihintay sa sasabihin ko.
"Ano yun jade?" Saad n'yang seryoso at nakakunot ang kanyang noo. Na lalong ikinagwapo nya.
"Ahhmmm----" Hindi ko alam kong kaya ko na bang sabihin sa kanya ito. Pero baka ma dissapoint sya sakin.
Alam kong straight sya at may fiance. Pero hindi ko na talaga kayang itago ito. Gusto ko nang malaman nya na mahal ko sya.
Kahit hindi nya na tugunan iyong pagmamahal ko sa kanya. Basta sa akin ay masabi ko na 'yong nararamdaman ko para sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nag lakas loob na mag salita.
"Mahal---------"
hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may malakas na tumiling boses babae atsaka niyakap nya si sir blake.
"Ihhhhhhhhh! Namiss kita babe." Hyper na wika nya kay blake.
Napayuko nalang ako. Hindi ko kayang tingnan sila kasi parang pinipiga ang puso ko kapag nakita kong ngumiti si blake at puno ng pagmamahal n'yang hinalikan si elizabeth sa noo.
"Me too." Tugon naman nya sa babae. Tumingin sya sakin habang hinawakan nya ang bewang ng kanyang fiance at ang bruha naman ay nakapulopot ang dalawang kamay nya sa leeg ni blake.
Fúck! This feeling.
Nasasaktan talaga ako.
"Ano nga yung sasabihin mo jade?" Aniya. Pero umiling lang ako at nilihis ko ang pagtingin ko sakanila.
"Ahhhh... wala yun.. wag munang pansinin." Ang nasabi ko nalang at yumuko.
Mula ngayon pipigilin ko nalang itong pagmamahal ko sa kanya. Wala namang saysay ito kung malaman pa nya.
Alam kong mahal nya si elizabeth kaya iparaya ko nalang sya sa kanya.
"Babe kumain kana ba?" Saad ni elizabeth at hindi parin bumitaw sa pagyakap nya kay sir blake.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.