NAGISING ako dahil sa ingay na narinig ko. May umiiyak at merong humihingi nang tulong. Minulat ko ang mata ko pero wala akong makita kundi puro itim.
"Pakawalan nyo ko dito.." Pagmamakaawa ng boses ng babae.
"Sino ba kayo!! Pakawalan nyo ko!! Papatayin ko talaga kayo kapag nakatakas ako dito!!." Sigaw ng lalake.
"Pleaseeee po pakawalan nyo po kami dito." Sabi naman ng mahinhin na tinig at alam kong bakla iyon.
Sh*t doon lang ako natauhan ng maramdaman kong nakapiring pala ako atsaka nakatali ang dalawa kong kamay. Ginagalaw galaw ko ang kamay ko baka makawala ako pero ang higpit talaga ng pagkagapos sakin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at napatigil ako sa paggalaw ng kamay ko. Pinaramdaman ko muna kung ano ang gagawin nila.
"Wag po pakawalan nyo po ako dito. Ayoko po'ng sumama pleaseee. Parang awa nyo na." Tinig ng babae na nagmamakaawa.
"Bitiwan nyo ko ayokong sumama!!." Tinig nang lalake at narinig ko pa ang pag tumba ng upuan.
"Wag! Bitiwan nyo ko mga hayop kayo!!." Sigaw ng mahinhin na tinig. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.
Kahit ano ang pagwawala ko at iiyak ay wala na talagang lumabas na luha sa mga mata ko atsaka hindi rin ako makagalaw dahil na ubusan ako ng enerhiya.
Narinig ko nalang ang pag sara ng pinto at wala na kong narinig na nag mamakaawa. Sobrang tahimik at para na akong na bingi dahil sa katahimikan.
Ano ba talaga ang gagawin nila sa amin?. Bigla nalang sumibol ang kaba sa dibdib ko baka kuhanin nila ang aming lamang loob atsaka ibenta.
Naku! Wag naman sana. Hindi pa po ako na kapag-paalam kay kiko atsaka kay carlo kung sakaling ibebenta nila kami.
Tumulo ang luha ko dahil sa takot. Ayaw ko pa pong mamatay, marami pa po akong balak at mithiin sa buhay.
Sa kabila ng aking pag iisip ay narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto at tumunog ang bawat pagtapak ng kanilang sapatos patungo sakin.
"Ang swerte naman ang makabili nito pre. Ang kinis atsaka ang ganda at mukhang virgin pre." Saad ng boses na lalake at natatawa pa sa huli.
"Oo nga pre e. Mas makinis pa sa asawa ko." Ani naman ng isa pang boses lalake at sabay pa silang tumawa.
"Pakawalan nyo po ako." Pagmamakaawa ko at kinalagan nila ang pagkatali sa kamay ko.
kinaladkad nila ako palabas at hindi parin nila kinuha ang pagka piring sa mata ko.
"A-ano ba ta-talaga ang g-gagawin nyo sakin?" Nauutal kong tanong sa kanila. Walang kasidlan ang kabang nararamdaman ko.
"Wag kanang mag tanong, Manahimik ka nalang."
May binuksan silang pinto atsaka pinasok nila ako doon. Nararamdaman ko pa ang ginaw sa loob dahil sa aircon. Napadapa ako ng tinulak nila ako at sinarado ang pinto.
"Ohh! Ipasok nyo nayan." Sabi ng bakla ang tuno ng pagsalita.
"Opo boss." Saad naman ng nagdala sakin dito at hinawakan nila ang braso ko.
Pinilit nila akong pinatayo sa pagkaupo ko sa sahig. Nagpupumiglas ako atsaka nag sisipa sakanila.
Ayoko talagang sumama sakanila. Hinawakan ulit nila ako sa braso pero patuloy parin ako sa pagpupumiglas.
"Wag nyo kong hawakan mga hayop kayo!!." Sigaw ko sa loob ng kwartong 'to.
"Boss ang hirap e." Pagsuko ng lalake.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.