Chapter 28

7K 266 24
                                    

MADALING ARAW na akong umalis sa mansion. Kahit hindi ko gusto pang umalis doon pero si sir blake na nga ang nag sabi na umalis na ako, kaya gagawin ko nalang para sa ikabubuti ng lahat.

Pero may takot parin ang namumutawi sa dibdib ko na baka makasatuparan ang plano ng bruha na 'yon.

Kahit masakit man sa kalooban ko ang pag papaalis ni blake sa akin. Pwes! Bahala sya sa buhay nya. Malaki na naman sya eh! Kaya na n'yang ipagtanggol ang sarili nya.

Pinapaniwalaan nya ang bruha na yun kesa sa akin. Dapat naman talaga nya papaniwalaan niya ang bruha na yun kasi mahal nya eh!

Pero ako nganga.

Ako lang naman ang nag mahal sakanya at hindi nya ko minahal. Isang laruan lang ako para sakanya.

Kailangan lang nya ko kapag nag iinit sya at angkinin niya ko nang paulit ulit. Pang palabas lang ako nang init ng katawan nya.

At aware ako na hindi nya ko mahal kaya nga tinatago ko nalang itong nararamdaman ko para sakanya dahil alam kong may mahal na s'yang iba at hindi ako yun, Yun ang masakit.

Pumara ako nang taxi kahit wala akong dalang pera. Bahala na.. basta ngayon malaya na ako at pwedi ko nang makita ang namimiss kong mga kaibigan.

At nung makasakay na ako ng taxi ay sinabi ko sakanya ang adress na pupuntahan ko.

Lutang ako na nakatingin sa bintana ng taxi at tumulo na naman ang luha ko. Pinahid ko iyon gamit ang aking palad. Hindi nila deserved ang pagluha ko. Magpapakatatag ka jade wag mo nasilang pansinin bahala na sila sa buhay nila.

Napahikbi nalang ako at mahinang umiiyak hindi ko kasi mapigilan eh! Ang sakit sakit lang talaga sa puso ko.

"Ayos lang po yan ma'am hindi nya deserved ang pagmamahal mo para sakanya."

Napaangat ako sa pagkayuko ko at tiningnan si manong. Tama ka manong hindi nya deserved ang pagmamahal ko para sakanya. Ngumiti lang naman ako kang manong atsaka ako nag pasalamat sakanya.

Napagaan ang kalooban ko dahil sa sinabi ni manong. Hindi niya deserved ang luha ko. Magpakatatag ka jade hindi lang sya ang lalake sa mundo marami pa. Napailing nalang ako dahil sa aking iniisip.

"Nandito na po tayo maam." Wika ni manong atsaka sya ngumiti sa akin.

"Manong wala po akong pamasahe eh! Wala talaga akong pera." Nahihiya kong saad atsaka ko sya tinitigan nang may paawa effect.

Para namang effective dahil napangiti sya sakin. "Okay lang po yun ma'am libre nalang ko po yun sayo. Maganda ka naman po eh." Hindi ko mapigilan ang mapatawa sa sinabi ni manong at nagpasalamat nalang sakanya.

Binuksan ko na ang pinto ng taxi pero narinig ko pa ang huling sinabi ni manong driver na ikinagaan pa lalo nang damdamin ko.

"Marami pa pong nagmamahal sayo ma'am. At wag na po n'yong iyakan yun hindi nya po deserved ang ganda mo." Saad ni manong at umalis na. Napangiti nalang ako na para bang walang nangyari.

Lumakad nalang ako papasok ng gate na pinag upahan ko dati. Sana naman nandito pa si kiko at hindi pa sya umalis. At nung nasa harap na ko ng pinto ng dorm ay napabuntong hininga muna ako bago ako kumatok ng pangatlong beses.

Wala namang sumagot kaya kumatok pa ako. "Sandali lang sino ba'yan!?" Saad ng nasa loob na alam kong bagong gising pa. Nadistorbo ko yata ang pagtulog nya. Hahaha...

"Sino ba'yan?!" Saad nya ng pagbukas nya nang pinto at napakamot sa ulo.

Wala talagang pinagbago ang lalakeng 'to. Sabog ang buhok at walang pang itaas na damit at sout nya lang ang maluwag na boxer.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon