NAGISING ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Bumangon ako sa paghiga at kinuha ko ang phone ko na nasa gilid ng unan para sagutin ang tawag.
"He-hello!" Inaantok kung sabi sa kabilang linya.
"Jade punta kana sa bahay asap." Sabi ng kabilang linya. Boses palang alam ko na kung kanino ito. Asungot talaga, ang agang mangbulabog. Tsk.
"Bakettt?" Tinatamad kong tugon.
"Basta bilisan mo na." Sabi nya sabay putol ng tawag.
Hays! Ano naman ba ang kaylangan ni Carlo at baket nya ko minamadali na papuntahin sa kanila.
Baka may importante syang sasabihin sa akin. Hindi nya kasi sinabi ang dahilan kung baket nya ko pinapapunta sa kanila.
Wala akong choice kahit gusto ko pang matulog ay hindi nalang, kasi baka mag tatampo naman ang asungot na 'yon kapag hindi ako pupunta. Kukunin ko na lang din yung hiniram kung pera para mamayang madaling araw ay maka alis na 'ko dito.
Tiningnan ko kung anong oras na nasa phone ko. 6 na pala ng hapon 5 hours na pala akong nakatulog. Lumabas na 'ko sa kwarto ko para maglinis ng bahay.
Hinugasan ko ang mga pinggan at nag saing narin ako ng kanin. Nagwalis narin ako dito sa sahig at pagkatapos ay nag luto ng ulam.
Kumuha nalang ako ng kunting ulam at kunting kanin at nilagay ko ito sa loob ng kwarto ko. Lagot ako kapag nakita akong kumain ni Ante baka mapagbuhatan pa 'ko ng kamay niya.
Kumain ako sa kwarto ng tahimik at pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ito at hinugasan para hindi ako mabuko ni Ante na kumain ako.
Wala parin si Ante at Tito nasaan kaya sila. Bahala na pupunta nalang ako ngayon sa bahay ni Carlo baka nainip nayun sa kakahintay sakin. Madali pa naman iyon uminit ang ulo.
Pagkalabas ko palang ng bahay ay ni lock ko ito at lumabas na sa bakuran. Naglalakad nalang ako patungo sa bahay ng kaibigan ko. Hindi naman malayo ang bahay nila. Kaya kere lang lakarin.
Pagkarating ko sa harap ng bahay ng kaibigan ko ay pumasok nalang ako para puntahan sya.
"Oyyy! Jade nanjan kana pala." Sigaw ni Carlo sa terrace nila may kasama syang tatlong lalake na nakatingin sakin mula ulo hanggang paa.
Lumapit ako sakanila at umupo sa gilid ni Carlo.
"Baket pinapapunta mo ko dito carlo?" Ang nagtatakang wika ko sa kanya.
Bigla nalang lumungkot ang mukha nya sa sinabi ko.
"Hindi mo ba alam kung ano ngayon jade." Nagtatampo nyang saad sakin habang nakayuko. Na pano 'to? At baket ganito itong magtampo ang lalakeng 'to.
Baket ano ba ngayon at baket bigla nalungkot ang mukha nitong kaibigan ko. Tiningnan ko ang calendaryo sa pinto nila at June 18 ngayon.
"June 18, june 18, june 18." Ang paulit ulit na sabi ko sa sarili. Anong meron sa June 18 na hindi ko alam.
Death anniversary? Pasko? New year? Tsk! Nalilito na talaga ako. Ano ba talaga?
Birthday? Birthday!! Gosh! Oo tama. Birthday nya pala ngayon. Baket ko ba nakalimutan ang mahalagang kaarawan ng bestfriend ko.
Nanlaki ang mata ko dahil muntik ko ng makalimutan. Kaya pala nalungkot bigla ang kaibigan ko. Birthday pala nya ngayon kaya pala ang daming kotse at motor sa bakuran nila. Shit! Nakakahiya nakalimutan ko pa ang best day ng bestfriend ko wala pa naman din akong dalang regalo.
Tiningnan ko ang tatlong kasama nya na walang imik at naka tingin lang sa aming dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Carlo na ikinatingin nya sakin. Nandon parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ang cute naman nito ng lalakeng ito kapag nagtatampo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.