Chapter 15

8.9K 274 9
                                    


"Mahal kita." 

"JADEEEE!!!" Sigaw ng kung sino sa likod ko.

Tumingin ako sa tumawag sakin. It was kiko na nakangiting nakatingin sakin pero nawala din ang ngiti nya ng makita nya si carlo sa tabi ko.

"Sino sya?" Malamig na tanong niya sakin.

"Siya pala si carlo childhood friend ko." Mabilis kong tugon sa tanong niya.

Para naman s'yang nahimasmasan sa sinabi ko. Kanina kasi di na maipinta ang kanyang gwapong mukha.

"Nice too meet you bro." Saad ni carlo kay kiko.

"Yeah! Me too. Im kiko." Pagpakilala niya kay carlo.

"Im carlo." Tugon naman ni carlo kang kiko at nag shakehands silang dalawa.

Pagkatapos nilang mag usap ay naglalakad kaming tatlo papunta sa fishball store.

"Pabili po manong." Saad ko sa nagbibinta ng fishball.

"Sagot ko na jade." Si carlo na kumukuha na ng pera sa pitaka niya.

"Nope ako na ang mag babayad sa kanya." Tugon naman ni kiko.

"Ako na." Si carlo.

"No! Ako na." Si kiko.

"Ako ang nag alok ng date kay jade kaya ako na." Sabi ni carlo na nagpatigil kang kiko.

Matalim ang mga pinukol na tingin ni kiko kay carlo pero si carlo mukhang wala lang sa kanya.

"Sino ba talaga ang mag babayad." Naiinis na sabi ng mama.

"Ako nalang po." Saad ko at binigyan ko sya ng pera.

"Kayo di ba kayo bibili?" Tumingin naman sila sakin at sabay pa silang umiling.

"Okay tara na." Sabi ko at lumakad paalis sa fishball store. Sumabay naman din sila at pinagitnaan nila akong dalawa.

Habang nag lalakad kami ay walang nag sasalita. Parang takot silang bumasag sa katahimikan.

"Oh! Bakit ang tahimik niyo?" Taning ko sa kanilang dalawa at patuloy parin akong ngumuya ng fishball na binili ko kanina.

"Nag di-date ba talaga kayong dalawa?" Tanong ni kiko with a serious tone. Umiling naman ako bilang tugon. Kumain lang naman kami ni carlo sa restau at nagpahinga sa parke. Date naba ang tawag dun?.

Pagkatapos naming mag lakad lakad ay inaya ko si carlo na doon na samin kumain na sinang ayunan naman nya. Hindi pa sana sang ayon si kiko ng tinitigan ko syang wag ka nang umangal look. Napapuot naman siya na parang bata.

--

"Ang sarap mo talagang mag luto jade the best ka talaga." Si carlo habang walang tigil kumain sa niluto kung kare kare.

Uminom muna ako ng tubig bago mag salita. "Ako pa ba professional chief kaya ang bestfriend mo." Natatawang saad ko na ikinatango naman nila. Tsk! Uto uto talaga. Hihihi..

"Pagkatapos mong kumain carlo ay umuwi kana." Si kiko habang kumakain at napatigil naman ako sa pagkain dahil sa sinabi nya.

"Dito kana matulog carlo gabi na. Baka ma pano kapa sa labas." Aniko at tumayo ako para kumuha ng tubig sa ref.

"No! Uuwi sya. Hindi tayo mag kasya sa kama." Pag mamaktol ni kiko at hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa galit.

"Kasya naman tayo doon tatlo. Kaya wag kanang umangal kiko." Sabi ko at bumalik na sa pagka upo ko sa upuan pagkatapos kong masalinan ng tubig ang pitchel.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon