Chapter 36

6.9K 218 15
                                    


"Let's go." Saad nya at pinalabas na nya ko sa kotse nya. Napatanga pako ng
makita ko ang restaurant. Ang laki na kasing pinagbago ng restaurant na pinamamay ari niya at ang
ganda na nag pagkadesenyo sa labas.

Nagpahila nalang ako sa kanya pa pasok sa loob ng restaurant na
pinagtrabahoan ko noon. Mas lalong lumawa ang mata ko nang makita ko ang
loob. May maraming magagandang bulaklak na naka paligid sa loob at iba iba
ang mga kulay. Alam kong mga mamahalin ito lahat. Ang ganda sa paningin. Napangiti ako dahil sa sobrang paghanga.

Napalibot ako ng tingin at doon ko na kumpirma na hindi lang pala kami ang tao dito. Malamang restaurant nga to, tsk! Ang boba mo talaga Jade.

Maraming mga tao na sout ang kanilang magagarang damit. Pero ang pinagtataka ko
baket hindi sila gumagalaw. Para silang statue. Wow! Ano ba to?

Hala! Teka lang san naba si Blake? Nilibot ko ang aking paningin pero wala talaga
akong nakitang bulto nya. Saan na ba 'yon? Napakamot nalang ako sa aking noo
dahil sa pagtataka.

Wow! May pa red carpet pa talagang nalalaman. Lumapit naman ako sa babaeng
naka red dress na hindi gumagalaw. Tumingin ako sa kanyang mukha na walang
emosyon para talaga statue. Ano naman bang pakulong to? Nababaliw na talaga
ako nito sa kaiisip. Baka naman tumigil ang oras? Ay! Imposible naman yun eh.

Lumapit naman ako sa lalakeng naka tuxedo na itim at sinuri ko rin ang
kanyang mukha. Gwapo din isang to parang americano ang puti ng kutis. Walang kapores
pores sa mukha. Matangos ang ilong at katulad din nung sa babae kanina
hindi ko rin nakitaan ng emosyon ang kanyang mukha.

Wow! Ha? Hindi ako na inform na may maniquen challenged pala dito sa
restaurant ni Blake. And speaking of Blake nasaan na ba 'yong hayop na yun.

May pa talk privately pang nalalaman. Tsk! Hayop talaga yung unggoy na yon.
Hindi pa nawawala ang inis ko sa kanya kanina. Grr! Ang sarap nyang ipalapa
sa pating.

"PRANK BA TO?!!." Sigaw ko sa kanila pero hindi naman din nila ako pinansin
para akong baliw dito nakipag usap sa walang kabuluhan na mga taong tood
dito.

"BLAKE NASAAN KANA BA! PAKULO MO NAMAN TO NOHH! ISA KA TALAGANG HAYOP!
NAKAKABADTRIP KANA!" Sigaw ko parin pero wala talagang lumabas na Blake.
OHH! NICE... nakakabaliw na talaga.

"BLAKE LUMABA----AHHHHHHHHH!!" Napatili nalang ako na wala sa oras dahil
pumatay ang ilaw at ang dilim. Oh! My god brown out ba? Or na putulan ng
kuryente ang restaurant nato. Ang boba mo Jade super rich kaya ni fafa Blake.

Kumakapa-kapa nalang ako sa dilim habang nanginginig ang aking tuhod dahil
sa takot. Baka may multo dito at kukuyugin ako naku! Wag naman sana.

Napapikit nalang ako ng biglang bumukas ang ilaw. Thanks lord bumalik na ang ilaw
akala ko naman naputulan eh.

Ina-adjust ko muna ang aking paningin dahil sa silaw ng ilaw na nakasentro sa akin. Hala baket naman naka sentro sa akin ang ilaw nato. Gagú talaga 'tong si Blake eh.

Nilibot ko ang aking paningin pero mas lalo akong nagulat dahil wala na
'yong mga taong tood.

Saan na ba yun sila? Lumabas na ba sila lahat dahil tapos na ang
challenged. Hindi man lang ako na inform na tapos na pala.

"Jade." Saad ng familiar na baritonong boses na nasa likod ko at alam kong
si Blake ito. Baket na naman nya ko iniwan kanina aber? Akala ko ba may
sasabihin sya. Naku! Naku! Ang sarap talagang bugbugin ang hayop nato.

Handa na sana akong bulyawan sya kaso ng humarap ako sa kanya ay hindi natuloy ang binabalak ko kase nasilayan ko ang kanyang nakangiting mukha.

Nalusaw lahat ng
galit ko sa kanya ng makita ko ang gwapong mukha nya at ang kanyang nakakaakit na mga ngiti na ang sarap tingnan.

The Billionaire's Toy (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon