NAPANLAKIHAN ang mata ko sa gulat. Ito ba talaga ang susuotin ko.
Sobrang iksi naman nito na parang kita na ang kaluluwa ko. Isa po syang fitted off shoulder dress na kulay red na hanggang hita ko. At may kapares na channel sandals kulay red din ito.
Hindi naman siguro masama kung sukatin ko di ba?. Kung hindi bagay sakin edi hindi ko nalang ito sosoutin..
Pumunta ako sa banyo para mag bihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na 'ko sa banyo at pumunta sa salamin para makita ko ang itsura ko na sout itong dress.
Napangiti nalang ako sa nasilayan kong repleksyon ko sa salamin. Ang ganda pala ng dress na ito. Sobrang iksi ngala'ng pero lantad na lantad ang kaputian ko dahil sa kulay nitong dress.
Bagay na bagay talaga halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng eyebrow atsaka lipstick na kulay red para mabagay sa red dress.
Naglagay narin ako ng konteng foundation sa mukha. Then charan! Ok na ang ganda ko na.sinuot ko sa paa ko ang channel sandal.
Pagkatapos kong mag ayos ng kabuohan ko ay lumabas na 'ko ng kwarto at pinuntahan si tonya sa may gate.
Pagka-kita palang nya sakin ay lumaki ang mata nya at hindi sya makapaniwala na tinitigan nya ko mula ulo hanggang paa. bagay na bagay pala sakin ang dress na ito kasi pati si tonya ay nagulat sa transformation ko.
"Wow! Sobrang bagay sayo jade. Nakakainggit naman, sobrang ganda mo kase e. Ang swerte ko talaga sayo." Masayang saad niya na ikinataas ng kilay ko. Baket naman ako maging swerte sa kanya.
"Baket naman akong maging swerte sayo?" Nagtatakang tanong ko na ikinabalisa nya at lumikot ang kanyang tingin na naghahanap ng paraan kung anong isasagot nya.
"Ahh--- kase . Hmmmm ang swerte ko sayo dahil may maganda akong kaibigan na katulad mo. Oo yun nga." Nauutal naman nyang pahayag sakin. Hindi ako kombinsido sa kanyang paliwanag. Parang may kutob akong hindi maganda mamaya. Hayst! Ang nega ko naman yata.
"Okay tara na." Aniko sakanya at ngumiti ng pilit. Ngumiti naman din sya sakin at inaya nya kong sumakay sa kulay red nyang kotse.
--
Pagdating namin sa distinasyon namin ay marami akong nakikitang magagarang sasakyan sa labas ng bar atsaka iligante din ang pagkadisenyo sa labas nito na parang pivate bar.
Tumingin ako kay tonya na may kausap sa phone nya.
"Okay.. Opo boss kasama ko po sya. Opo ako na po ang bahala. Sige po." Yan ang huli kong narinig sa sinabi nya sa katawag nya.
Tumingin sya sakin na may ngiti sa kanyang labi atsaka inaya na nya kong lumabas ng kotse para makapasok na kami sa loob ng bar.
Maraming tao sa labas at lahat sila ay mga iligante at mayayaman dahil sa kanilang iliganteng mga kasoutan. Pero ang ikinataka ko baket walang babae. Lahat sila ay lalake.
Tama isa pala itong gaybar kaya walang babae. Ang boba mo talaga jade.
Pagkalabas palang namin ni tonya ay nakuha na namin ang atensyon ng mga kalalakihan. Lahat sila ay may itsura at malaki ang mga katawan.
Naiilang ako dahil sa kanilang mga tingin na pinukol sakin. Para silang mga leon na may nakita na masarap na putahe at handang lapain. Dyusko lord ikaw na po ang bahala sakin.
"Nakakahiya naman dito tonya. Lahat sila ay nakatingin sa atin." Bulong ko at naiilang parin sa mga lalake na tinitigan kami pero ang ikanakaba ko ay hindi kang tonya nakatingin sila kundi sa akin. Kumindat pa ang iba sa akin at ngumiti na parang demonyo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.