ISANG BUWAN ang lumipas. Hindi parin ako tantanan nang aking konsensya sa mga narinig no'n kay elizabeth.
May balak s'yang hindi maganda sa boss ko. Balak pa s'yang patayin ito naku! Ang sakim talaga nang bruha na 'yon.
Kating kati na kong gustong sabihin kang sir blake ang aking narinig at mga masamang balak ni elizabeth sa kanya.
Pano naman kung hindi sya maniwala sa mga sasabihin ko at sakin nya ibunton ang lahat ng galit nya kapag iniisip n'yang nag sisinungaling ako.
Pero totoo naman yung mga narinig ko at higit sa lahat hindi ako nag sisinungaling. Ang akin lang naman malaman nya ang totoo na ginamit sya ni elizabeth at paiikotin sya.
Kapag masakatuparan ni elizabeth ang kasal nila ni blake ay doon na nya kukunin ang lahat ng ari-arian nya at papatayin sya...
Walang awa talaga ang bruha na yun. Balak pa n'yang patayin ang my loves ko. Sarap n'yang sabunotan at ibagok ang ulo nya sa pader para mag ka amnesia sya tapos malilimutan na nya ang mga balak n'yang masama kang sir blake.
Ang brutal ko naman yata hahahaha....
Nandito ako ngayon sa pool at nilinisan ko lahat ng kalat at basura dito. Andaming bote ng alak at mga balat ng chichirya na nakalutang sa pool.
Nag paparty kasi si sir blake kagabi dahil sa kanilang aniversary kuno ng bruha n'yang fiance.
Ang alam ko lang naman kung bakit nag throw ng party si sir blake dahil pinilit sya ng bruha para daw mas masaya ang aniversary nila at magkaroon sila ng masayang memories kapag kasal na silang dalawa. Nag tataka ba kayo kung bakit alam ko.
Kasi naman ang lakas kasi ng mga boses nila kapag mag talking show sila. Parang mga benge kala mo naman ikinaganda nya yun. Babae panaman pero ang boses parang nakalunok ng microphone sa kanyang malaking bibig. At si sir blake naman ay sinabayan lang naman nya ang mga birit ng bruha hayst! Parang mga tanga talaga.
Kaya a'yon narinig ko ang kanilang pinag uusapan dahil sa anlalakas nilang magsalita na para bang dalawa lang sila dito sa mansyon.
Busy ako sa pag kukuha ng balat ng chichirya sa pool gamit ang mahabang stick na pangkuha ng basura. Nakukuha ko na sana ang panghuling basura ng may nagtulak sa akin kaya dahil sa gulat ko hindi ako nakapag balanse kaya a'yon nahulog talaga ako sa pool. Buti nalang talaga marunong ako lumangoy at kung hindi naku! Kanina ra siguro ako nalulunod dito.
"Hahahaha.... sorry bitch.. hindi ko sinadya." Saad ng familiar na boses na nasa harap ko. Argghhhhhh! Ang bitch mo talagang bruha ka. Tinaasan ko nalang sya ng kilay at inismiran.
Hindi ko nalang pinansin ang bruha at aakyat na sana ako sa pool para maka ahon. Pero tinulak naman nya ko kaya ayon balik naman ako sa pagkalaglag sa pool.
Inis akong tiningnan sya at sya naman ay ngumiti lang na parang demonyita.
"Ano ba elizabeth bakit kaba nanunulak!!." Inis kong sabi sakanya at aakyat naman sana ako ng itutulak naman nya ko. Araggghhh!!! Nakakainis na talaga 'tong bruha nato.
"Bagay lang yan sayo. Dahil sa paglalandi mo sa fiance ko.. Jade the flirt." Saad nya na humagikgik pa at nakangisi ang kanyang mapupulang labi dahil sa pulang lipstick. Demonyita talaga!.
"Hindi ko naman sya nilalandi ah!." Saad ko at nakaakyat na ako sa may gilid ng pool kung saan sya naka tayo. Nanlilisik naman nya kong tiningnan.
"Anong hindi!! Sa landi mong yan.. alam kong nilalandi mo ang fiance ko!! Alam kong hindi ganyan ang pag alala ni blake sa ibang tao pero sayo!!." Galit n'yang bulyaw sakin at tiningnan nya ko na mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.