LUMABAS na ako ng kwarto at naglakad ako palabas ng bakuran. Tumigil ako sa paglalakad sa gilid ng daan at naghintay ako na may jeep na dadaan.
Ilang minuto nalang talaga bago mag alas syete. Wala paring jeep na dumadaan hays! Late na talaga ako nito. Please! Naman lord ayaw kong ma-late sa unang araw ng trabaho ko.
Pabalik balik ako ng lakad sa kinatayuan ko dahil ilang minuto nalang talaga late na talaga ako. Saan na ba ang mga jeep ngayon, baket walanv dumadaan..
Napatigil nalang ako sa aking pag-aalburoto ng may bumusina sa likod ko.
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang gwapong mukha ng boss ko na naka dungaw sa bintana nang kotse nya. Ang hot talaga nang crush ko kapag suot nya ang salamin niya kasi mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
"Hop in baka malate kana, unang araw mo pa naman sa trabaho mo." Pinasakay ba ako ng boss ko sa kotse nya. Ang bait naman. Plus point yan sa kagwapohan mo boss.
"A-hmnn wag na boss. Mag aantay nalang ako ng jeep." Nahihiya kong wika sa kanya at inilihis ko ang tingin ko sa kanya at nag kunwaring naghahanap ng jeep. 'Hayst! Mga pautot mo jade luma nayan. Ang boss mo na nga ang nag aya sayo. Kaya grab na wag kang choosy bahala ka! na sa huli ang pag sisi. Crush mo yan jade tandaan mo yan.' Wika ng isip ko. Kahit kailan talaga paepal itong isip ko. Bakit ba nagsasalita ang utak ko. 'Di ko alam baket nag karoon ng POV 'tong mapurol kung kokote. Baliw na ba talaga ako? Kasi pati ang isip ko kinakausap ko.
"Sumakay kana bilis. Wala ng jeep na daan ngayon.." Naiinis nyang wika sakin.
"Wag na talaga boss mag aa---" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko nang pukulan nya ko ng pagbabantang tingin. Shet! Nakakatakot!
"Oo naman boss 'di ka talaga mabiro. Sasakay talaga ako." Natarantang saad ko at mabilis akong pumunta sa backseat at sumakay.
Nagtataka pa ako ng hindi nya pinaandar ang kotse nya para makaalis na kami.
Tumingin ako sa rear view mirror ng kotse at nakita ko ang nakakunot ang noo nyang nakatingin sa akin.
"Gawin mo ba kong driver huh!" Seryosong wika nya. Ay oo nga no! Baket kasi dito ako sumakay agad, pwedi naman sa harap. Ang boba mo talaga kahit kailan jade.
"Sorry boss!" Pagpaumanhin kong saad at lumipat ako sa passenger seat.
"Fasten your seatbelt."
"Ay! Oo nga pala, sorry boss." Mabilis kong sinukbit ang seatbelt ko sa katawan ko.
"Tsk."
Ang sunget talaga. Pinaandar na nya ang kotse at pumunta na kami sa restaurant.
Ilang oras ang lumipas ay narating na namin ang restaurant nya at pinark nya ito sa parking lot. Una syang lumabas at dali daling naglalakad papasok ng restaurant. Hindi man nya lang ako pinansin. Ang sunget talaga.
Lumabas nalang ako sa kotse nya at pumasok sa restaurant. Nakita ko pa ang boss na kinausap nya si chad na isang waiter din dito. Pagkatapos nilang mag usap ay pumasok na si boss sa office nya at si chad naman ay lumapit sakin.
"Hi pretty boy musta? Ako ang magtuturo sayo ngayon ng basic ng pagseserve ng pagkain." Nakangiting wika nya.
"Ayos lang naman ako chad." Nakangiting saad ko sa kanya. " Alam ko naman kung paano mag serve ng pagkain. Kasi trabaho ko nato dati kaya wag mo na kong turuan. Chicken lang yan sa akin." Tuloy kong saad sa kanya. Tango lang naman ang tinugon nya sakin at tinap nya ang balikat ko.
"Ito ang maging susi ng locker mo." Wika nya sabay bigay sakin ng susi. "Tara sabay kana sa akin, ituro ko sayo kung saan ang maging locker mo at nandun narin ang uniform mong susuotin ngayon at mag palit kana rin para makapag simula kana sa pagseserve mo ngayong araw."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.