PAGKATAPOS naming kumain ay nag bayad kami kay manang loleng at umalis na kami sa karenderya.
Naglakad kami pauwi ni kiko. Hinawakan nya ang kaliwang kamay ko habang naglalakad kami sa gilid ng daan.
May mga kotseng dumadaan sa kalsada at may mga nakasindi na ilaw ng mga poste sa gilid ng dinadaanan namin.
"Kaylan kaba maghahanap ng trabaho?" Pagbasag ng katahimikan ni kiko. Mag ka hawak kamay kaming naglalakad habang nakatingin sya sa daan.
Hindi ko nalang binigyan ng malisya ang paghawak ng kamay nya sakin. Ok lang naman sakin ang ganito kasi magkaibigan kami at higit sa lahat mabait syang tao. Ganito rin kasi ang kaibigan kung si Carlo palagi nyang hinawakan ang kamay ko kasi masarap daw hawakan. Malambot kasi raw ang kamay ko na parang babae. Minsan nga hinalikan nya ko sa lips pero hindi big deal samin yun. Its just a friends kiss.
"bukas na ako mag hahanap ng matatrabahoan. Baka swertehin ako bukas." Malumay kung tugon sa kanya.
"Gusto mong samahan kita bukas?"
"Naku! Wag na baka maabala pa kita kiko." Dipensa ko. Oo naman baka madami syang gagawin bukas at ayaw kung istorbohin sya dahil lang sa paghahanap ko ng trabaho.
"Ok lang naman 'yun sakin. Hindi nalang ako papasok sa trabaho bukas para masamahan kita." Wika naman nya. Naku! Nahihibang na ba sya hindi sya papasok ng trabaho dahil lang sasamahan nya ko. Sobra naman ang pagkamabait nitong si kiko.
"Wag na kiko ako nalang. May trabaho ka kaya yan ang atupagin mo. Hindi ko gustong maabala pa kita." Sabay tingin ko sa kanya. Umiling lang naman sya na parang bata. 'Ang tigas naman ng ulo mo kiko ehhh!.' Wika ng isip ko sabay kamot ng ulo ko dahil sa inis. Ayoko nga syang maabala sa trabaho nya tapos sya pa ang makulit na samahan ako bukas. Naku! ang tigas talaga ng kukote nitong si kiko.
"Gusto mong magalit ako sayo?" Wika ko sabay taas ng isang kilay ko. Ang ayoko talaga sa isang tao ay yung makulit na parang batang umasta.
"Ayaw." Parang batang sabi nya tapos umiling iling pa sya. Ang cute mo jan kiko ang sarap mong tulakin sa daan para mawala kana. Joke lang.
"Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay papasok ka ng trabaho bukas at ako na ang bahala sa sarili ko makahanap ng trabaho. Naiintindihan mo ba kiko?" Para akong magulang nya kung maka asta.
"Yes sir!" Saad naman nya at tinaas nya ang isang kamay na parang isang pulis. Nakakatawa naman itong si kiko parang si carlo lang kung umasta at pariha silang may topak.
"Good." Yan nalang ang nasabi ko. Sabay pa kaming tumawa sa ginagawa naming kabaliwan.
--
Kinabukasan. Maaga akong gumising para makapag prepare ng makakain namin ni kiko. Para makabawi lang naman ako sa kabutihan nya sakin.
Tumingin ako sa relo, ala' sinco palang ng umaga. Napatingin ako kay kiko na ang himbing ng tulog.
Napangiti nalang ako dahil para syang batang matulog. Kinumotan ko nalang sya para hindi sya lamokin bago ako lumabas ng kwarto.
Lumabas ako ng boarding house atsaka ko tinungo ang sakayan ng jeep.
Pagkarating ko doon ay sumakay ako ng jeep. "Manong sa palengke po ako." Sabi ko kay manong. Marami naring nakasakay. Pinaandar na nya ang jeep at umalis na.
--
"Magkano po ito ate?" Turo ko sa karne ng manok. Tinola kasi ang gusto kung lutuin ngayon.
"150 ang kilo po nyan maam." Wika naman ng tindira.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.