Naramdaman kong may humaplos sa aking buhok nang sanhi ng aking pag gising pero hindi ko minulat ang aking mga mata.
Dahil ninamnam ko muna ang magaan nang kamay na humaplos sa aking buhok. Hindi ko alam kong sinong tao ang humaplos sa akin. Ang sarap lang sa feelings.
"Jade hindi kita pababayaan. Nandito lang ako sa tabi mo. Mahal na mahal kita." Bulong niya sakin. Sobrang familiar sa akin ang boses. Naramadaman kong may malambot na lumapat sa aking noo na alam kong labi nya 'yon. Hinalikan n'ya ko sa noo.
Lumakas na naman ang tibok ng aking puso na parang may nagkarerahan sa loob ng ribcage ko.
"Kakantahan nalang kita kung gano ka talaga kahalaga sa akin at kung gaano kita kamahal. I love you jade." Saad nya. Gusto kong ibuka ang mga mata ko para makita ko ang kanyang gwapong mukha. Sobrang na miss ko talaga siya.
Alam kong mahal ko parin siya dahil kasi kahit anong pilit kong kalimutan s'ya ay hindi ko parin magawa kasi nga naka tanim na s'ya puso ko. At sya ang unang tinibok nito. Sobrang mahal na mahal ko talaga si Blake Marcus Monte' Carlo.
"The other night, dear, as I lay sleeping
I dreamed I held you in my arms
When I awoke, dear, I was mistaken
So I hung my head and I cried"Hindi ko alam na may magandang boses pala to si blake. Ang sarap pakinggan ng boses niya. na para bang dinuduyan ako sa kanyang boses.
Ngayon ko lang s'yang narinig kumanta. Sobrang nakaka amaze. Hindi lang pala sya gwapo magaling rin palang umawit ang mahal ko.
"You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away"Napangiti nalang ako dahil sa bawat lyrics ng kanta nato ay nakakainlove at nakakaiyak. Mahal na mahal talaga ako ni blake at ako rin naman. Mahal na mahal ko sya sobra.
"I'll always love you and make you happy
And nothing else could come between
But if you leave me to love another
You'll have shattered all of my dreams"Bawat pagkanta n'ya ay wala ring tigil ang pag tibok ng puso ko. Parang sinasabayan nya rin ang pag awit ni blake. I love you so much blake. Mahal na mahal kita blake. Sana hindi pa huli para i confess ko sayo ang nararamdaman kong pagmamahal.
"You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You'll never know, dear, how much I love you
Please don't take my sunshine away"
Tumulo nalang aking luha dahil sa sobrang saya at sobrang pag hangang nararamdaman ko sa kanya.
Pinahid nya ang aking luhang tumulo sa aking pisnge gamit ang kanyang malambot na kamay. Doon ko na dinilat ang aking mga mata at nasilayan ko ang kanyang masayang mukha at ang malaking ngiting nakapaskil sa kanyang mapupulang labi.
"Thank god dininig nga niya ang dasal ko." Masayang saad ni blake na naka ngiting nakatitig sa akin. Malamyos ko naman s'yang tinitigan at hinawakan ko ang kanyang mukha gamit ang kaliwang kamay.
Hinawakan din naman nya ang kamay ko at dinamdam nya iyon sa pisnge nya. Ngayon ko lang nakita ang mukha nya na sobrang saya at alam kong dahil sa akin iyon.
"Tatawag lang ako ng doctor, hintayin mo lang ako dito Jade." Aniya at tatayo na sana sya ng mabilis ko namang pinigilan sya. Ngayon ko palang alam na nasa hospital pala ako. Nilibot ko ang aking paningin sa loob. Puro puting kulay lang ang nakita ko at may mga prutas na nakalagay sa mesa. At may pagkaing hindi pa naubos. Ilang araw ba akong natulog?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Toy (bxb)
RomanceBlake Marcus Monte Carlo: I just wanting you to be mine. Only mine.