Kabanata 7

15.8K 674 83
                                    

Palabas na kami ng ospital at sinabihan kami ni Nicolas na maghintay sa tapat ng ospital. Napakaingay sa panahon na ito at ang mga karuwahe ay kakaiba.

May humintong karuwahe sa tapat namin at bumukas ang isang maliit na bintana. Si Nicolas ang kutsero?
"Sumakay na kayo." Sigaw niya. Hay, barubal talaga ang bibig nito.
"Nasaan ang mga kabayo?" Tanong ko.
Nagdikit ang mga kilay ni Nicolas habang tawa ng tawa si Patrico at Isabella.
"Anong kabayo? Sumakay ka na nga!" Sigaw niya.

Itinulak ako ng bahagya ni Isabella pasakay sa karuwahe na walang kabayo.
"Ano ang tawag sa karuwahe na ito?" Tanong ko sa kanila. Si Patrico ay sumakay katabi ni Nicolas. Pahinante ba siya?
"Hindi ito karuwahe. Kotse ang tawag dito." Paliwanag ni Isabella.
"Nicolas," Tawag ko sa kanya.
"Fuck shit." Bulong nito habang tumatawa si Patricio.
"Paano ito umaandar gayong walang mga kabayo na humihila?" Tanong ko.

"Mayroong makina ang kotse." Sagot niya.
"Ano ang makina?" Tanong kong muli.
"Ang makina," Huminga ng malalim si Nicolas. Napakapit ako kay Isabella ng umandar ang kotse.
"...ang nagpapandar ng mga sasakyan ngayon at hindi kabayo. Kailangan lang lagyan ng gasolina."
"Ano ang gasolina?" Tanong kong muli.
"Ay Lord, bakit?" Sigaw ni Nicolas na ikinatawa ng mga kapatid niya.

"Sino si Lord?" Tanong ko muli.
"Matulog ka na lang Cat," Naiinis na sagot ni Nicolas.
Parang nagtatanong lang, kasungit-sungit.

"Ano ang tawag doon?" Tinuro ko ang isang tao na nakasakay sa dalawang gulong? Paanong hindi siya nagugulog?
"Bisekleta." Sagot ni Isabella.
"Nilalagyan din ng gasolina para umandar?"
Si Patrico, malapit ko ng mabatukan sa kakatawa.
"Hindi, pinapadyakan lang iyan." Paliwanag ni Isabella.
"Eh Nicolas, bakit hindi mo na lang padyakan ang kotse para umandar kagaya noong Ginoo."
Napatingin sa labas ng bintana si Isabella at si Patricio ay patuloy sa pagtawa.
"Eh di ikaw ang pumadyak. Catalina, tumahimik ka na nga lang. Nakakarindi ka." Sabi nito.

"Aba't tampalasan ka. Ako ay nagtatanong lamang, bakit kailangan maging bastos ka? Kasing gaspang ng buhangin ang iyong ugali. Eres un ser humano tan grosero." (Bastos kang tao ka.)  Humalukipkip ako at tumingin sa bintana.
"Cat," Tawag ni Patricio sa akin.
"Kausapin mo na lang yang magaling mong kapatid." Binugaw ko si Patrico na parang langaw.
"Pakisabi magpunta siya sa simbahan at magmumog ng agua bendita."

"Kuya, magmumog ka raw ng agua bendita." Sabi naman ni Patricio.
Hindi kumibo si Nicolas. Nasa daan lamang ang kanyang paningin.
"Ano pa ang ipapasabi mo?" Naaliw na tanong ni Patricio sa akin.
"Pakisabi na sumpain sana ang kanyang kaluluwa sa dagat-dagatang apoy kasama ni Satanas na kanyang pinuno."
Nagtawanan na naman si Patrico at Isabella.
"Kuya pinapasabi ni Cat,"
"Naririnig ko. Malapit ko na kayong pababaing lahat." Naiinis na sagot ni Nicolas.

Tumingin akong muli sa labas. Padaan na kami sa aming lupain.
"Nicolas, pakihinto." Wika ko.
"Walang tao diyan." Sabi niya at binilisan ang pagpapandar.
"Pakihinto." Sigaw ko sa kanya.
Hininto ni Nicolas ang kotse na muntik ko pang ikauntog sa kanyang upuan.
"Pakibukas." Sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo buksan." Singhal na naman niya sa akin.
"Wala ka talaga sa talaan ng maginoo. Paano ba buksan ito?"
Natatawang dumukwang si Isabella sa akin at binuksan ang pintuan. Lumabas ako at lumapit sa tarangkahan.

"Walang tao diyan Cat." Sabi ni Isabella mula sa kotse.
"Bakit? Ano ang nangyari sa aming tahanan?"
Bakit parang nasunog ito at nawala ang ganda. Matatayog ang mga damo at napabayaan.
"Mayroong katiwala na nagbabantay sa bahay para hindi na ulit sunugin. Pumasok ka na sa kotse." Wika ni Isabella.

Malungkot akong pumasok sa kotse at tinanaw ang aming tahanan.
"Bakit sunog ang isang parte ng bahay?" Tanong kong muli kay Isabella.
"Mayroon kasing bali-balita na may multo sa bahay na yun." Maikling sagot niya.
"Mayroon kasing kwento na mayroong isang babae na naghihintay sa kanyang minamahal na magbalik pero hindi na muling nagpakita. Nakatira daw yung babae na iyon sa bahay. Ano ba kinikilabutan ako?" Hinaplos-haplos ni Isabella ang kanyang mga braso.

"Sino naman iyong babae?"
"Hindi namin alam ang pangalan. Nag-iisang anak daw iyon ng may-ari ng bahay na ikinasal sa isang Del Castillo. Pero nagkahiwalay yata sila ng asawa niya kaya naghihintay siya lagi sa bahay na iyon." Pagkukwento ni Isabella.

Ikinasal sa isang Del Castillo? Sino ang tinutukoy nito? Ako? Ako iyong multo na sinasabi nila?
"Nagpapatawa ka ba? Matutuwa pa ang babae na iyon kung maghihiwalay sila noong Del Castillo. Hay, si Nicolas ang nagpakalat ng balita na iyon. Tampalasan talaga ang lalaki na iyon." Bigla ay tumaas ang galit sa ulo ko.

"Nababaliw ka na talaga." Sabat ni Nicolas sa harapan.
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko. Hay Panginoon ko."
Kung nasa harapan ko lamang ang lumang Nicolas, ang Nicolas noong unang panahon, masasampal ko talaga. Napakasama talaga ng ugali.

"Bakit sila naghiwalay?" Usisa ko kay Isabella.
"Ewan ko. Baka may mabasa ka sa library. Maraming aklat doon." Sabi niya.
"Ano ang library?" Tanong ko kay Isabella.
"Urrr, silid-aklatan?" Hindi siguradong sagot niya.
"Ahhh," Tumango ako.
"Nicolas, pakibilisan ang karuwahe. Nagmamadali ako." Utos ko sa kanya.

"Ano ka, señorita?" Nanunuyang tanong nito.
"Sí. Así que mejor te mueves rápido." (Oo. Kaya bilisan mo ang pagkilos.) Wala sa loob na sagot ko.

"Ano daw?" Bulong nito kay Patricio.

Naku Nicolas ka, sisipain kita sa himlayan mo kung kinakailangan. Nanggigigil ako sa iyo!

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon