"Saan kayo galing?" Iyang ang bungad na tanong ni Isabella ng pumasok kami ni Nicolo sa kanilang tahanan.
"Sa aming lupain." Wika ko. Naiilang akong tumingin kay Nicolo. Si Tala kasi... Kung anong buto ng inilagay sa aking isipan at ngayon ay naiilang ako kay Nicolo.
"Ahhh... eh bakit ang pula ng mukha mo?" Tanong muli ni Isabella.
"Sapagkat, marahil ay nasinagan ako ng araw." Katwiran ko.
"Ahhh... eh bakit..."
"Tigalan mo ang bakit." Sabat ni Nicolo sa kung ano man ang sasabihin ng kapatid."Eh bakit..."
Natatawa si Isabella na ibinitin ang sasabihin ng lagpasan siya ni Nicolo."Ano ang problema nun?" Nginuso ni Isabella ang hagdanan na pinanik ni Nicolo.
"Hindi ko rin alam." Sagot ko.
Nanunukso ang mga mata ni Isabella ngunit hindi na siya nagsalita pa tungkol sa ilangan namin ni Nicolo."Anyway, I heard na..."
Nakunot ang noo ko at naikot ang mata ni Isabella.
"Hindi mo nga pala naiintindihan ang English. Ang ibig kong sabihin, narinig ko na may party, errrr pagtitipon na pupuntahan si Matt."
"Si Mateo ba ang iyong tinutukoy?" Nabuhayn akong muli ng loob.
"Oo, siya nga. Kung gusto mo siyang makita kailangan nating pumunta. Pero sa susunod na buwan pa iyon. Pero kailangan mong paghandaan." Ang wika ni Isabella."Ay Panginoon ko, sa wakas. Baka siya na ang susi sa aking suliranin." Napahawak ako sa aking puso.
"Uuwi siya dito sa San Vicente para dumalo sa debut..."
"Ano ang debut?" Nalilitong tanong ko.
"Pagdiriwang ng ikalabing walong kaarawan." Mukhang nahihirapang magpaliwanag si Isabella sa akin.
"Ahhh debutante." Wika ko.
"Mismo." Sagot ni Isabella. "Pero kailangan natin ang tulong ni Kuya."At bumalik ang aking kabog sa aking dibdib at ang mga paru-paru sa aking sikmura. Samut-saring parikamdam ang sabay-sabay kong nararamdaman na hindi ko alam kung ano ang itatawag. Kagaya ng tumutulay sa aking balak sa tuwing nahahawakan ko ang balat ni Nicolo.
Kinagabihan, gaya ng aking ipinangako, ipinagluto ko ng tinola si Nicolo para sa hapunan.
"Parang iba ang luto ni Manang..." Puna ni Isabella habang humihigop ng sabaw.
"Hindi si Manan gang nagluto." Sagot ni Nicolo na ganadong kumain. Napangiti naman ako ngunit itinago ko sa pagsubo ng kanin.
"Sino?" Tanong ni Patricio.
"Si Cat." Maikling sagot ni Nicolo na hidni lumilingon sa akin."Ahhhh...." Sabay na sagot ni Isabella at Patricio.
"Marunong ka pa lang magluto." Puna ni Patricio na ikinataas ng aking dignidad.
"Hindi ba dapat maalam ang babae sa gawaing bahay?"
Natawa si Patricio. "Sabihin mo yan kay Isabella." Sabi nito.
"Ako lang ba?" Mapaklang baling ni Isabella. "Si Antonette nga hindi pa makapagtimpla ng sariling kape."
"Ano ang silbi niya sa pag-aasawa kung sarili niya ay hidni niya kayang alagaan?" Naitanong ko bigla. Natigil sa pagsubo ng kanin si Nicolo sa aking tanong."Iba na kasi ang babae sa ngayon. Mas kayang tumayo sa sariling paa." Paliwanag ni Patricio.
Napatango ako.
"Kaya na nilang mamuhay mag-isa. Kaya na nilang makipagsabayan sa mga kalalakihan. Independiente." Dagdag ni Patricio."Hindi ba dapat mas maalam ang babae sa gawaing bahay kung nais siyang mamuhay mag-isa?" Muli kong tanong. Napakunot ang noo ni Patricio at Isabella.
"Hindi ko alam kung bakit hinahangad ng mga kababaihan ngayon ang kanilang kalayaan gayong hindi naman kalaban ang mga kalalakihan kung hindi kakampi sa buhay. Yung tunay na lalaki ang aking tinutukoy." Hindi gaya ni Nicolas. Natahimik si Isabella."Sa panahon ko, oo nga at hindi perfecto ang aming pamumuhay at ang aming paniniwala ay sa tingin ninyo ay makaluma, ngunit ang mga babae ay may seguridad sa ilalim ng kanilang familia. Kung minsan ay nakakasakal, kung minsan ay labis, ngunit ang mga babae ay tinitingala. Ginagalang. At kung ano man ang pagkukulang ng mga kalalakihan, siyang pinupunan ng mga kababaihan. Kailanman ay hindi dapat maging paligsahan."
Natingin ako kay Nicolo at biglang nahiya.
"So, ayos lang sa iyo na ipagluto ang mapapangasawa mo?" Manghang tanong ni Isabella.
"Oo naman."
"What? As in?" Tanong niya na hindi ko naintindihan.
Natawa ng bahagya si Nicolo at nailing bago nagpatuloy sa pagkain."Kuya, tatawa-tawa ka d'yan. Kailangan ni Cat ng tulong mo."
"Ano na naman?" Matabang na tanong ni nicolo sa sinabi ni Isabella.
"Kailangan mo siyang turuang sumayaw.""Sumayaw? Cariñosa?" Aba, alam ko iyon.
Nagtawanan silang tatlo.
"Hindi..." Sagot ni Isabella. "Walts.""Tuturuan ka ni Kuya Nicolo." Panunuro ni Isabella.
"Bakit ako?" Tanggi ni Nicolo naman. Oo nga, bakit siya?
"Dahil may pasok kami." Sabay na sagot ni Isabella at Patricio."Sige na Kuya, para sa pagkikita nila ni Matt." Wika ni Isabella at gumapang ang kilig sa akin.
Pasimple akong nagtago sa likod ng aking mga palad. Ako ay nahihiya at namumula sa harapan nila.
"Mapansin siya ni Matt at isayaw sa debut ng anak ni Mayor." Dagdag pa ni Isabella."Bahala kayo..." Wika ni Nicolo at iniwan kami sa hapag-kainan.
"Style ni Kuya." Bulong ni Patricio kay Isabella.
"Ano iyon?"
"Tuturuan ka daw niya bukas. Maghanda ka." Wika ni Isabella ngunit may kakaibang pilyang ngiti dito.Kinabukasan, maaga akong naging upang maghanda ng agahan ng mapatalon ako sa gulat ng magkasalubong kami ni Nicolo palabas ng kusina.
"Puta..." Sabi nito at muntik ng matapon ang kape na hawak. "Bakit ka nakabelo? Tatakutin mo ang mga tao. Para kang multo."
"Pupunta kasi ako sa simbahan. Titingnan ko lamang kung may maihahain ako para sa iyo ngayong agahan." Dahilan ko. Ang tibok ng puso ko ay iba.
"Cat... tanggalin mo yang belo mo. Please..." Wika niya at inabot ang belo mula sa aking ulo.
Hindi ako mahihiya...hindi ako mahihiya... Pambihira... napatingin ako sa paa ko."Magkape ka muna. Maaga pa para magsimba. Sarado pa ang simbahan."
"Bukas na iyon pagkadating ko. Medyo malayo pa ang lalakarin ko." Katwiran ko naman.
"Bakit ka maglalakad? Walang naglalakad ng ganitong kaaga. Madilim pa, Cat.""Ha? Hindi ba nagsisimba ang mga tao dito ng maaga?"
"Mga matatanda lang ang nagsisimba ng maaga." Walang ganang sagot ni Nicolo.
"Ngunit kailangan ko ng mauna. Gaya ng sabi ko ay malayo pa..." Pangangatwiran ko.
"Sasamahan kita. May oras pa para magkape."
Muli ay itinago ko ang aking ngiti na kusang sumisilay...
"Salamat."
Tumango si Nicolo at humigop ng kape."Ano ang gusto mong agahan?" Tanong ko.
Nahinto ang pag-ihip ni Nicolo sa kape.
"You are spoiling me way too much with food." Sabi nito.
"Ano iyon?"
"Itlog na may sibuyas saka sinangag." Sagot niya.
"Ahh. Sige ipagluluto na kita. Sabi mo nga'y may oras pa." Nakangiting wika ko.Mukhang naguguluhan si Nicolo nang sundan ako ng tingin papuntang kusina. Ramdam ko ang tingin niya sa aking likuran. Ramdam niya ba ang malakas na tibok ng puso ko?
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...