"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Napatingin ako sa pintuan ng sumilip si Nicolo na nakabihis pa ng suot niya kaninang umaga.
"Ayos naman na." Sagot ko.
Pumasok siya sa silid-aklatan kaya napilitan akong ibaba ang libro na binabasa ko.
"Miss mo ako?" Tanong niya.
"Ano?"
"Wala." Maikling sagot niya.
Hindi ako makatingin ng deretso kay Nicolo. Para akong nagkasala ng Malaki ng sagutin ko ang tawag ni Mateo.
"May ginawa ka bang kalokohan at ayaw moa kong titigan?"
"Hindi tama na tumitig sa kalalakihan." Katwiran ko.
"Babalik na naman tayo d'yan."
Hinawakan ni Nicolo ang makabila kong pisngi at saka hinarap sa kanya.
"Lumabas ka ng bahay?"
"Hindi." Maikling sagot ko.
"Kumain ka ng chcolate?" Tanong na naman niya.
"Hindi."
Naningkit ang mga mata ni Nicolo at ako naman ay pinagpawisan.
"Dumalaw si Mateo?"
"Hindi," Kandautal na sagot ko.
"Pero tungkol kay Mateo. Pinagpapawisan ka, Muning." Walang kangiti-ngiti na wika ni Nicolo.
Napapikit ako at saka nagsalita.
"Tumawag siya at nakausap ko." Wika ko at hindi huminga.
"Saan tumawag?" Tanong ni Nicolo.
"Sa telefono na iyong binigay."
"At paano niyang nalaman ang numero mo?"
Nagmulat ako ng isang mata at huminga ng malalim.
"Binigay ng iyong kapatid." Sagot ko sa nanliliit na boses. Binitawan ni Nicolo ang mukha ko at saka tumayo.
"Isabelle..." Sigaw ni Nicolo muna sa silid-aklatan.
Napatakip ako ng tainga sa lakas ng boses niya.
"Isabelle," Sigaw niyang muli ng makalabas siya ng pintuan.
Nagmamadali akong hinabol si Nicolo na papunta na ngayon sa silid ng kapatid.
"Nicolo," Tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
"Isabelle, sinasabi ko sa iyo. Magtago ka hanggang gusto mo. Tatamaan ka sa akin, lintik ka."
Panginoon ko, galit na nga yata si Nicolo.
"Nicolo," Humarang ako sa harapan niya at pinigilan siyang makahakbang pang muli.
"Huminahon ka."
Ay, bakit ang tigas ng kanyang dibdib? Hala...
Para akong napapaso na bumitaw sa pagkakahawak ko kay Nicolo.
"Hindi ko naman nakausap ng matagal si Mateo. At saka ang sabi ko ay huwag na siyang tumawag pa."
Nawala ang pagkakakunot ng noo ni Nicolo at huminga ng malalim. Hinawakan ako sa aking kamay at hinila papalayo sa pasilyo ng silid ni Isabella.
"Ikwento mo ang napag-usapan ninyo." Utos nito ng makapasok kami sa silid-aklatan.
"At bakit?"
"Muning, kakaunti na lamang ang pasensya ko sa kapatid ko at kay Matt. Huwag mong gatungan pa." Naiinis na sagot ni Nicolo sa akin.
"Bakit ka ba nagagalit?"
"Nagseselos ako." Sigaw niya.
Pinigilan kong sumilay ang ngiti. Alam ng Panginoon na pinigilan ko. Kinagat ko ang aking labi huwag lamang mangiti.
"Huwag kang tumawa."
"Hindi ako tumatawa." Maikling sagot ko.
"Huwag kang ngumiti d'yan. Naiinis ako."
Napatakip ako ng bibig sapagkat hindi ko na kayang pigilan ang mangiti.
"Nicolo," tinanggal ko muna ang bara sa lalamunan ko bago ako nagpatuloy.
"Ang sabi ko kay Mateo ay huwag ng tumawag pa sapagkat ikaw ay magagalit."
"Hindi niya naiintindihan iyon. Tatawag at tatawag ang demonyong iyon sayo. Kahit kailan ay hindi kami nagkasundo ni Matt."
"Saka ang sabi ko ay nagkakamabutihan na tayo." Panginoon ko, pahina nang pahina ang boses ko.
"Saka hindi iyon... ha? Ano ang sabi mo?"
Namumula na ako, pinaulit pa.
"Ang sabi ko ay nagkakamabutihan na tayo."
"Good," Wika niya at doon nawala ng tuluyan ang kunot sa noo at bumalik ang maaliwalas na mukha.
"Nasasanay ka na may kasintahan."
"Hindi pa kita sinasagot, Nicolo."
"Pakipot... mga hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?"
Bakit umaawit na ang isang ito?
"Tumigil ka na,"
Natawa ng bahagya si Nicolo at hinapit ang aking baywang. Mapusok talaga ang mga kabataan ngayon.
"Kinikilig ka. Umamin ka." Wika niya.
"Hindi," Kaila ko.
"Sayang naman. Kinikilig kasi ako, Muning." Ang sabi niya at niyakap ako. Wala na, napapikit na lamang ako at dinama ang tibok ng puso niya.
"Magbihis ka na. Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?"
"Sandali na lang. Hindi ka pumapalag eh. Sarap mong yakapin." Sagot niya.
Kailangan kong makausap si Tala. Paano ko lulusutan ang suliranin na ito?
Kinagabihan, nang masiguro kong tulog na ang lahat, bumaba ako sa hardin at tinawag si Tala.
"Bakit, Catalina?"
"Tala, ako'y umiibig." Pag-amin ko sa kanya.
"Kay Mateo?" Nagtatakang tanong niya.
"Kay Nicolo." Wika ko.
"Ahhh," Bumuntong hininga si Tala at saka natawa ng bahagya.
"Ano ang gagawin ko?"
"Gaya ng napag-usapan natin, babalik ka sa panahon mo sa oras na itinakda para sa iyo."
"Maari bang bawiin ang hiling ko?"
"Ilang beses na nating napag-usapan iyan. May kakulitan kang taglay, Catalina." Saway ni Tala sa akin.
Tumabi ako kay Tala at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"Nakalimutan ko ang sinabi mo na importante kong tandaan. Maari bang pakiulit?"
"Hay, Catalina. Isang leksyon sa iyo iyan na matuto kang makinig. Alalahanin mo ang mga sinabi ko sa iyon. Iyon ang sagot sa suliranin mo." Sagot ni Tala sa akin.
"Hindi mo ako tutulungan?" Nagsusumamong tanong ko sa kanya.
"Ilang beses na kitang tinulungan, bata ka. Matuto ka kasing makinig." Tumayo si Tala at pinagpagan ang puwetan.
"Sana ay malagpasan mo ito, Catalina. Nakikita ko namang masaya ka kay Nicolo. Huwag ka nga lang maging bulag sa tunay na pakay mo dito sa panahon na ito. Sa oras na masagot ang iyong tanong, babalik ka sa nakaraan bitbit ang ala-ala ng hinaharap." Paalala ni Tala.
"Huwag mong pagtaguan si Mateo. Hindi makakatulong yan." Natatawa pa niyang paalala bago siya lumakad palayo sa akin.
Bakit sa tuwing makakausap ko si Talalalo akong naguguluhan?
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Fiksi SejarahWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...