Bumalik unti-unti ang aking kamalayan at nakakarinig ako ng nagsisigawan.
"Kita mo na, Isabelle? Kita mo na ang nangyari sa mga pinaggagagawa mo."
Sumisigaw si Nicolo. Gusto kong magmulat ng mata ngunit mabigat pa ang talukap ko.
"Hindi ko sila kasama, Kuya." Katwiran ni Isabella.
"Tama na, Kuya. Hindi naman gusto ni Isabelle ang nangyari." Awat ni Patricio sa dalawa.
"Alam mo ang ugali ni Matt. Alam mong bastos ang demonyong iyon sa mga babae tapos ipapahamak mo si Catalina. Hindi ka nag-iisip."
Tama na, Nicolo. Walang silang kasalanan.
"Hindi ko alam na pati tayo ay gagawan niya ng ganoon." Nabasag ang boses ni Isabella sa pagpapaliwanag.
"Huwag kang tanga." Sigaw muli ni Nicolo."Nicolo," Pinilit kong buksan ang aking mga mata.
Umiiyak si Isabella na lumapit sa akin at dumukmo sa kamay ko.
"I'm sorry, Cat. Hindi ko alam na may balak na masama si Matt sayo." Paliwanag niya.
Natingin ako kay Nicolo na parang papatay sa galit.
"Nicolo," Tawag kong muli sa kanya.
"Magpahinga ka d'yan Catalina at huwag kang lalabas." Wika niya at umalis ng silid ko.
Napapikit ako ng padabog na isinirado ni Nicolo ang pintuan. Maging ako ay nangilid ang mga luha.
"Okay lang yun, Cat. Hindi sayo galit si Kuya." Wika ni Patricio.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi kita ipapahamak, Cat. Maniwala ka." Umiiyak na wika ni Isabella.
"Ayos na iyon, Isabella. Tumahan ka na. Ano ba ang nangyari?"
Unti-unti nang bumabalik ang lakas ko. Tinulungan ako ni Patricio na makaupo at nilagyan niya ng mga unan ang ulunan ng kama upang makasandal ako."Nilagyan ni Matt ng pampatulog ang iniinom mo." Pagsisimula ni Patricio.
"Bakit ba kasi sumama ka sa kanya? Mabuti at nakita kita."
"Ang sabi niya ay naaksidente si Nicolo at nasa ospital. Naroon daw si Isabella."
Napamura si Patricio at Isabella sa aking paliwanag.
"Nang tawagan kita, alam kong may mali ng mawala ka sa linya. Mabuti at hindi mo pinatay ang telepono. Naririnig ko ng bahagya ang boses mon a kausap si Matt kaya tinawagan ko si Kuya." Pagpapatuloy ni Patricio.
"Mabuti at natrace ka niya. Hindi ko nahabol ang kotse ni Matt sa bilis ng takbo ninyo. Cat, muntik ka ng magahasa kung hindi kami nakarating ni Kuya sa iyo."
Napatulala ako sa sinabi ni Patricio. Napatademonyo nga ni Mateo upang gawin niya sa akin iyon.
"Galit na galit si Kuya, Cat. Hayaan nyo na muna siya. Hindi iisang beses nagpang-abot sila ni Matt pero ngayon ko lang nakita si Kuya na nawalan ng control at kamuntikan ng makapatay."
Napasinghap ako at muling nangilid ang mga luha.
"Gusto mo bang magsampa ng kaso kay Matt?" Tanong ni Patricio.
Umiling ako bilang sagot na ikinabuntong hininga ni Patricio.
"Cat, para sa ikakatahimik mo at ni Kuya, huwag ka ng lumapit pa kay Matt. Kung pwede lang." Sabi ni Patricio sa akin. Unti-unting pumatak ang mga luha ko ng tumimo sa isipan ko na nahanap ko na ang sagot sa tanong ko.Pinilit kong bumango ngunit pinipigilan ako ni Isabella.
"Kakausapin ko si Nicolo," Wika ko. Baka wala na akong oras. Baka hindi ako makahingi ng tawad.
"Galit pa si Kuya," Wika ni Isabella.
"Kailangan ko siyang makausap." Determinadong sagot ko.
Tinulungan ako ni Isabella na tumayo. Nanlalambot pa ako ng kaunti ngunit kailangan kong makausap si Nicolo. Baka ito na ang huling beses na makakausap ko siya.Inalalayan ako ni Isabella hanggang sa labas ng silid-akalatan.
"Iwan mo na ako." Magalang na taboy ko sa kanya.
Nag-aalinlangan siya na iwanan ako ngunit nakita niya marahil na hindi ako titinag hanggat naririyan siya kung kaya iniwan akong mag-isa ni Isabella. Marahan akong kumatok sa pintuan ngunit walang sumagot. Kinakabahan akong binuksan ang pinto at pumasok ng walang pahintulot.
"Nicolo," Tawag ko sa kanya. Hindi niya ako nilingon. Nakatutok ang mata niya sa computer na tinatawag nila at hindi ako pinapansin.
"Hindi ko sinasadya." Paliwanag ko kahit wala akong makuhang atensyon mula sa kanya.
"Nagsinungaling siya sa akin."
Mahina siya nagmura at may binato na lamesa.
"Iwanan mo muna ako, Catalina." Sabi niya na. Sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.
"Patawarin mo ako, Nicolo. Hindi ko nais na umalis ng walang paalam. Ang sabi niya ay naaksidente ka at nasa ospital kung kaya nagmamadali akong pumanaog."
Napaupo ng deretso si Nicolo at tinitigan ako.
"Ako ay nag-alala, akala ko ay totoong may nangyari sa iyo na hindi maganda. Hindi ko kaya iyon, Nicolo."Mabilis na tumayo si Nicolo at lumakad patungo sa akin. Akala ko ay yayakapin niya akong muli. Gaya ng ginawa niya noong tinuturuan niya akong magsayaw ngunit ng hapitin niya ako sa baywang, hindi ko inaasahan ang paglapat ng kanyang labi sa akin. Siniil niya ako ng halik. Ang aking unang halik. Unti-unting napapikit ang aking mga mata at hinayaan na maglaro ang labi niya. Hindi ko alam kung paano humalik kung kaya ginaya ko ang kanyang ginagawa. Kusang gumalaw ang aking mga labi.
"Cat," Wika niya sa pagitan ng halik. Para akong nalulunod at hindi ko nais na tumigil. Ganito ba ang lahat ng halik?
"Tinakot mo ako, Muning." Wika ni Nicolo at niyakap ako ng mahigpit.
Lutang pa ang aking isip sa halik na tinapos niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya na hahanap hanapin ko. Niyakap ko si Nicolo at itinago ang mga luha sa kanyang dibdib.
"Hindi ko sinasadya."
"Hindi naman ako galit sayo." Sagot niya na ikinapanatag ko.
Ang labi ni Nicolo ay nasa aking noo at binibigyan niya ako ng mumunting paru-paro sa aking damdamin.Malungkot akong bumitaw sa kanya at huminga ng malalim bago nagsalita.
"Nicolo," Malungkot akong tumingin sa kanyang mga mata.
"Ikaw ang unang halik ko."
Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha na babaunin ko sa aking pag-alis.
"At ako ang huli." Dugtong niya.
"At ikaw ang huli, pangako iyan."
Nangilid na naman ang luha ko at ngayon ay tuluyan ko ng pinakawalan. Nawala ang ngiti ni Niclo at mabilis na sinapo ang mga luha na bumagsak mula sa aking mga mata.
"Masyado ba akong mapangahas ng halikan kita? Sumabra ba ako, Muning? Bakit ka umiiyak?"
Marahan akong umiling at pilit na ngumiti.
"Ikaw ang isang ala-ala na babaunin ko sa aking pag-alis."
"Cat, ano ang sinasabi mo?"
Ako ay nasasaktan sa takot na nakikita ko sa kanyang mga mata.
"Natatandaan mo ba kung bakit ako naparito sa inyong panahon?"
"Cat, no." Muli niya akong niyakap ng mahigpit.
"Iniibig kita, Nicolo."
"Mahal na mahal din kita Muning."
"At dahil iniibig kita ng lubos, nais kong lumigaya ka. Huwag mong mahalin ang ala-ala ko."
"Tama na. Hindi ako makikinig sayo, Catalina. You will stay here. Naiintindihan mo? Mananatili ka rito. Sa panahon na ito. Sa tabi ko."
"Sinubukan ko na, Nicolo. Sinubukan ko ng baguhin ang hiniling ko ngunit hindi maari.""Ako ay aalis bitbit ang ala-ala ninyo." Pilit akong kumawala sa pagkakayakap ni Nicolo.
May luha siya sa kanyang mga mata na pilit itinatago sa akin.
"I just found you."
Pinilit ko muling ngumiti kahit hindi ko nauunawaan ang sinasabi niya.
"Maari ba tayong magpunta sa dalampasigan?" Hiling ko.
Tumalikod si Nicolo at may kinuhang susi sa lamesa. Hinawakan niya ang aking kamay at hindi na binitawan pa. Tahimik kaming tinungo ang dalampasigan sa dulo ng kanilang lupain.Naabutan pa namin ang huling hibla ng sinag ng araw. Nakaupo kami sa buhanginan at nakasandal ang aking ulo sa balikat ni Nicolo.
"Natatandaan mo ba kung saan ko kinuha ang aking mga alahas sa aming lumang tahanan?"
Hindi kumibo si Nicolo ngunit naramdaman ko siyang tumango.
"Ako ay gagawa ng liham para sa iyo at ilalagay ko doon. Kung walang nakakita ng alahas ko sa nagdaang taon, magiging panatag ako dahil makakarating sa iyo ang mga liham ko."
"Muning, wala na bang ibang paraan?"
"Kung meron man Nicolo ay isusugal kong muli ang lahat upang bumalik sa iyo. Nguni tang pangako ay pangako at nangako ako kay Tala na babalik sa aking panahon. Naunawaan ko na ngayon na kung hindi ka talaga tunay na minamahal, napakadali para sa tao na lokohin ka."
"At ang tunay na nagmamahal sa iyo ay gumagawa ng paraan para makapiling ka." Dugtong niya.
"Hintayin mo ako, Catalina. Kung nagawa mo, tatawagin ko rin si Tala para magkasama tayo."
"Si Tala ay totoo sa mga naniniwala. Hanggat may alinlangan ka sa kanya, hindi siya magpapakita sa iyo."
Bumibigat na muli ang talukap ng mga mata ko."Inaantok ako, Nicolo."
"Huwag kang pipikit." Bulong niya at hinagkan ang aking ulo.
"Kung sa aking pagdilat ay wala ka na, nais kong sabihin sa huling pagkakataon na mahal kita." Bulong ko.
"Mahal na mahal kita, Cat. I will find a way."
Unti-unti akong napapikit. Nararamdaman ko ang dampi ng hangin sa akin ngunit parang ang layo ko na. Ang layo ko kay Nicolo."Bakit nandito tayo, Nico?" Narinig ko pa ang boses ko na nagtanong.
Ako ba iyon?
"Nagpapunta ka dito, Cat." Naguguluhang sagot ni Nicolo.
"Alam mong hindi ko gustong lumalabas ng room ko." Sagot ng boses ko bago ako tuluyang hinila ng antok. Hindi ko na narinig ang isinagot ni Nicolo.------------
A/N
Pre-order for Fight for Me is still on-going.
Follow me on Facebook: Wattpad-Yumi and reserve your copy there.
My book will not be available in a book shop and in limited copies.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...