Kating-kati na akong magtanong ulit ng mga bagay-bagay. Sa katunayan, kahapon pa ako naguguluhan kung bakit maliwanag sa ospital gayong wala naman akong nakikitang mga lampara.
At ngayon nga ay kasalo namin si Antonia sa hapunan, nais ko mang magtanong ay ipinagpaliban ko muna. Hindi ba siya hinahanap ng kanyang mga magulang at nandito pa siya gayong gabi na.
"Cat, ayaw mo ba ang pagkain?" Tanong ni Isabella.
"Hindi naman sa ganoon. Wala lamang akong gana." Matamlay na sagot ko. Tumayo ako at nagpaalam na mauna ng pumasok sa aking silid.Hindi ako nagtungo sa silid ko, bagkos ay nagtungo ako sa silid-aklatan. Madilim doon at hindi ko alam kung nasaan ang mga lampara kaya naupo na lamang ako sa upuan at tinanaw ang labas.
Kung nagpakasal kami ni Nicolas noon, nagkaanak ba kami? Sa lahi ko ba galing mga magkakapatid sa ibaba? At bakit mayroon pang Montemayor gayong wala namang kapatid si ama. Kanino angkan galing si Cat at dala niya ang Montemayor na apelyido? Ang dami kong katanungin, saan ko hahanapin ang mga kasagutan.
Nalulunod ako sap ag-iisip ng lumiwanag ang buong silid.
"Sabi na at nandirito ka. Bakit hindi mo binuksan ang ilaw?" Tanong ni Isabella.
"Hindi ko alam buksan." Wika ko.
Tumabi sa akin si Isabella at kinalabit ako.
"Cat, ganito lang ang pagbukas ng ilaw." Tumayo siya at itinuro ang kung anong bagay sa tabi ng pintuan. "Pindutin mo lang ito at mamamaty na. Pindutin mo ulit at bubukas naman."
Bumalik si Isabella sa tabi ko."Bakit nandirito si Antonia gayong gabi na?" Tanong ko kay Isabella.
"Sino? Si Antonette. Ahh baka dito matutulog... na naman." Sagot ni Isabella na ikinakunot ng noo ko.
"Wala ba siyang bahay at nakikitulog sa ibang bahay?"
"Well, hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay but they... uhmmm, natutulog siya sa kwarto niya kuya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Isabella. "Nagniniig sila?"
"Grabe sa luma ang naniniig. Uhmm, baka, alam mo na, nagchucurbahan sila, yes." Tumango-tango si Isabella.
"Ano ang churbahan?" Nalilitong tanong ko.
"Hay, kailangan talaga ba sabihin ko? Nagtatalik sila, siguro." Bulong ni Isabella.
"Hesusmaryosep." Napaantanda ako. Totoo nga ang naiisip ko."Magpapakasal na ba sila?"
"Hindi ah. My God, I can't imagine." Wika ni Isabella na hindi ko naintondihan.
"Hindi sila magpapakasal."
"Nabubuhay sila sa kasalanan ng laman. Hay Panginoon ko." Napahawak ako sa puso ko.
Natawa si Isabella at inabot muli ang mga larawan sa akin."Maari ba akong magbasa-basa dito? Mayroon lamang akong gustong malaman."
"Sure. Magbasa ka lang. Ano ba ang gusto mong malaman?" Usisa ni Isabella.
"Kanino kayong angkan galing? Dalawa ang Del Castillo. Sa angkan ba ni Nicolas kayo nagmula?"
"Ohh... So gusto mong malaman kung lola ka namin."
Napangiwi ako sa sinabi ni Isabella. Ang sakit ng salitang Lola."Teka, mayroong mga journal dito eh. Somewhere here. Nakita ko na dati yun eh." Naghalungkat si Isabella sa mga lumang libro at ibinigay sa aking ang dalawang kwaderno na kasing luma ng panahon.
Binuklat ko ang unang kwaderno. Isa itong tala-arawan ni Patricio. And ikalawang kwaderno ay walang pangalan.
"Salamat, Isabella."
"Iwanan na kita dito ha. Doon na ako sa kwarto ko. Pahinga ka, Cat." Iniwan akong mag-isa ni Isabella sa silid-akalatan. Una kong binasa ang tala-arawan ni Patricio.Nagsimula ang tala-arawan noong nagbalik sila sa Pilipinas galing Espanya. Nakasulat ito sa wikang Espanyol at magulo ang kanyang pagsusulat. Inunawa ko ang bawat sinusulat ni Patrico sa pahina. Sinaad niya ang nangyari pagkatapos ng pagtitipon sa kanilang tahanan.
Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit hindi ibig ni Kuya na magpakasal kay Catalina. Siya ay napakapalad upang ipagkasundo sa isang mabuting binibini na may mataas na estado sa lipunan. Ang mga panandaliang ugnayan niya sa mga babae sa Espanya ay hindi niya nararapat na dinala dito sa Filipinas. Ako ay nahahabag kay Catalina sa kanyang sasapitin kay Kuya.
Ano kaya ang ibig sabihin ni Patricio? May mga kasintahan si Nicolas sa Espanya maliban kay Antonia?
Nagbasa muli ako ng mga isinulat ni Patricio. Karamihan ay ang mga taong-bayan na kanyang ginamot ang nakasulat sa tala-arawan. Isang araw habang naglalakad si Patricio papunta sa isang liblib na baryo upang tingnan ang matandang may sakit doon, dumaan siya sa gilid na ilog upang mapabilis ang kanyang paglalakad.
Ako ay nabigla ng makita ko si Kuya na lumabas sa isang kubo na nagbubutones pa ng damit. Kasunod niya ay si Antonia na inaayos pa ang saya mula sa pagkakagusot. Hindi ko maunawaan kung bakit nahihibang siya sa babaeng iyon gayung si Catalina ay di hamak na matino ng isang daang beses kaysa kay Antonia. Ako ay nandidiri na kinakaya ni Kuya ang ganitong kalapastanganan. Hindi nila ako nakita ng maghiwalay sila ng landas. Si Kuya, pabalik sa bahay at si Antonia ay sa kabilang dereksyon pumunta. Nawawalan ako ng respeto kay Kuya.
Ay, walang hiyang Nicolas, nagkikita pala sila ni Antonia sa panahon na malapit na kaming ikasal. Napaka-walang hiya mo talaga!
Kumukulo ang dugo ko habang pinagpatuloy ang pagbabasa. Naku, Nicolas, sumpain ka sa kinalalagyan mo ngayon.Kinausap ko si Kuya sa gabi bago ang kanyang kasal. Sinabi ko na kung dudungisan lamang niya ang ngalan ni Catalina ay huwag na niyang pakasalan. Alam kong mas matanda siya sa akin ngunit hindi ako mangmang upang manahimik habang ang kaibigan namin ni Isabella ay malalagay sa kapahamakan. Akala ko, ang paglayo ni Kuya sa Pilipinas ay magpapatino sa kanya. Hindi pala. Ang santol ay kailanman hindi magiging mangga kahit pinturahan mo pa ng luntian. Ipinapanalangin ko ang kaligtasan ni Catalina.
Bumuhos ang aking kaba sa isinulat ni Patricio at mas lalo akong naingganyo na basahin ang susunod pang mangyayari. Nilaktawan ko ang mga araw na puro panggagamot ang isinusulat niya hanggang sa mabasa kong muli ang ngalan ko.
Si Catalina ay sadyang matapang na babae. Gusto kong tawanan ang sinapit ni Antonia ng makita niya itong lumabas ng kamalig sa aming lupain na nag-aayos pa ng saya. Kulang na lamang ay matanggal ang buhok ni Antonia sa sabunot na ginawa ni Catalina. Batid namin na walang pag-ibig kay Kuya at Catalina ngunit ang kampihan ni Kuya si Antonia ay hidi makatarungan. Doon ako tuluyang nawalan ng paggalang sa aking kapatid at humanga sa tatag ni Catalina. Nararapat lamang ang kanyang binitawang kataga, "Ako, hindi man mahalin ng lintik na lalaki na iyan, ay mananatiling tunay na asawa. Ikaw Antonia, hawak mo man ang makating puso niya ay mananatiling kalaguyo habang buhay. Hindi maikakasal at hindi magiging Del Castillo kahit kailan."
Nagpatuloy pala sila sa kanilang makamundong gawain kahit kasal na kami. Lumalakas ang aking hinala na hindi sa aking angkan nangmula ang magkakapatid sa panahon na ito. Dahil sa itinatakbo ng kwento ni Patricio, hindi kami magkakasundo na muli ni Nicolas pagkatapos niya akong lokohin. Malamang ay kay Patricio sila nangmula. Ang tanong na lamang, ano ang nangyari sa akin? Pinagpatuloy ko ang pagbabasa at nilaktawang muli ang hindi ko nais malaman.
Hindimasaya sila ama at ina ng mabalitaang umalis sa kanilang tahanan si Catalina atumuwi sa kanyang mga magulang. Si Kuya ay walang pakialam at lumuwas pala ngMaynila kasama si Antonia. Sa sobrang galit ni ina at ama ay tinanggalan ngmana si Kuya at ang kanyang parte ay ibinigay lahat kay Catalina. Hindi iyonnagustuhan ni Kuya at nagkaroon ng sagutan sa aming tahanan. Hindi maganda angnakikita kong galit kay Kuya. Mabuti na lamang at wala na si Catalina upangmapagbuhatan niya ng kamay... muli.
Saan ba nakalibing si Nicolas at ng masipa ang kanyang puntod? Mabuti kungmagpapakasal pa ako sa kanya pagbalik ko sa nakaraan sa mga nababasa ko na ito.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...