Mabuti pang hindi ko na isinama sa pamilihan ang magkapatid na ito. Hindi pala marunong mamalengke.
"Hindi ka bibiling sampalok powder?" Tanong ni Isabella sa akin at itinaas ang isang supot na may larawan ng sampalok.
"Hindi iyan ang ginagamit sa sinampalukan. Bulaklak ng sampalok." Wika ko.
"Hindi pwedeng bunga?" Tanong ni Nicolo.
Huwag mo akong kinakausap. Naiinis pa rin ako sa iyo."Luh... dedma pa rin. Ikaw kasi." Narinig kong tukso ni Isabella sa kapatid.
Napadaan kami sa bilihan ng mga manok at pinisilpisil ko ang mga paninda. Hindi tagalog ang tinda nila at malamig. Hindi sariwa.
"Uy Cat, saan ka pa pupunta? Eto na ang mga manok." Wika ni Isabelle.
"Maghanap tayo ng tagalog." Sagot ko.
"May ganung manok pala." Bulong ni Isabella kay Nicolo.
Hay...wala talaga silang alam sa buhay.Nag-ikot kami ng nag-ikot sa bilihan ng gulay ng may makita akong nagtitinda ng bulaklak ng sampalok.
"Magkano po isang tumpok?" Tanong ko.
"Per kilo ang bentahan hindi tumpok." Sagot ng nangtitinda.
"Magkano nga po?" Tanong ko ulit.
"Singkwenta kalahati." Sabi nito.
Bumaling ako kay Isabella. "Singkwenta sentimos daw kalahati."Nagtawanan sila Nicolo at Isabella. Nagagalit namang sumagot ang nagtitinda.
"Singkwenta pesos. Ano pa ang mabibili mo sa sentimos?"
"Kamahal naman." Angal ko.
Isang buong baka na ang mabibili sa singkwenta pesos sa amin.
"Heto na po ang bayad. Nagbibiro lang po siya." Inabutan ni Isabella ng isang daan ang nagtitinda.
"Isang kilo na po." Sabi niya.Naiinis akong tumingin kay Nicolo na tumatawa pa rin sa likuran ko.
"Ano ang nakakatawa?"
"Wala naman, Muning." Sagot nito at pilit na itinatago ang ngiti.
"Here you go. Ano pa ang bibilin, Cat?" Tanong ni Isabella na hawak na ang supot ng bulaklak ng sampalok na sobrang mahal.
"Manok na tagalog. Yung dumalaga para hindi matigas." Wika ko.
"Yung virgin na manok?" Tanong ni Isabella na ikinatawa muli ni Nicolo.
"Yung teenager daw." Sagot naman ni Nicolo.
Hindi ko sila maintindihan. Mukhang ako na naman ang pinaglalaruan.Nag-ikot muli kami sa pamilihan at sa dulo ay may nakita akong nagtitinda ng mga manok tagalog.
"Magkano po?" Tanong ko.
"One twenty isa." Sagot nito.
Tumingin ako kay Isabella at isinulat niya sa telefono ang presyo.
"Ciento veinte? Para sa isang manok?" Napalakas ang boses ko.
"Kung gusto mo ay sa iba ka na lang mamili." Sabi ng nagtitinda sa akin.
"Diez centavos lang sa amin iyan." Bulong ko habang namimili ng manok."Isa lang, masyadong mahal." Baling ko kay Isabella.
"Paano ang pang adobo?" Tanong ni Nicolo.
"Sino ang may sabing magluluto ako ng adobo?" Balik na tanong ko kay Nicolo.
"Gusto ko ng adobo." Sabi nito.
"Mahal nga ang manok." Wika ko.
"Hay, sige isang daan na lang isa. Umalis lang kayo sa harapan ko at napepeste ang paninda ko." Pinagpag ng tinder ang pambugaw niya ng langaw sa amin."Mahal pa rin. Singkwenta na lang isa." Tawad ko.
"Saan ba galing iyang kasama nyo at ubod ng kuripot?" Tanong ng tindera sa dalawang magkapatid.
"Sa Espanya." Sagot ko.
"Doon ka ba malapit sa UST? O sa squatter?" Tanong nito. Tawa ng tawa ang magkapatid sa likuran ko.
"Ha? Ano yang sinasabi mo?" Naiinis akong namili pa ng isang manok.
"Sabi mo ay taga Espanya ka. Palibhasa ang mga taga Maynila ay walang alam talaga sa pamamalengke." Sabi nito na akala mo ay kay talino.
"Kailan pa napunta ang Espanya sa Maynila? Ako ba ay niloloko mo? Malapit ko ng ihampas sa iyo iyang mga manok na paninda mo." Nabubwisit na banta ko sa kanya. Gayong nabubwisit ako kay Nicolo, sige pa at dagdagan mo pa ang inis ko."Magbayad na nga kayo kung bibili kayo at umalis. Itong kasama niyo na ito, malapit ko ng patulan." Wika ng tindera.
"Kanino ka ba muchacha at ng masabihan ko ang amo mo?"
"Hoy... ano akala mo sa akin, katulong?" Tanong niya.
"Hindi ba?" Balik na tanong ko.
"Aba't..." Inambaan ako ng pambugaw ng langaw. Subukan mong ipalo sa akin iyan at makakatikim ka.
"Heto na po ang bayad." Inabutan ni Isabella ng pera ang tinder na nuknukan ng inutil. Nasa Maynila daw ang Espanya!
"Kuya, ikaw na ang bahala sa manok." Wika ni Isabella at hinila ako palayo.Tinuro ko na lang ang mga gulay na kailangan sa sinampalukan kay Isabella. Hindi na ako kumibo lalo na at tumatawa si Nicolo ng maabutan kami.
Pagdating sa kanilang tahanan, nakamulala naman ang mga utusan ng makita ang mga manok na binili namin. Talagang bumili ng pang adobo si Nicolo at dinadagan ang manok na kay mahal ng presyo.
"Aanhin ang manok?" Tanong ng isang utusan. At dahil mainit na nga ang ulo ko, sumagot ako ng pabalang.
"Titigan ninyo baka sakaling mabalatan ng buhay." Sagot ko.
Nabuga ni Nicolo ang iniinom na tubig.
"Malamang kakatayin ninyo." Ay mga tinamaan ng mangmang.Hinila ako palayo sa kusina ni Nicolo.
"Pakikatay na lang yan." Sigaw niya bago kami tuluyang makalabas ng kusina.
"Ang init ng ulo mo." Wika niya.
"Ang kamay ko. Pakibitawan."
Ngumiti siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak. Hinila niya ako paakyat ng hagdanan papasok sa silid-aklatan."Ano ang problema mo? Bakit masungit ka?" Tanong ni Nicolo pagkasarado ng pintuan.
"Hindi ako masungit... ganito talaga ako." Pabalang na sagot ko.
"Cat, hindi ko naman talaga kausap si Antonette kahapon. Si Patricio talaga ang kausap ko."
"Ano ang pakialam ko kung sino ang kausap mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry... patawad. Hindi ko na uulitin." Sabi niya.Bakit ba nagagalit ako? Hindi ko naman kasintahan si Nicolo upang magselos...
Napasinghap ako.
"Bakit?" Tanong ni Nicolo.
Nagseselos ako kaya ako nagkakaganito?
"Kumukunot na yang noo mo. Cat, binibiro lang talaga kita. Wala akong balak makasama pa si Antonette." Paliwanang niya.Panginoon ko... Nagseselos nga ako...
"Hindi naman kami mag-on... hindi kami magkasintahan." Paglilinaw niya.
"Cat,"
Hinawakan ni Nicolo ang magkabilang pisngi ko at itinaas niya ang aking mukha upang magsalubong an gaming mga mata.
"I am jealous with Matt." Wika niya.
"Ha?"
Huminga siya ng malalim bago ako niyakap ng mahigpit.At ang puso ko ay muling tumibok ng mabilis. Ang aking damdamin ay muli na namang naguluhan sa nararamdaman. At ang kakaibang kilabot na akong nararamdaman ay nagsimula na namang tumulay sa aking balat. SPARK... bakit kay Nicolo lamang may ganito?
"I am jealous of him. I'm sorry." Wika niya.
"Kung sana ay naiintindihan ko ang ibig mong sabihin."
Binitawan niya ako at naramdaman ko ang kaunting panghihinayang."Gusto ko ng adobo." Bulong ni Nicolo na ikinaikot ng mga mata ko.
"Kung sana ay paraanin mo ako upang makapagluto na at hindi yang ginugulo mo ang isip ko..."
Napahinto ako sa sasabihin ko.
"Ginugulo ko ba ang isip mo?" Nakangiting tanong ni Nicolo. Hinarangan niya ang pintuan ng magtangka akong lumabas.
"Estás corriendo en mi mente todo el tiempo." (Lagi kang tumatakbo sa isipan ko.)
"Ano?" Tanong niya.
"Hindi mo rin maunawaan hindi ba? Ganyan ka rin naman sa akin kapag nagsasalita ka ng Ingles. Paraanin mo ako, Nicolo." Wika ko sa pinatatag na tinig kahit kinakabahan ako dahil sa pagkakadulas ng matabil kong bibig.
"Para lang sa kaalaman mo, Muning. Ginugulo mo rin ang isip ko." Wika niya at pinagbuksan ako ng pintuan.Hindi ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ang usapan o lalabas na ng pintuan.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Fiksi SejarahWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...