Kabanata 36

11K 563 46
                                    

Nagmulat ako ng aking mga mata na nasa pamilyar na lugar ngunit batid ko na marami ang nag-iba. Kusang tumulo ang akong mga luha ng maamoy ko ang kape na pinapakuluan sa kusina ng mga muchacha. Ako ay nagbalik sa aking panahon dala ang bigat ng kalooban at ang pag-ibig na hindi na muling masusuklian.

"Catalina, ikaw ba ay gising na?" tanong ni ina mula sa pintuan.
Hindi ako kumibo at hinayaang umagos ang mga luha. Lahat ay hindi nagbago. Parang hindi ako umalis sa panahon na ito. Ngunit ako- ako ay nag-iba na.
"Bumangon ka na diyan. Hinahanap ka muli ni Isabella. Inaanyayahan ka muli sa kanilang tahanan."
Muli ay hindi ako sumagot. Nadudurog ang puso ko. Makikita ko ang mga pamilyar na mukha ngunit hindi ang tunay na mga tao. Makikita ko si Nicolas, ngunit hindi si Nicolo. Hinayaan ako ni ina pansamantala. Narinig ko ang mga yabag niya na umalis sa aking pintuan. Doon ko hinayaan ang sakit na lumukod sa aking buong pagkatao. Kung nakakapagsalita marahil ang unan, baka sinabihan na niya ako ng 'Tama na, nalulunod na ako sa mga luha mo.'

Pasado alas nueve nang bunagon ako at pinilit makiharap sa mga tao. Batid ni ina ang kawalan ko ng gana. HIndi iisang beses niya akong tiningnan at nagtangkang magtanong ngunit kibit lamang ng balikat ang aking isinagot.
"Catalina," tawag ni ina ng maabutan niya ako sa may veranda na nakatulala sa kawalan.
"Ano ba ang iyong dinaramdam?"
"Ina, hindi ko nais na magpakasal kay Nicolas." sagot ko na ikinabigla niya.
"Ngunit bakit?"
"Dahil... hindi ako umiibig sa kanya." matapat na sagot ko.
"Catalina... ang pag-ibig ay nagpapag-aralan." wika ni Ina sa akin.
"Mali ka doon, ina. Hindi napapag-aralan ang pag-ibig." Sagot ko.
Huiminga ako ng malalim upang pigilan ang sakit na nararamdaman.
"Ang pagmamahal ay hindi napapag-aralan. Kung sadyang hindi ka mahal ng isang tao, kailan man ay hindi ka niya matututunang mahalin."
Nakatingin sa akin si ina na parang ngayon niya lamang akong narinig na magsalita.
"May iniibig si Nicolas, Ina, at hindi ako iyon. At ako... ako ay walang pagtangi sa kanya."
Dahil ang puso ko ay bihag na ni Nicolo at kailan man ay hindi ko na makikita.
"Catalina, naianunsyo na ang inyong pag-iisang dibdib." paliwanag ni ina.
"Hindi ninyo naiintindihan. Ako ay hindi kailan man magiging masaya sa kanya. PAkiusap, isaalang-alang ninyo ang aking kapakanan. Malalagay lamang ako sa kapahamakan."
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? IKaw ba ay may ibang kasintahan na hindi namin alam?"
Marahan akong umiling.
"Ina, pagsisisihan ninyo kung ako ay ipapakasal ninyo sa kanya." puno ng pagmamakaawa na wika ko.

Ako ay mawawala at hindi na muling makikita ayon sa mga nabasa ko sa hinaharap. Hindi titigil si Nicolas at Antonia sa kanilang relasyon at ang pangalan namin ay madudungisan lamang.
"Masusunod ang kasunduan, Catalina." Matigas na wika ni ina na dumagdag pa sa aking alalahanin.
"Huwag mong ipahiya ang ating familia."
Tinalikurana ko ni ina at iniwan akong mag-isa sa veranda.

HIndi ako lumalabas ng aming tahanan hanggat maari. Nagmumukmok ako sa aking silid o kaya ay nagsusulat ng liham para kay Nicolo at inilalagay ko sa aking taguan. Anong araw na kaya doon? Ilang araw na ang lumipas buhat ng lumisan ako? Dito ay isang linggo, doon ba ay taon na?

Kahit anong paanyaya ni Isabella sa akin na dumalaw sa kanilang tahanan ay hindi ko pinapaunlakan. Lulunurin ko na lamang ang aking sarili sa masasayang ala-ala namin ni Nicolo, Patricio at Isabella ng makabagong panahon. Kaya nagulat ako isang araw ng dumalaw si Nicolas sa aming tahanan.
"Maari ko po bang makausap si Catalina ng sarilinan sa may hardin?" Paalam ni Nicolas sa akin ina.
"Oo naman, Nicolas. Si Catalina ay iyo ng katipan. Hala, pumanaog na kayo at ng kayo ay makapag-usap." taboy ni ina sa amin.
Ano na naman ang balak ng lalaking ito? Tahimik akong naunang naglakad pababa ng hagdaan patungo sa aming hardin. Batid ko na nakasunod si Nicolas sa akin. At ng malayo na kami sa paningin ng mga tao ay hinaklit niya ang aking braso at walang pakundangan na hinila palayo sa mata ng mga tauhan.
"Aray, nasasaktan ako." angil ko sa kanya.
"Ano ang nababalitaan kong hiniling mo na inurong ang kasal?" nagpupuyos na tanong niya sa akin. Kung bakit taglay mo ang mukha ng lalaking minamahal ko ay isang malaking palaisipan sa akin. Hindi ka naman nabuhay sa panahon nila ngunit nanatili ang iyong mukha sa isang taong may pagtingin sa akin. Kung hindi ba naman isang malaking komedya ang buhay ko.
"Parang mabagal ang pagkakasagap mo ng balita. Isang linggo ko ng hiniling iyan." mapaklang wika ko. Humigpit ang pagkakahawak ni Nicolas sa aking braso at nag-aagaw na ang pamamanhid at sakit ngunit hindi ako pumalag. HIndi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong nasasaktan.
"Binabalaan kita, Catalina. Huwag mo akong ipapahiya..."
"At hayaan kang ang pangalan ko ang magdusa. HIndi Nicolas. Tatapusin natin ang kahangalan na ating mga magulang. Hindi ako magpapakasal sa iyo." Matapang na sagot ko sa kanya.
"Dahil kay Mateo?" Nanunuyang tanong niya at muli ay hindi ako natinig.
"Magsama pa kayo ng pinsan mo ay wala kayo sa kalingkingan ng lalaking pinapangarap ko."

Isang sampal ang dumapo sa akin mukha. Hindi ako nakapagsalita o nakagalaw man lamang dahil sa pagkabigla.
"Hindi ang isang tulad mo, Catalina Montemayor, ang mag-aalis ng pangalan ko sa listahan ng tagapag-mana. Magpapakasal ka sa akin, sukdulan na kaladkarin kita papunta sa altar." namumula sa galit si Nicolas.
"Nakatali sa akin ang mamanahin mo, ganoon ba?" Pilit kong nagpakatatag kahit nanginginig ako sa takot at galit.
"Paano kung ayaw ko?" nang-iinsulto kong tanong.
Muli akong inambaan ng sampal ni Nicolas ngunit may narinig kaming paparating kung kaya ay umayos siya ng tindig. Isang tindig ng maginoo ngunit nagpupuyos ang mga mata sa galit.
"Paumanhin, Ginoong Nicolas,"
Napatingin ako kay Tala ng magsalita ito.
"Hinahanap ka Binibini ng iyong ama." Wika niya.
"Susunod ang binibini, muchacha. Bigyan mo kami ng ilang segudo upang makapagpaalam." Sagot ni Nicolas na ikinaliit ng mata ni Tala.
"Naririto lamang ako sa malapit, Binibining Catalina." Paalam ni Tala.

"Aalis ako ng ilang linggo at hindi ko nais na makabalita na ikaw ay nagiging mababang babae sa mga araw na ako'y wala."
Natawa ako ng bahagya. "Mali ka yata ng binabalaan. Hindi ba si Antonia ang mababaeng uri ng babae? Ah, baka kasama mo siya ng mga ilang linggo. Sige, humayo kayo. Sino ba naman ako para humadlang sa kababuyan ninyong dalawa. Mag-iingat ka lamang at baka may isilang na bastardo muli sa inyong angkan."
Nanlaki ang butas ng ilong ni Nicolas at nanlisik ang mga mata.
"Yang talas ng dila mo ay makakatikim ng latigo sa oras na mapirmahan ang ating certifico de matrimonyo." Babala ni Nicolas na ikinatawa ko.
"E di wow," ginaya ko ang panunuya ni Isabella kay Nicolo noon.
"Binibini," tawag muli ni Tala sa kung saan.
Umalis si Nicolas na bakas ang galit sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at hinawakan ang pisngi. Punyeta, ang sakit.

"Catalina,"
Lumabas si Tala sa likod ng halaman.
"Ayos ka lamang ba?" Tanong niya.
"Kamusta si Nicolo?" Balik na tanong ko na ikinangiti niya.
"Siya ay... buhay pa." Sagot nito na ikinalaki ng aking mga mata.
"May nangyari ba?"
"Wala...wala. Bukod sa laging lasing ay buhay pa siya. Mahigit isang buwan na ang nakalipas buhat ng lumisan ka." Pagbabalita nito na ikinalungkot ko.
"Ikaw ay mag-iingat kay Nicolas. Kung maaari ay bawasan mo ang pagsagot ng pabalang. Ikaw ay wala na sa makabagong panahon at ang kultura dito ay iba..." payo ni Tala sa akin.
"Wala bang ibang paraan, Tala?"
"Alalahanin mo ang mga sinabi ko sa iyo noon." Sagot niya.
Ngunit hindi ko nga maalala.
"May oras pa, Catalina. Alalahanin mo kung nais mong maiba ang kwento ng buhay mo na nabasa sa tala-arawan ni Patricio."
"Tala," pigil ko sa kanya ng paalis na siya.
"Kung, humiling si Nicolo, pagbibigyan mo ba?"
Nanliit muli ang mga mata nito.
"Si Nicolo ay hindi ko nais pagbigyan sapagkat niyugyog niya ako noong kumakain ako sa panahon niya. Nalaglag ang huling sawsawan na hinihigop ko kasabay ng manok na hindi ko pa nasisimot. Kaya, hindi, Catalina. Nasa sa iyo kung maalala mo ang mga sinabi ko o hindi."
"Panginoon ko, Tala..." napahawak ako sa aking puso. Nang dahil sa sawsawan?
"Huling sawsawan ko iyon... huwag mo akong husgahan." NAiinis siyang tumalikod sa akin at naglakad ng mabilis palayo.
"Tala..." sigaw ko ngunit para siyang bingi sa aking hinaing.

"Ugghh, nang dahil sa sawsawan at manok na hindi pa nasisimot, mawawalan ako ng kaligayahan." Naiinis akong nagdadabog na bumalik sa amin tahanan.
Tampalasan yang Jollibee,

---------------
A/N
Meron pang slot para sa Fight for Me book.
Sana tangkilikin ninyo para naman may pangkilay na ako. Nabubura na eh kakasunog ko sa paggawa ng mga story. hehehe

Follow me at FB- wattpad-yumi para sa reservation form.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon