Kabanata 22

12K 590 49
                                    

"Magandang umaga." Nakangiting bati ko kay Isabella ng makita ko siya sa hapag-kainan.
"Hello Cat. Ang saya mo yata." Puna nito sa akin.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga matatalim na tingin ni Nicolo sa akin.
"Tayo ay mamamalengke para sa iyong sinampalukan."
"At adobo..." Bulong ni Nicolo.

"Sinampalukan lamang, Nicolo. Hindi ba at susunduin mo si Antonia ngayon?"
Natawa si Patricio na nakikinig pala sa amin.
"Ahhh...are you making her jealous when I was talking to you yesterday over the phone?" Tanong ni Patricio kay Nicolo.
"He what?" Tanong rin ni Isabella.
"Hay, mga kulang sa kabutihang asal. Ako'y narito sa inyong harapan ngunit kung mag-usap talaga kayo ay iyong lenguahe na hindi ko naiintindihan."
Umikot ang mga mata ni Nicolo.

"Gusto ko ng adobo, Muning." Wika muli niya.
"Sino ang tinatawag mong pusa?" Naiinis na tanong ko.
Aba't, hambalusin kita ng baso sa ulo, lintik na lalaki na ito.
Nagtawanan si Isabella at Patricio.
"Ang ibing sabihin kasi sa tagalog ng Cat ay pusa." Paliwanag ni Isabella. "Uy, may endearment."
"Tumigil ka nga." Saway ni Nicolo sa kanya.

"Gusto ko ng adobo."
"Paborito ni Matt ang adobo." Sagot ni Isabella.
"Talaga ba? Manok o baboy?" Tanong ko.
"Sawa... adobong sawa ang gusto nun." Sabat ni Nicolo.
"Emeged, why Kuya? Are you jealous of Matt?" Tanong ni Isabella kay Nicolo.

Tumayo si Nicolo ng mabilis kung kaya nakayob ang paa ng upuan sa sahig.
"Basta, gusto ko ng adobo. Halika na. Mamalengke na tayo." Sabi niya.
"Hindi ka kasama. Sunduin mo na lang ang hitad mong kasintahan na amoy baktol kapag pinagpawisan." Sagot ko sa kanya.
"Emeged." Wika ni Isabella na tawa nang tawa.

"Ano ang baktol?" Tanong ni Nicolo.
"Third-degree ng putok." Sagot ni Patricio.
"Grave sa levelness." Tumatawa namang sagot ni Isabella.
Ako, kahit hindi ko maintindihan ay nakatingin kay NIcolo na parang nanunuya.
"Ipagluto mo daw si Antonette, Cat." Wika ni Patricio.

Napatingin ako sa kanya na kasing bilis ng agila na may dadagitin.
"Bakit ko sasayangin ang aking lakas at kaalaman sa isang taong mangmang sa buhay na katulad niya? Hindi ko siya pag-aaksayahang paghainan ng aking pinagpaguran. Isa siyang sakit sa lipunan." Naiiritang sagot ko.
"Na edi wow ka. Spanish era version." Tuya ni Isabella sa kapatid.

"Halika na Isabella. Kung ikaw ay tapos ng kumain, may gagawin pa tayo." Tumayo na rin ako at hinintay si Isabella na tumayo na rin.
"Parang wala lang ako dito ah." Wika ni Nicolo.
"May naririnig ka ba? Marahil may masamang kaluluwa sa inyong tahanan na nagpapahiwatig na siya ay makasalanan."

Napasandal si Isabella sa kanyang upuan at nagsimulang tumawa na parang anak ng taga bukid. Maging si Patricio at Nicolo ay tumatawa rin.
"Cat, ako ang kausap ni Kuya kahapon ng sabihin niyang susunduin niya si Antonette. Hindi si Antonette ang kausap niya. Promise." Paliwanang ni Patricio. Itinaas pa nito ang kanang kamay.
Nakangisi si Nicolo ng ako'y matingin sa kanya.
"Gusto ko ng adobo, Muning." Wika niya na parang nanunukso pa.
"Wala akong pakialam." Naiinis na sagot ko.

Mga tinamaan ng lintik ang magkapatid na ito. Ako ba ay isang laruan sa kanilang paningin? Panginoon ko, para akong hangal na nagagalit ng wala namang karapatan.

"Pupunta ba tayong pamilihan o hindi?" Baling ko kay Isabella.
"Sandali lang. Tumatawag si Matt." Wika niya.
"Halika na. Huwag mo ng sagutin." Yaya ni Nicolo.

"Hello Matt." Sinagot ni Isabella ang tawag nito at napaupo naman ako bigla sa upuan.
"Ahh, si Cat... Bakit mo hinahanap?"

"Hinahanap ako?" Tanong ko kay Isabella.
"Isabelle." Umalingawngaw ang sigaw ni Nicolo sa buong bahay.
Napahawak ako sa aking puso at si Isabella naman ay nailagay sa dibdib ang telefono.
"Patayin mo yan o ikaw ang papatayin ko." Babala ni Nicolo.

"Hello Matt, sorry. Si Cat ba? Ahh...ehh..."
Inilahad ko ang aking kamay kay Isabella upang hingiin ang telefono ng hablutin ni Nicolo ang kamay ko at hinahin at patayo.
"Aray ko..."
"Bilisan mo. Magsasarado na ang palengke." Sabi ni Nicolo habang papalayo kami sa hapag-kainan.

"Tulog pa si Cat." Narinig kong wika ni SIabella sa kausap.
"Bye Matt."
Humahangos si Isabella ng maabutan kami na pasakay sa kotse.

"Nasasaktan ako, tampalasan ka." Hinampas ko ang kamay ni Nicolo na parang rehas na nakakapit sa isang braso ko. Binitawan niya naman ako.
"Jusme Kuya. Ang bilis ni Carmi Martin, ano?" Tanong ni Isabella.
"Tumigil ka nga. Nakakabwisit ka." Sagot ni Nicolo sa kapatid. Binuksan ni Nicolo ang pintuan ng kotse.
Nagkatinginan kami ni Isabella.
"Sakay na, Muning." Wika niya na mababakas ang pagkairita.
"Hindi kita maunawaan. Isang sandali ang bait mo sa akin, tapos bigla ka na lang nagagalit. Ano ba ang ginawa kong masama sa iyo?"

Huminga ng malalim si Nicolo. "Sakay na, Cat." Wika niya sa kalmadong tinig.
Hindi ko napigilan na umikot ang aking mga mata bago sumakay. Sinarado ni Nicolo ang pintuan at lumipat sa kabilang panig.
"Kuya, ako hindi mo pagbubuksan?" Tanong ni Isabella sa may likuran.
"Hindi mo ba kayang buksan mag-isa?" Tanong ni Nicolo bago pumasok sa kotse.
"Bakit may favoritism ka?" Tanong ni Isabella ng makapasok na sa kotse.

"Are you jealous, Kuya?"
Heto na naman ang magkapatid na ito. Nag-usap na naman ng hinDi ko nauunawaan.
"Why do you care?"
"Because I haven't seen you act like that." Sagot ni Isabella.

"Maayos naman ang kalagayan ko." Singit ko sa dalawa na ikinatawa ni Isabella.

"If you like her, why not make a move?"
"You don't know what you are talking about, Isabelle."
"I am not a kid, Kuya. And I can see you like her."
"She's not from here..."
Tumaas na naman ang boses ni Nicolo.
"She will leave, eventually." Dagdag nito.
Natahimik si Isabella pansamantala.

"If she can make it, why can't you? She found a way to be here, right? Why can't you find a way to make her stay?"
Nagkibit ng balikat si Isabella at tumingin sa labas.
"Your fears are only limiting you." Bulong nito.

Ako ba ang pinag-uusapan nilang dalawa? Napapadalas ang pagsasalita nila ng Ingles ah. Malapit ko na silang dagukan.

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon