Pagkatapos mag-agahan ay naglangoy ang tatlong magkakapatid sa tinatawag nilang swimming pool. Ako ay nakaupo lamang sa isang upuan malapit sa kanila.
"Cat, hindi ka ba maliligo?" Tanong ni Patricio na walang saplot. Ano ba ang naiisip nila at wala silang saplot sa katawan kung magbabad sa tubig?
"Hindi ako marunong lumangoy at naligo na ako, maraming salamat." Wika ko.
"Hindi ka ba nasasaktan d'yan sa ayos ng buhok mo? Para kang matandang dalaga na nagsisimula ng i-train." Panunuya ni Nicolo. Ano masama sa buhok ko kung nakataas?
"Alam mo, Nicolas," Ganting tuya ko na ikinatawa ng dalawa. "Mas mainam ng tumandang dalaga kaysa magpakasal sa isang lalaking walang paggalang sa mga kababaihan."
"Alam mo Catalina, ang paggalang ay hindi hinihingi kung hindi pinaghihirapan."
"Whoaaaah..." Tukso ng dalawa."Naniniwala ako diyan, kagaya ng pagpapahala sa puri ng isang kababaihan, ang paggalang sa sadyang mahirap makuha. Ngunit sa panahon ngayon mukhang madali na lamang, ano?"
Naningkit ang mga mata ni Nicolo at nawala ang pagngisi.
"Huwag kang judgemental,"
Tinaboy ko ang kanyang sinasabi gamit ang aking kamay.
"Hindi ko nauunawaan ang Ingles.""Palibhasa walang magkakagusto sa iyo. Naiinggit ka ba kay Antonette?" Bumalik na naman ang pagngisi niya.
"Nicolas, hindi ako maiinggit sa kasintahan mo na kapag pinagpawisan daig pa ang amoy ng magsasaka sa lakas ng baktol ng kili-kili. Wala ka bang panlasa at hindi mo nalalasahan ang baho ng hininga niya kapag hinahalikan mo siya? Ay panginoon ko,"
Totoo na ganoon si Antonia ngunit hindi ko alam kung ganoon pa rin siya ngayon.Nagtawanan ng husto ang dalawa at si Nicolo ay umahon sa tubig at palapit sa akin.
"Ikaw," Wika nito na walang kahit isang ngiti sa labi.
Dahil sa nabasa ko sa tala-arawan ni Patricio na pananakit ni Nicolas noon, may naramdaman akong kaunting takot ng malapit na si Nicolo sa akin. Nahinto siya sa paghakbang ng mapaurong ako sa upuan na may takot sa mga mata.
"Hindi kita sasaktan, Cat. Kung makaiwas ka naman." Wika nito.
Kinakabahan akong tumayo palayo kay Nicolo."Maiwan ko muna kayo." Nagmamadali akong pumasok sa kanilang tahanan at nagkulong muli sa aklatan.
Ginugulo ni Nicolas maging ang isipan ko sa panahon na ito at hindi sa mabuting paraan.
Naghihintay sa akin ang isa pang tala-arawan na hindi ko alam kung kanino. Naupo muli ako sa malambot na upuan at sinimulang basahin ang tala-arawan.
Walang masyadong detalye ang tala-arawan. Halos hindi ko rin mabasa ang mga nakasulat dahil bukod sa malabo na ang papel, ang iba ay parang mga numero lamang. Sa pagitan ng mga pahina ay may nakaipit na isang liham. Maingat na binuklat ko iyon at binasa.
Isasakatuparan ko ang ating balak at mapapasaiyo muli ang iyong mana.
Napakaikli naman ng sulat na ito. Kanino galing? Ano mana?
"Catalina," Bulyaw ni Nicolo sa harapan ko at sa sobrang gulat ay napilas ko sa dalawa ang liham.
"Panginoon ko, nasira ang liham!" Nahihingtakutan kong pinulot ang kalahati ng liham na nabitawan ko.
"Ano ang ginagawa mo dito at nagbabasa ka ng hindi sa iyo?" Nakapamewang siya sa harapan ko at naghihintay ng paliwanag.
"Tinakot mo ako, Nicolo. Hinahanap ko ang sagot sa mga tanong ko." Wika ko habang pinagdidikit ang dalawang parte ng liham.
"Ano ba ang mga tanong mo at," Kinuha nito ang tala arawan at binuklat. "Kasing luma ng style mo ang binabasa mo?""Kahit hindi kita naiintindihan ay alam kong nanunuya ka." Walang pag-asa na maibabalik ko ang liham ng walang pandikit. "Alam mo ba kung saan ko mababasa ang nanagyari sa mga Montemayor?"
"Ha? Bakit sa akin mo tatanungin eh angkan nyo yun." Pilosopong sagot nito.Naupo si Nicolo sa tabi ko at kinuga naman nitoang mga libro ng larawan na tinitingnan ko kahapon. Binuklat niya iyon atnagsimulang magtawa.
"Kahawig mo ito," Tinuro niya ang unang larawan na hanggang tiyan ko lamang angkita.
"Ako iyan eh." Sagot ko.
"Hindi nga? Baliw ito." Nagpatuloy siya sa pagbuklat at napahito ng makita anglarawan ni Nicolas.
"Iyan si Nicolas Del Castillo."
Dahan-dahan binuklat muli ni Nicolo ang libro at tumunghay sa kanya ang larawannamin ni Nicolas. Nahinto siya at pinakatitigan ang larawan hanggang samaduling siya dahil sa sobrang lapit nito sa kanyang mukha."Sino ang mga ito?" Tanong niya habang nakatitig sa larawan.
"Si Nicolas Del Castillo nga at ako noong panahon ng aming kasal." Sagot ko.
Nanlalaki ang mata ni Nicolo na tumingin sa akin kung kaya kinuha ko ang librosa kanya.
"Heto si Isabella at Patricio." Itinaas ko ang mga larawan sa kanya at namutlasi Nicolo.
"At ang mga magulang ninyo." At itinuro ko sila Ginoong Santiago at GinangLuciana."Paanong? Naku nga, Cat. Tigilan mo ako." Binaba niya ang libro ng larawan.
"Kung hindi ka naniniwala ay hindi kita pipilitin. Marahil ay is aka sananiniwala sa multo sa aming lupain kung kaya ikaw ay namutla ng sabihin kongako ang nasa larawan."
"Hindi ako takot sa multo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga? Sige nga at patunayan mo. Samahan mo ako saaming tahanan."Nangilid ang luha ko ng maalalang nasunog ang ilang bahagi niyo.
"Arkitekto ka, hindi ba?"
"Kakatapos ko pa lang, Catalina."
"Maari mo bang gawin muli an gaming tahanan at ibalik sa dati? Iyon na lamangang mayroon ako sa panahon na ito. Wala na ang aking mga magulang." Hindi akoiiyak sa harapan ni Nicolo upang kaawaan."Buhay pa ang mga magulang mo." Giit niya.
Umiling ako. "Wala na sila sa panahon na ito. Alam mo ba kung saan silanilibing? Bakit mayroon pang Montemayor gayong kinasal ako kay Nicolas?Nag-iisa akong anak at gayun din si ama kung kaya wala ng magdadala ng amingapelyido. Bakit mayroon pa ring Montemayor?"
"Hay, Catalina. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo. Tumigil ka nga." Saway niNicolo sa akin."Tama, sa sementeryo dapat ako magpunta." Tumayo ako at muling napaupo nghilahin ni Nicolo ang kamay ko pabalik ng upuan.
"Aray,"
"Hindi ka aalis. Ano ba yang mga sinasabi mo? Sinapian ka ba? Nabagok talagayang ulo mo." Pigil ni Nicolo sa akin.
"Hay, bakit panay ka tanong kung hindi ka naniniwala?" Nagsisimula na kongmainis.
"Sino ang matinong taong maniniwala sa iyo?""Nag-aaway na naman kayo?" Tanong ni Isabella mula sa pintuan.
"Itong kaibigan nyo, nababaliw na." Wika ni Nicolo.
"Ayaw niyang maniwala na ako ang nasa larawan at galing ako sa ibang panahon."
Napakamot ng ulo si Isabella na pumasok sa silid-aklatan.
"Uhmm, Kuya, parang ganoon nga yung nangyari." Sabi ni Isabella sa kapatid.
"At naniwala ka sa kanya?" Maang na tanong ni Nicolo."Maghanap ka ng papeles na may kapanganakan ni Nicolas, Patricio at sasabihinko kung kailan sila pinanganak." Hamon ko sa kanya.
Naningkit ang mata ni Nicolo at tumayo. Pumunta siya sa likod ng lamesa at maykinuha sa caja de hierro. Isa itong lumang libro.
"Sige, simulant mo." Sabi niya."Si Nicolas Del Castillo ay ipinanganak noong quince de Mayo mil ochocientos sesentay siete."
Binuklat ni Nicolo ang libro at napahinto pansamantala sa binabasa.
"Si Patricio?" Tanong niyang muli.
"Si Patricio Del Castillo ay ipinanganak noong veintiocho de Febrero mil ochocientos sesentay nueve."
Napaupo si Nicolo sa upuan sa malapit sa lamesa.
"At si Isabella Del Castillo ay ipinanganak noong diez de Marzo mil ochocientoso setenta y uno."
"At ikaw? Sino kang muli?"
"Ako si Catalina Montemayor." Wika ko.
"Ikinasal si Catalina kay Nicolas Del Castillo noong June 20, 1890."
"Kailan?" Naguguluhang tanong ko.
Isinulat ni Isabella ang petsa na sinabi ni Nicolo at nanlamig ang katawan kong ipakita niya iyon. Ilang buwan lamang iyon buhat ianunsyo ang aming kasal."Cat?" Nag-aalalang banggit ni Isabella sa aking pangalan.
"Ayaw kong magpakasal kay Nicolas." Wika ko kay Isabella.
Ayaw ko sa kanya. Tulungan ninyo ako.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Ficción históricaWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...