"Manang," Sigaw ni Nicolo sa may hapag kainan.
Napapikit ako kasama ng kanilang tagapag-silbi na nasa kusina.
"Sabi sa iyo, maselan sa kape yang si Señorito." Paninisi ni Manang bago lumabas ng kusina."Sino ang gumawa ng kape?" Narinig kong tanong ni Nicolo.
"Papalitan ko na lang." Sagot ni Manang.
"Sinabi ko bang palitan? Tinatanong ko lang kung sino ang gumawa." Masungit na sagot ni NIcolo.
"Si Catalina ang gumawa ng kape."Aruy, Panginoon ko. Isinumbong na ako.
"Si Cat? Nasaan si Cat? Pahingi pang kape, Manang."
Napahinga ako ng maluwag. Pumasok si Manang sa kusina dala ang tasa ni Nicolo.
"Ako na Manang ang magdadala." Kinuha ko sa kanya ang tasa at sinalinan muli ng kape.Maaga akong nagising para magluto ng agahan. Gumawa ako ng kape dahil hindi ko ibig ang kape na ginagawa nila. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila pinapakuluan ang mga buto ng kape. Hinahalo lamang nila ang durog na buto sa mainit na tubig. Hindi masarap sa aking panlasa.
"Ang aga mong nagising, Cat." Puna ni Nicolo sa akin. Nilapag ko ang tasa ng kape sa harapan niya.
"Thank you," Sagot niya. "I mean, salamat."
Tumango ako at umupo sa kaharap na upuan. "Gusto mo ng kumain?"
Napahinto sa paghigop ng kape si Nicolo.
"Nagluto ako ng agahan." Wika ko.
"Nagluto ka? Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nicolo.
"Oo. Marunong akong magluto, maglaba, maglinis ng bahay, mamili sa mercado."
Natawa ng bahagya si Nicolo."Ibig kong pagsilbihan ka tanda ng aking pasasalamat." Seryosong wika ko.
"Para saan?" Naguguluhang tanong ni Nicolo.
"Dahil hindi ba, pinangako mon a ako ay iyong tutulungan."
Kumunot ang noo ni Nicolo. Panginoon ko, nakalimutan na niya.
"Tuturuan moa kong kumilos ng naayon sa gawi sa panahon na ito, hidni ba? Nangako ka kahapon."
"Ahh... Seryoso ka ba?" Tanong nito sabay higop ng kape.
"Oo na naman. Kaya para makabawi ako sa iyo, pagsisilbihan kita."
Natawa na naman ng bahagya si Nicolo. "Bahala ka, Cat.""Perfecto." Saad ko.
"Ipaghahain na kita. Saglit lamang." Tumayo ako at dali-daling nagtungo sa kusina. Nakamaang naman si Manang sa akin dahil sa bilis ko marahil sa pagkilos.Payak lamang ang aking niluto. Gumawa ako ng pan de sal at suman habang tulog pa ang ibang tagalingkod. Hinintay ko lamang na magising si Manang upang turuan ako sa hurno. Pinakialaman ko ang kanilang kusina sapagkat hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang kulay ng mata ni Nicolo.
Hinainan ko si Nicolo ng pan de sal, itlog, suman at queso na hindi ko alam kung paano naging queso dahil kulay manila-nilaw ito hindi gaya ng queso noon sa amin."Ang dami naman nito." Angal ni Nicolo habang kumukuha ng pan de sal.
"Sige lang. Kumain ka lamang." Wika ko.
"Parang kakaiba ang pan de sal. Saan nabili ito?" Tanong ni Nicolo kay Manang ng madaan ang matanda sa hapag kainan.
"Ginawa iyan ni Cat. Ayaw niya daw ang nabibili sa panaderya at maliit." Sagot ni Manang.
"Ha? Anong oras ka bang nagising?" Tanong ni Nicolo sa akin.
"Sapat lang upang makapagluto ng agahan." Sagot ko.Hindi nga ako nakatulog. Sumpain yang pagtitig mo. Hindi ako sanay sa ganyang pakikipag-usap.
"Nicolo, maari mo ba akong samahan sa aming lupain ngayon?" Tanong ko.
"Sigurado ka?"
Tumango ako bilang sagot.
"Okay," Sagot niya. Aking napag-alaman na ang ibig sabihin ng okay kung minsan ay oo.
"Salamat. Sa simbahan muna tayo domain bago sa amin. Magpapalit na ako ng damit." Wika ko at iniwan si Nicolo upang hindi na makatanggi.Nagbihis ako ng bestida at naghanap ng belo sa tukador ngunit wala. Paano sila nagdarasal sa simbahan kung walang belo? Nag-aalala akong bumaba at hinanap si Manang.
"Manang, ikaw ba ay may belo?" Tanong ko.
"Yung Belo na sabon?"
"Kailan pa naging sabon ang belo? Iyong nilalagay sa ulo."
"Ahh... wala. Sa kasal na lang ginagamit ang belo." Sabi nito."Cat,"
Natingin ako sa aking likuran. Naroon si Nicolo na nakakunot ang noo.
"Nicolo, wala akong belo. Paano akong magdarasal sa simbahan?" Nag-aalalang tanong ko.
"Bakit kailangan mo ng belo para magdasal?"
"Iyon ay tanda ng paggalang." Paliwanag ko.
"Hindi na iyon ginagawa ngayon."
"Ngunit Nicolo," Pamimilit ko.
"Ang alam ko mayroon dati si Lola. Halika, hanapin natin." Hinawakan ni Nicolo ang kamay ko at hinila papunta sa hagdanan.Bigla kong nabitawan ang kanyang kamay ng may maramdaman ako.
"Naramdaman mo iyon? Parang may tumulay sa aking kamay na hindi ko mawari."
Nakakunot naman ang noo ni Nicolo sa akin.
"Sumunod ka na lang." Sabi niya.
Ano ang tawag doon?
Nakatingin ako sa aking kamay habang naglalakad kasunod ni Nicolo.Binuksan niya ang isang pintuan sa pangalawang palapag at pinapapasok ako. Tinaasan ko siya ng kilay dahil kami lamang dalawa ang nasa silid.
"Pumasok ka na, Cat. Iiwan kong bukas ang pintuan." Sabi niya. Dahan-dahan akong pumasok sa silid. Binuksan ni Nicolo ang bintana at tumambad sa akin ang lumang kama sa gitna ng silid.
"Kaninong silid ito?"
"Sa lolo't lola ko." Sagot niya.Binuksan ni Nicolo ang mga tukador at hinalungkat ang laman hanggang sa makakita ng belo at ibinigay sa akin.
"Salamat." Inabot ko ang belo at nagtama muli an gaming kamay. Naroon na naman ang kakaibang kilabot na tumulay sa aking kamay.
"Nararamdaman mo ba?" Naitanong ko tuloy sa kanya.
"Fucking static electricity." Bulong niya ngunit hindi ko maunawaan ang kanyang sinabi."Halika na, lumabas na tayo." Naunang lumabas ng silid si Nicolo. Yakap ko ang belo ng kanyang abuela habang naguguluhan kung ano nga ba ang naramdaman ko kanina.
Hay Panginoon, panibagong pangyayari na naman na gugulo sa aking isipan ito.
"Cat, bilisan mo." Sigaw ni Nicolo.
Bigla-bigla ay nayamot ako sa kanya. Wala na, nawala na ang mga tanong ko tungkol naramdaman ko sa iyo, Nicolo.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...