Punyeta...
Bakit wala akong makita? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit...
"Gising ka na pala?"
"Antonia..." nanggigigil kong wika. "Nasaan ako?"
"Bakit amo alam na ako si Antonia?" tanong niya. Nakuha mo pang itanong.
"Bukod sa amoy baktol ka..."
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. Putang-ina... napapamura ako ng wala sa oras.
"... hindi ka katalinuhang nilalang. Nagsalita ka kaya at alam ko ang boses mo."
"Ganoon?" nanunuyang tanong nito. Tinanggalan niya ako ng piring.
Bakit madilim? Tiningnan ko ang paligid... Tubig ba ang naririnig ko?
"Nasaan ako?"
Biglang tumawa si Antonia na parang nababaliw.
"Ang balita ko ay takot ka sa tubig."
"Hindi ako takot sa tubig sapagkat naliligo ako. Ikaw itong hindi naliligo at..."
Isang sampal muli ang dumapo sa aking mukha.
"Palagi mo akong nilalait." Wika niya.
"... hindi ako ang amoy baktol." Pagtatapos ko sa pangungusap na gusto kong sabihin.
"Aking naringgan na hindi ka marunong lumangoy." Wika niya na parang nawawala na sa katinuan.
"Nang dahil sa iyo ay lumayo si Nicolas sa akin."
Kahit madilim at hindi ko maaninang ang buong paligid at nababanaag ko naman si Antonia na nasa aking harapan. Bigla akong kinabahan ng gumalaw ang upuan at doon ko lamang namalayan na nasa isang bangka kami. Kusang naubos ang aking dugo mula sa aking mukha dahil sa kaba. Naramdaman ko rin ang pamamanhin ng buo kong katawan at parang kay bigat ng aking mga paa. Bakit ako nakatali naparang suman?
"Nang dahil sa kasakiman mo ay hindi na kami mabubuhay ng maalwa. Tinanggalan siya ng mana ng dahil sa iyo." Sigaw ni Antonia sa akin.
Wala akong pakialam sa inyo. Ilang oras ba akong malang malay tao bakit madilim na?
"Nang dahil sa iyo ay hindi ko na mahahagkan ang kanyang mga labi..."
Panginoon ko, nababaliw na si Antonia. Iligtas ninyo po ako.
"At ngayon ay maglalaho ka... maglalaho ka at hindi na muling lilitaw pa." pagpapatuloy nito.
Ikaw ay naglaho at walang nakakaalam kung saan ka napunta.
Mas higit akong kinilabutan sa mga sinasabi ni Antonia. Hindi kaya... siya ang may kagagawan kung bakit ako nawala sa panahong ito ayon kay Patricio?
"Ibalik mo ako sa pampang, Antonia. Ngayon din." Pilit kong pinatatag ang aking boses.
"Hindi mo ako alipin. Maaring mas mataas ang antas mo sa akin sa lipunan ngunit hindi mo ako alipin." Sagot ni Antonia sa akin.
"Mamatay ka ngayon, Catalina at ang boses ko ang huling maririnig mo habang unti-unti kang nauubusan ng hininga."
"Ibalik mo ako sa pampang. Antonia..." sigaw ko ngunit para siyang hibang. Tuluyan na nga siyang nabaliw.
"Tulong."sigaw ko. Nagsimula ng lukubin ng takot ang aking dibdib.
Lumapit si Antonia at may kung anong ipapasak na tela sa aking bibig. Sa takot at galit sa kanya ay inuntog ko ang aking ulo sa kanya. Gumuhit ang sakit sa aking sentido ngunit mas napasigaw si Antonia.
"Tampalasan ka." Wika nito at hindi na sampal ang ginawa sa akin kung hindi suntok sa panga.
"Punyeta ka, Antonia." Napasigaw ako sa sakit at nabuhal sa kinauupuan. Gumalaw ng bahagya ang Bangka at napahiga ako. Doon ko naramdaman ang mga bato na nakakabit sa aking likuran. Nakatali rin ang mga ito.
"Mamatay ka na." sabi niya.
"Mamatay ka na, Catalina." Sigaw niya.
Hinawak ako ni Antonia sa ulo at pilit na itinayo. Hindi ko alam na may ganitong lakas si Antonia.
"Antonia, ibalik mo ako sa pampang." Pilit kong isinisigaw. Tuluyan nan gang napasak ang tela sa akin ng makatayo kami sa bangka. Nanginginig ang mga tuhod ko habang lumalakas ang pag-uga ng bangka.
"Paalam, Catalina." Wika ni Antonia.
Itinulak niya ako sa tubig at dahil sa mga baton a nakakabit sa aking katawan ay mabilis akong lumubog.
Catalina, iwasan mo ang mapahamak. Dahil sa oras na ikaw ay mapahamak dito, hindi ka na makakapunta sa makabagong panahon gaya ng hiling ni Nicolo.
Panginoon ko, hindi na ako makakapunta sa hinaharap. Tulungan ninyo ako.
"Hanggang sa muli, Catalina..." sigaw ni Antonia.
"Ay, hindi ka na nga pala babalik pa." dagda nito at pahina nang pahina ang kanyang boses habang palubog ako ng palubog sa lawa.
"Hanan... tulungan mo akong mabuhay." Sigaw ng aking utak.
Hanan... tulungan mo akong mabuhay. Tulungan moa kong mabuhay.
Nauubusan na akong ng hininga. Nagsisikip na ang aking dibdib at nagdidilim na ang aking paningin.
Panginoon ko, si Nicolo ay naghihintay sa akin.
Sa pagpikit ng aking mga mata, sa pagbitaw ng aking huling hininga... may isang kamay ang umabot sa akin. Nakakapagtakang nawala ang mga lubid na kanina lamang ay nakatali sa akin.
"Cat," mahinang bulong nang kung sino man ang nag-ahon sa akin mula sa tubig.
Ngunit huli na... binitawan ko na ang aking buling hininga.
Nagising ako sa maliwanag na silid. Kulay puti ang paligid at may kung anong maskara ang nasa aking ilong. May karayom sa aking kamay at para akong nanlalambot dahil hindi ako makagalaw.
"Cat," wika ng babae sa aking tabi.
"My God, thank you Lord." Sabi nito. Umiiyak siya habang nakadukmo sa kama at hawak ang aking kamay.
"Nasaan ako?"
"Ano? Sandali anak, hindi kita maintindihan. Tatawagin ko ang mga doktor."Anak? Kailan ko siya naging ina?
Pinagmasdan ko muli ang paligid at doon ko lamang naunawaan na asa hinaharap na ako. Nakabalik ako ngunit sa tamang panahon ba? Nasaan si Nicolo?
Bumukas ang pintuan at may mga doktor na lumapit sa akin. Nagtatanong sila ng mga bagay na hindi ko maunawaan. Sinundot-sundot nila ang aking pisngin, tiningnan ang ilalim ng mata. Pinadila at tinutukan ng nakakasilaw na liwanag.
"Si Nicolo?" tanong ko.
Natingin sila sa akin at ang babaeng nagpakilalang aking ina. Mukhang hindi nila ako maintindihan kung kaya minarap kong alisin ang maskara mula sa aking ilong.
"Huwag mong tanggalin, Cat."
Ngunit hindi ako nakinig at pilit kong tinanggal iyon. Mas lalo akong hindi makahinga habang may kung anong nakatakip sa aking ilong.
"Si Nicolo?" tanong ko ng mas malinaw.
"Tatawagan ko si Nicolo. Sige na anak, hayaan mong ibalik ng nurse ang oxygen mask mo." Ang wika ng babae.
Tatawagan nila si Nicolo. Nasa tamang panahon ako. Nagtagumpay kami. Nakabalik ako.
Ngunit bakit ganoon? Bakit inaantok ako at napipikit ang aking mga mata? Huwag, huwag ninyo akong patulugin.
Nagising muli ako na may mga tao na nag-uusap sa paligid.
"Cat, nandito sila Nico, Patrick at Isabelle." Wika ng babae.
Hindi pala ako nanaginip. Nandito talaga ako sa hinaharap. Muli kong tinanggal ang maskara sa aking ilong at hindi na ako pinigilan ni ina. Nais kong umiyak ng makita silang tatlo. Nakatingin lamang sila sa akin at hindi ako nais na lapitan.
"Iiwan ko muna kayo. Bibili ako ng pagkain. Kayo muna ang magbantay kay Cat."
Hinintay kong makaalis si ina bago ako nagsalita.
"Tinawid ko ang kamatayan upang makabalik rito, ngunit heto ka, ni ayaw lumapit sa akin." Wika ko kay Nicolo.
"Nagbago na ba ang iyong pasya, Nicolo?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Nicolo at napasinghap si Isabella.
"Muning?"
"Ako nga." Nakangiting sagot ko.
Nag-unahan ang tatlo sa paglapit sa akin ngunit si Nicolo ang yumakap nang mahigpit.
"Nakabalik ka... pagkatapos ng isang taon, nakabalik ka, Muning." Bulong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...