Nagising muli ako sa maliwanag na ilaw.
"Do not move." Wika ng isang babaeng nakaputi. Nilalagyan ako ng karayom sa kamay. Nanlalambot ako, ano ang nangyayari?
"Ano ang masakit sa iyo?"
"Ang ulo ko." Sagot ko.
Hindi ko alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan muli ako ng malay at nagising sa hindi pamilyar na silid."Cat," Tawag ni Isabella sa akin.
Nakaupo siya sa isang kama at may tubo na nakakabit sa kanyang kamay kagaya ng sa akin.
"Okay ka na ba?" Tanong niya. "Masakit pa ba ang ulo mo?"
Pinakiramdaman ko ang sarili ko.
"Kaunti," Sagot ko. Pinilit kong umupo ngunit may kamay na pumigil sa aking balikat. Si Nicolas.
"Huwag ka munang gumalaw. Magpahinga ka lang." May pag-aalala sa kanyang mga mata."Ano ang nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Nahulog ka sa hagdanan kanina at nawalan ng malay. Nagising ka ng saglit ngunit nawala ka ulit ng malay so we decided to take you to the hospital." Sagot niya at hindi ko naintindihan ang huling sinabi.
"We tried to call your parents but for some reason, we can't reach them so we leave a message and an email." Sabi niya pa.
"Hindi ko naintindihan. Magtagalog ka lamang, pakiusap." Nanlalambot na wika ko.Natingin si Nicolas sa kanyang kapatid bago nagsalita muli.
"Tinatawagan namin ang magulang mo pero hindi namin macontact. Nag-e-mail na lang kami at sinabi ang nagyari sayo." Paliwanag ni Nicolas.
"Hindi ko pa rin maunawaan ang ibang salita na iyong binitawan. Ano ang e-mail?"
"Grrr... Cat, ano ba? Nangti-trip ka ba?" Naiinis na tanong ni Nicolas."Magandang umaga." Wika ng babaeng nakaputi na pumasok sa silid namin.
Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya. Siya ang nagpakilalang si tala.
"Kamusta ang iyong pakiramdam, Catalina?" Tanong niya.
"Tala, ipaliwanang mo ang nangyayari sa akin? Hindi ko sila maunawaan." Pinilit kong bumangon at hinawakan ako ni Tala sa balikat upang kalmahin
"Pwede mo ba kaming iwanan sandali?" Tanong ni Tala kay Nicolas.
Nakangiti siya dito at walang nagawa si Nicolas kung hindi lumabas ng silid."Huminahon ka." Utos ni Tala sa akin.
"Magandang araw, Binibing Isabella." Bati niya kay Isabella na nakamasid sa amin mula sa kabilang kama.
"Ano ba ang sabi ko sa iyo? Mapupunta ka sa panahon na itinakda sa iyo. Nasa hinaharap ka. Kung ayaw mong ipatapon sa lugar ng mga baliw, kumalma ka." Pangaral ni Tala.
"Ipagpaumanhin mo, Binibining Isabella. Ang iyong kaibigan ay naguguluhan lamang." Tugon ni tala kay Isabella na nanlalaki ang mata."Ngunit Tala, paano ako mabubuhay dito? Anong wika ba ang ginagamit nila? Hindi sila marunong mag-espanyol at ang kanilang tagalog ay hindi ko maunawaan kung minsan." Naguguluhang tanong ko.
Bumuntong hininga si Tala at naupo sa upuan sa pagitan namin ni Isabella.
"Marahil ay kailangan mo nga ng tulong. Nariyan si Binibining Isabella para tulungan ka.""Sandali nga. Bakit nasama ako? At hindi Isabella ang pangalan ko, Isabelle." Giit ni Isabella.
"Ikaw si Isabella Del Castillo sa una mong buhay." Saad ni Tala na mas lalong ikinalaki ng mata ni Isabella.
"At ito si Catalina Montemayor na nanggaling sa nakaraan. Ang Catalina na iyong kilala ay nasa kanyang katauhan ngunit ipagpalagay na nating tulog siya ngayon. Ang nasa iyong harapan ay ang Catalina sa una niyang buhay. Magkaibagan kayo at..." Hindi natapos ni Tala ang sasabihin dahil nawalan ng malay muli si Isabella.
"Panginoon ko, bakit kay hilig ninyong mawalan ng malay tao?" Bulong ni Tala at pumitik. Si Isabella ay nagising at luminga sa paligid."Huwag mo akong takasan ng ulirat at gagawin kitang dilat sa buong isang linggo." Babala ni Tala kay Isabella.
"Sino ka ba?" Nahihintakutang tanong ni Isabella.
"Si Tala nga. Panginoon ko. Bakit kay purol ng mga tao ngayon?" Naiinis na sagot ni Tala.
"Makinig ka Isabella at wala akong pasensya sa tanga. Ito si Catalina, galing sa nakaraan. Bago ka magtanong, making ka." Pigil ni Tala sa sasabihin ni Isabella.
"Gaya ng sabi ko, ang Catalina na modern ay tulog sa katauhan niya. Magkaibigan kayo buhat sa una ninyong buhay at naririto si Catalina dahil sa isang hiling. Ngayon, maari mo ba siyang tulungang mamuhay dito sa panahon na ito ng hindi siya pumanaw? Iba ang panahon na pinanggalingan niya at masasabi kong ignorante si Catalina sa maraming bagay.""Hindi ka naman masakit magsalita, ano, Tala?" Naiiritang tanong ko.
"Masakit ang katotohanan kung minsan, Catalina." Tumayo si Tala at pinagpagan ang suot na puting uniporme.
"Pwedeng magtanong?" Itinaas ni Isabella ang kaliwang kamay na walang tubo.
"Maari, Binibini."
"Isa lamang bang misyon kung bakit nandirito si old Catalina? Babalik din ba ang dating Cat na kilala ko?" Tanong ni Isabella.
Tumango si Tala. "Babalik si Cat na iyong kilala sa oras na bumalik si Catalina sa panahon niya pagkatapos niyang makuha ang sagot sa kanyang mga katanungan. Huwag ka na rin magtangka na ikwento sa iba dahil wala namang maniniwala sa iyo Isabella." Sagot ni Tala.
Tumango si Isabella ngunit parang takot pa rin siya sa nangyayari."Huwag kang umakto na parang timang, Catalina. Mahihirapan akong ilabas ka sa ospital ng mga baliw at makakadamay ka pa ng ibang inosenteng tao. Hanggang sa muli, Catalina. Nariyan lamang si Mateo sa tabi-tabi. Makikita mo siya sa oras na handa ka na." Ngumiti si Tala kay Isabella at lumabas ng silid.
Natahimik naman kami ni Isabella. Gusto ko mang pagsisihan ang gulo na pinasok ko ngunit huli na. Kailangan ko na lang panindigan ang aking pasya.
"Galing ka talaga sa nakaraan?" Bulong ni Isabella sa akin.
"Ganoon na nga, Isabella." Wika ko.
"Bakit ka nagpunta dito?" Bulong na naman ni Isabella. "Patay ka na ba? Nagmumulto ka lang? Sumapi ka ba kay Cat?"
"Ano? Hindi ako patay. Panginoon, buhay ako, Isabella. Natulog nga lamang ako, at nagising na naririto na. May hinahanap lamang ako na kasagutan sa aking katanungan." Paliwanag ko.
"Ano ba kasi ang nangyari bakit napunta ka dito?" Umayos ng upo si Isabella at naghihintay ng paliwanag ko."Gusto kong maunawaan kung bakit hindi ako kayang ibigin ng isang tao na pinaglaanan ko ng panahon." Wika ko sa kanya gaya ng sinabi ko kay Tala.
Napanganga si Isabella. "May nanlako sa iyo kaya gusto mo siyang gantihan?"
"Hindi... Hindi sa ganoon."Bumukas ang pintuan at pumasok si Nicolas at Patricio.
"Aba, gising kayo ah. Ano, himatayin ulit? Parang payborit nyo eh." Hindi ko man maunawaan ang buong sinasabi ni Patricio ngunit sa himig niya ay mukhang nang-iinis ito.
"Patricio," Tawag ko sa kanya.
"Patrick! Patrick, Cat... Patrick," Mukha siyang nahihirapan na magpaliwanag na maestro kung makalamusak ng kanyang mukha.
"Kailan ka pa naging Patrick? Bueno, hindi ba at isa kang doktor?" Tanong ko.
Napalaki ng bahagya ang mata ni Patricio. "Isa akong law student." Wika niya.
"Ano?"
"Nag-aaral sa pagka-abugasya." Walang ganang sagot ni Nicolas."Hindi ba, doktor ang gusto mong kuhanin?" Mahinang tanong ko.
Lumapit si Patricio sa akin. "Paano mong nalaman?" Mahinang tanong niya. "Wala naman akong sinasabihan ng pangarap ko."
"Sinabi mo sa akin iyan noon. Kaya nga sinabi kong pagbutihan mo at ipaglaban." Sagot ko sa kanya."Si Cat ka ba talaga?" Nagtatakang tanong ni Patricio sa akin at iniwan ako.
"Ano ang sabi ng nurse sa iyo? Mabuti at kumalma ka na." Wika ni Nicolas sa akin.
"Nicolas," Banggit ko.
"Nico. It's Nico. Isa pang Nicolas mo, Catalina, ipapatapon kita sa bahay na matanda doon sa lupa ninyo." Pagbabanta niya.
"Ano na ang itsra ng aming tahanan sa aming lupain? Bakit hindi ako doon tumuloy? Bakit sa inyo ako nakikitira? Wala na ba an gaming mga muchacha doon?" Sunod-sunod na tanong ko."Haha... Cat, tama na. Masyado ka ng convincing. Tigilan mo na yang trip mo. Nanalo ka na." Pinanlakihan ako ng mata ni Isabella. Ano ba ang sinasabi nito.
"Pinaalalahanan ka na ni Nurse Tala di ba?" Higit pang lumaki ang mata ni Isabella sa akin.
"Umayos ka na. Sa bahay na lamang tayo mag-usap."Ahhh, naiintindihan ko na. Panginoon ko, bakit kay hirap unawain ng kanilang pananalita?
"Nico..." las. Bakit ba nagagalit kayo sa akin?
"Ako ay magpapahinga na muna ngunit ako ay nauhaw. Mayroon bang mapapagkuhanin ng inumin? Marahil sa batalan ay mayroon. Maari bang pakikuha ako kahit isang basong tubig man lamang?" Pakiusap ko kay Nicolas.
"Para tayong nasa Linggo ng Wika, Cat.Tigilan mo yang kakatagalog mo. Magdudugo na ang ilong ko." Biro ni Patrico at inabutan ako ng tubig na nasa garapon.Bakit ganito ang garapon nila? Malambot? At manipis?
Inagaw muli ni Patricio ang garapon at binuksan ang maliit na kulay bughaw na takip at muling ibinigay sa akin. Hindi ako marunong uminom sa ganito kaliit na butas ngunit bahala na.
Sinubo ko ang buong butas at saka itinungga. Naubo ako, punyeta. Nalunod ako ng hindi lumulubog sa tubig.
"Bigyan mo na nga lang ng baso, baka malunok pa ang bote nyan." Naiinis na utos ni Nicolas sa tumatawang si Patricio.
Hay, maging sa panahon na ito, masama ang ugali mo sa akin, Nicolas.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Ficción históricaWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...