Kinagabihan ay hinintay ko si Nicolo sa aming hardin. Tumakas ako papanaog at hinintay ang lalaki nilalaman ng aking puso. Nakaupo ako sa aking paboritong upuan sa ilalim ng puno. Natatakpan ang upuan niyo ng mga puno ng gumamela kung kaya hindi lantad sa mga tagasilbi ang aking pwesto. Nakatingin ako sa bilog na buwan at wala sa loob na tinawag si Mayari.
"Bakit ka nag-iisa?" tanong niya na ikinagulat ko.
"Paumanhin, nagulat ba kita?" nakangiting wika niya. "Maari bang umupo?"
Nahihiya akong tumango sapagkat nakalimutan ko na ang kagandahang asal at hindi siya niyayang umupo.
"Mag-iingat kayo, Catalina. Hindi biro ang ginawa ninyo kanina."
Napatingin ako kay Mayari at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"May mangyayari bang masama, Mayari?"
"Mangyayari ang dapat mangyari, Catalina." Makahulugang sagot niya.
"Kailan ako babalik sa hinaharap?"
"Kapag nangyari na ang na dapat mangyari." Sagot niya.
Naguguluhan na naman ako.
"Mayari, maari bang magtanong?" Nahihiyang wika ko sa kanya.
"Ano iyon, Binibini?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Ano ang pakiramdam ng... makalimutan?" bulong ko sa huling salita.
Natingin si Mayari sa malayo. Nalunod bigla sa aking tanong.
"Malungkot." Sagot niya.
"Malungkot ang mapaglipasan ng panahon. Malungkot ang makalimutan ng mga taong minsan ay sinamba ka. Isang araw, nangyari na lang na nakalimot sila." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy.
"Naisantabi kami ng nagkaisa ang paniniwala. Nalimutan ng mga tao an gaming ginawa. Ang mga hiling na natupad. Ang mga bulong sa buwan at pangarap. Madaling makalimot ang mga tao. Sa dinami-rami ng aming nagawang maganda, nagawa pa rin nilang kalimutan ang mga ito."
Malungkot na ngumiti si Mayari.
"Hindi ko sinasabing hindi totoo ang pinapaniwalaan ninyo. At hindi ko rin maalis na nagbabago ang panahon kasabay ang paniniwala. Gaya mo, Catalina. Hindi ba nabago ang pananaw mo kay Mateo pagkalipas ng panahon?"
"Kung ganoon ay malilimutan din nila ang pagkawala ko paglipas ng panahon." Wika ko kay Mayari.
"Masyado mong ginugulo ang iyong isipan sa mga bagay na wala kang kakayahang pigilan. Hayaan mong mangyari ang dapat na mangyari. Magtiwala ka sa hiling na ginawa ni Nicolo. Magtiwala ka sa pagmamahalan ninyong dalawa."
"Isa sa dahilan kung bakit ko tinulungan si Nicolo ay dahil hindi ka niya makalimutan. Isa sa mga bagay na hinahangaan ko sa isang tao. Kakaunti na lamang ang mga taong hindi nakakakalimot, Catalina." Wika pa ni Mayari.
"Marami ba kayo?" tanong kong muli. Nagkibit ako ng balikat upang hindi niya mahalata ang aking kaba.
"Marami kami. Ang iba ay naghihintay lamang na maalalang muli. Ang iba naman ay kuntento na sa pagiging tahimik." Sagot ni Mayari.
"Paano, mauna na ako. Narito na ang iyong kasintahan. Mag-iingat kayo, Catalina."
Tumayo si Mayari at naglakad patungo sa dilim. Maya-maya ay humahangos naman si Nicolo na palapit sa akin.
"Kanin aka pa, Muning?" bulong niya.
"Hindi naman. Ayos ka lamang ba?"
Hinihingal pa rin si Nicolo ng maupo ito sa tabi ko.
"Galit na galit ang ama ni Nicolas sa akin."
"Mag-iingat ka, Nicolo. Binilinan din ako ni Mayari kani-kanila lamang na mag-iingat tayo."
"Wala iyon, Cat. Huwag kang mag-alala. May mga tao pa ba sa paligid?" luminga-linga si Nicolo at naghanap ng mga tauhan.
"Wala na yata."
Nabigla ako ng yakap niya ako.
"I missed you, Muning. Kahapon pa kitang gustong yakapin." Wika niya.
Namumula akong itinulak ng bahagya si Nicolo.
"Baka may makakita sa atin." Bulong ko sa kanya.Hinawakan niya ang aking kamay at ikinulong iyonsa kanyang dalawang palad.
"Muning, napag-isip-isip ko kanina, hindi ba makasarili ang aking ginawa nahiningin na mapunta ka muli sa hinaharap?" tanong niya na may takot sa mgamata.
"Hindi ko inalala na may buhay ka rito at marami kang bibitawan..."
"Ang tanging pinanghihinayangan ko ay ang aming tahanan na hindi makakaligtassa sunog. Ang aking magulang ay lilisan rin sa pagdaan ng panahon at maiiwanlamang akong mag-isa." Matapat na sagot ko sa kanya.
"Ako ay may pakiwari noon pa na hindi ako nababagay sa panahon na ito. Ang isipko ay hindi matikom ganoon din ang aking bibig. Masyado kong hinahangad angkalayaan na makapagsalita na wala sa panahon na ito."
Napabuga ng hininga si Nicolo na parang pinipigilan niya ang paghinga kaninapa.
"Mabuti naman, Muning. Pangako, ibabalik ko ang bahay ninyo sa dati." Saad niya.
"Lubos akong matutuwa kung maibabalik mo ito." Wika ko.
"Arkitekto ang kasintahan mo, Muning, baka nakakalimutan mo." Tukso ni Nicolosa akin.
"Hintayin mo ako, Nicolo. Hintayin mo akong magbalik sa iyo."
"Oo naman, Cat. Pagbalik mo, magpapakasal na agad tayo."
Natawa ako ng bahagya sa kanya mga sinabi.
Umuwi ka na kali, baka mapahamak ka sa daan." Taboy ko sa kanya.
"Hindi ito ang panahon mo at walang mga ilaw sa daan."
"Okay. Magkita tayo bukas. Kunwari ay sinusuyo kita na huwag ng magalit pa."natatawang wika niya.
"Oo na. Huwag ka lamang magbanggit ng tungkol kay Antonia at hindi ka namasasampal." Biro ko.
"Selosa. Sige, mauna na ako." Sabi niya ngunit bago tuluyang tumayo ay hinagkanniya ang aking mga labi.
"I missed that lip."
Kusang namula ang aking mukha sa kanyang kapangahasan.
"Te amo," bulong niya. Tumayo si Nicolo at patalikod na naglakad. Nakaharapsiya sa akin habang palayo.
"Pumasok ka na sa loob." Bilin niya bago nawala sa dilim.
Napapailing akong tumayo at maingat at naglakad papanik sa aming tahanan. Sanaay tulog na si ina at mga katiwala.
Pagpasok ko sa akin silid at kusang lumawak ang aking ngiti. Hindi ko napigilanang aking pagtili kung kaya nagtakip ako ng unan. Nakatulog akong iniisip angmga labi ni Nicolo. Parang katutulog ko lamang ng marinig kong nagkakagulo angmga tao sa labas ng aming bahay. Inaantok akong bumangon at sumilip sa labas.May mga tauhan na nagkalat sa hardin na may dalang mga sulo. Biglang nawala angantok ko at nagmamadaling lumabas.
"Catalina," tawag ni ina na mukhang nag-aalala.
"Ano ang nangyayari, ina?" tanong ko.
"Panginoon ko," nagilid ang mga luha ni ina.
"Nawawala raw si Nicolas, anak." Wika niya.
Ang una kong naisip ay baka nagbalik na si Nicolo sa kanyang panahon.Nanlalambot akong napaupo sa upuan at tumanaw sa labas.
"Ang sabi ng mga tauhan ay nakita pa raw nilang lumabas si Nicolas mula saating lupain." Saad ni ina.
"Ako ang pinuntahan niya ina. Nang... hihingi ng paumanhin sa nangyari." Pagsisinungalingko.
"Anong oras na ba? Kanina pang alas-otso iyon." Wika ko.
"Alas quarto pa lamang ng madaling araw, Catalina. Bumalik ka na sa iyongsilid." Utos ni ina.
Bakit ganoon, kinakabahan ako?
"Muchacha," tawag ni ina sa isang tagalingkod na dumaan sa aming harapan.
Huminto ito at kamuntikan na akong masamid ng lumingon si Tala.
"Senyora," bati niya.
"Ihatid mo sa silid si Catalina," utos ni ina.
Dali-dali akong tumayo at naglakad patungo sa aking silid. Tahimik na sumunodsi Tala sa akin.
"Ano ang nangyayari, Tala? Bumalik na ba si Nicolo sa hinaharap?"
Mga ilang segundong nakatingin si Tala sa akin bago umiling.
"Siya ay tunay na nawawala, Catalina." Sagot ni Tala na nakapanlumo sa akin.
"Panginoon ko," usal ko at tumulo ang luha na hindi ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...