Hinatid ako ni Nicolo sa aming tahanan. Nakangiting binate siya ng aking ama at ina.
"Mabuti at nagkakamabutihan na kayo," tukso ni ama.
"Suyuin mo at nang hindi na hinilingin na iurong ang inyong kasal." Dagdag pa nito bago kami iwan ni Nicolo sa veranda.
"Hiniling mo na iurong ang kasal?" tanong ni Nicolo sa akin.
"At ngayon ay parang siyang-siya si ama dahil akala niya ay ikaw si Nicolas." Nagngingit-ngit na wika ko.
"Oh... kailangan ko pa lang gumawa ng eksena. Kakausapin ko ang mga magulang ko upang ipatigil ang kasal." Wika niya habang nakangisi.
"Baka mahalata ka nila." Bulong ko.
"Hindi iyan. Ako pa. Ipapahamak ba kita, Muning?"
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi niya."Paano kung bumalik si Nicolas at mahuli ka?"
"Aalis ako bago pa siya makabalik. Hihintayin kita sa hinaharap."
"Paano ako pupunta roon?" Naguguluhang tanong ko.
"Sa tamang panahon daw." Sagot niya.
"Ang mahalaga ay magkakasama tayong dalawa. Kung maari nga lang na dito sa panahon mo, ngunit ilang taon na lamang ay magkakaroon na ng digmaan. Hindi ligtas na maparito tayo."
Nakatingin si Nicolo sa aking mukha kung kaya ako ay nahiya at nag-iwas ng tingin.
"Napano ang pisngi mo, Muning? Para kang may pasa."
Napasinghap ako at hinawakan ang pisngi na sinampal ni Nicolas kahapon.
"May nanakit ba sa iyo?" tanong niya.
Nagdadalawang-isip ako kung magsasabi ako ng totoo o hindi. Sa huli ay nanaig ang kagustuhan kong maging matapat kay Nicolo.
"Si Nicolas."
"Ano ang ginawa ng gago na iyon sayo?" may galit na tanong niya.
"Nagtalo kami kahapon. Nalaman niya na hiniling kong ipatigil ang kasal." Paliwanag ko.
"Sinampal niya ako ng ako ay sumagot sa kanya."
"Walang hiyang iyon. Tang-ina, nasaan iyon?"
"Shhh... huwag kang magtungayaw. Mabubuko ka." Pilit kong pinahinahon si Nicolo.
"Umuwi ka na."
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Dadaanan kita bukas." Wika niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Mamamasyal." Sagot niya.Tumingin muna ako sa likuran bago sumagot kay Nicolo.
"Hindi ba dapat ay nakikita tayong nag-aaway?"
"Hindi kita aawayin, Muning. Gusto nga kitang halikan ulit e." sagot niya na ikinapula ko agad.
"Namimiss ko na ang mga labi mo." Dagdag niya pa.
Nagtago tuloy ako sa likuran ng abaniko dahil sa hiya.
"Huwag kang magtangka, Nicolo. Kapag tayo ay nakitang hinahagkan mo, ipapakasal tayo ng wala sa oras." Babala ko sa kanya.
"E di okay." Nakangiting sagot niya.
"Pangalan ni Nicolas ang dadalin ko at hindi sa iyon. Mag-isip ka."
Nawala ang ngiti ni Nicolo.
"Kakausapin ko talaga ang aking mga magulang, err ang mga magulang ni Nicolas at ipapatigil ang kasal." Sabi nito na ikinailing ko.
"Sige na, umuwi ka na. Alam mo ba ang daan pauwi?"
Ngumisi si Nicolo. "Ako pa ba? Meron akong driver. Kita tayo bukas, Muning. Mahal na mahal kita."
Pilit kong itinago ang ngiti ko. Kinagat ko ang aking labi upang hindi makita ang aking mga ngipin. Baka makita pati ang aking tinaok-tilaukan dahil sa kilig na aking nararamdaman.
"Ingat ka." Bulong ko.
"Ay hindi ako aalis hanggat hindi mo ako sinasabihan ng I love you."
Ay ano ba, Nicolo.
"Ingles na naman iyang sinasabi mo."
"Te amo. Sabihin mo, bilis ng makauwi na ako." Wika niya.
"Te amo." Bulong ko at sumilay ang napakagandang ngiti kay Nicolo.
"Kinikilig ako." Sagot niya na ikinatawa ko ng mahina.
"Ingat ka, Nicolo."
Tumango siya at pumanaog na sa hagdanan. Naghihintay sa kanya ang karuwahe. Mukha siyang nasisiyahan na tinitigan ang mga kabayo bago siya sumakay dito. Pilyo talaga, sa isip-isip ko.Masaya akong nakatulog kinagabihan at mayroon akong ngiti ng ako ay gumising. Maaga pa lamang ay gumayak na ako. Kailangan kong magpunta sa simbahan upang humingi ng tulong sa Maykapal. Ako ay lilisan sa panahon na ito. Iiwanan ko ang lahat para sa lalaking iniibig ko.
"Catalina, narito si Nicolas." Wika ni ina sa may pintuan ng aking silid.
Kay aga naman niya. Akala ko ay mamaya pang hapon siya paparito.
Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin. Nagpahid muli ako ng polbo bago lumabas.
"Magandang umaga, Catalina." Bati ni Nicolo sa akin.
Kung tititigan mo siya ay wala siyang ipinagkaiba kay Nicolas sa panlabas na itsura. Taglay nila ang iisang mukha. Ngunit ang puso ko ay kilala kung sino siya.
"Magandang umaga, Ginoo." Magalang na sagot ko.
"Nais kitang samahan sa iyong pagpunta sa simbahan. Tayo ay may mahalangang pag-uusapan. Ipinagpaalam na kita sa iyong ina na sa bahay mananatili maghapon."
Nakangiti si ina habang nakikinig sa amin. Hay, ina, hindi iyan si Nicolas. Kung alam mo lamang kung gaano kasama ang ugali ng isang iyon.
"Ipagkakatiwala ko si Catalina sa iyo, Nicolas." Sagot ni ina.
"Opo. Mauna na po kami Ginang Montemayor." Magalang na sagot ni Nicolo.Inalalayan ako ni Nicolo papanaog ng hagdanan.
"Maganda ang bahay ninyo." Bulong niya sa akin habang palabas kami ng aming lupain.
"Ayos lamang bang maglakad tayo? Hindi ako marunong mangabayo, shit." Wika niya na ikinatawa ko ng bahagya. Lumingon ako sa aming tahanan. Isa ito sa aking hahanap-hanapin sapagkat wala na ito sa hinaharap.
"Muning, nakausap ko na nga pala ang mga magulang ni... Nicolas. Galit na galit ang kanyang ama kagabi sa mga sinabi ko." Natatawang pagkukwento ni Nicolo.
"Panginoon ko, ano ang ginawa mo?" kinakabahang tanong ko.
"Ang sabi ko ay hindi na tayo magpapakasal."
"Ano ang sinabi mong dahilan?"
Nagkibit siya ng balikat. "Na hindi kita mahal."
Nawala ang ngiti ko at nagdadabog akong naglakad palayo sa kanya.
"Teka lang Cat, syempre hindi totoo iyon. Ito na man." Hinabol ako ni Nicolo at hinawakan ang kamay upang tumigil ako sa paglalakad. Nakatingin ang ibang tao sa amin. Hindi niya alintanan ang magkadaupang palad namin.
"Susundan ba kita rito kung hindi kita mahal? Syempre palabas lang iyong sinabi ko. Grabe ka naman. Nagagalit ka agad." Paliwanag niya. Oo nga pala, siya si Nicolas sa mata ng lahat.
Huminga ako ng malalim bago binawi ang aking kamay sa kanya.
"Sasabihin mo kasi ang balak mo sa akin. Huwag mo akong binibigla." Wika ko sa kanya.
"Heto na nga at sinasabi ko. Huwag kang magwalk-out kasi." Sagot niya.
Ano ang walk out?
"Iyon na nga. Kailangan nating kausapin ang mga magulang ni Nicolas at ang mga magulang mo at kumbinsihin na hindi natin mahal ang isa't-isa." Pagpapatuloy ni Nicolo sa mga plano niya.
"Kung si Nicolas ang kaharap ko ay madali iyan. Pero kung pupungayan mo ako ng mata Nicolo sa tuwing magkakaharap tayo, mahihirapan ako." Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya ng bahagya.
"Ay Muning, ang aga mo akong pinapakilig, bebe love. Halika na nga sa simbahan at ng maiharap na kita sa altar."
"Puro ka kalokohan, Nicolo."
"Hindi kita niloloko. I can't believe I am actually proposing in the middle of the streets." Bulong niya.
"At huwag kang mag-ingles." Pagbabawal ko sa kanya.
"Muning, may nakapagsabi ba sayo na ang ganda-ganda mo lalo sa panahon na ito?" bulong ni Niclo sa akin habang naglalakad kami.Panginoon ko, anong pagpipigil pa ang kailangan kong gawin sa lalaking ito? Labis akong napapangiti at kay hirap pigilan.
"Nicolo..."
"At ako ang magiging pinakamasayang lalaki kung pakakasalan mo ako."
Napahinto ako sa paglalakad at natingin sa kanya. Nakangiti siya ng ubod ng tamis sa akin.
"Alam kong hindi dito ang panahon natin, Muning. Naghihintay ang iyong sing-sing sa hinaharap. Gusto ko lamang malaman mo na ikaw ang binibini na susundan ko kahit saang panahon ka pa dalin ng iyong tadhana. Mahal kita Muning. At hindi ako makapaniwala na sa daan talaga ako nagpropose sa iyo." Nakangiting wika niya kaya sumilay na rin ang ngiting kanina ko pa pinipigilan. Inipit ko tuloy ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga na kumawala sa pusod. Mabuti at nakapusod ako, baka maapakan ninyo ang buhok ko, pakiiwasan na lang.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...