Mabilis lumipas ang mga araw kapag masaya ang damdamin ng isang tao. Hindi ko nga namalayan ang pag-alis nila Isabella papuntang Maynila. Ngayon ay heto muli sila nila Patricio at nakabalik na sa kanilang tahanan.
"Hay, sembreak. Sana naman bagalan mo ang araw." Wika ni Isabella na dinig ko mula sa hagdanan.
"Hello, Muning. Kamusta ang tagu-taguan ninyo ni Kuya?" Tanong nito.
"Mabuti naman ako, Isabella. Kamusta ang pagsusulit?"
"Ayun, nganga." Sagot nito."Nasaan si Kuya Nicolo?" Tanong niya.
"Umalis at may kakausapin daw na cliente." Sagot ko.
"Okay. Kasi, arrrggghhh papatayin ako ni Kuya." Wika niya.
"Ano ba ang iyong sinasabi? May nangyari bang hindi maganda sa iyo?"
"Hindi... Pero... ay bahala na nga." Sagot nito at binuksan ang dalang...tampipi. Hay, ano nga ba ang tawag nila dito? Maleta?"May nagpapabigay sa iyo."
Inabot ni Isabella ang isang kahot na mukhang gawa sa salamin ngunit magaan. May mga mumunting bola sa loob ng kahon na nababalot sa palarang kulay ginto.
"Ano ito?"
"Chocolate. Galing kay..." Luminga si Isabella sa paligid bago bumulong. "...Matt."Bigla akong kinabahan at parang may malamig na tubig na dumaloy sa aking likuran.
"Pinabibigay niya lang sa akin. Sabi ko kasi wala kang telephone kaya hindi ka matatawagan." Paliwanag niya.
"Masarap yan. Tikman mo. Ferrero. Pero huwag mong ipakita kay Kuya Nicolo. Pero nasa iyo kung sasabihin mo."
"Bakit...ako bibigyan ni Mateo ng... ano nga ang tawag mo dito?" Sinundan ko si Isabella papanik sa hagdanan papunta sa kanyang silid."Chocolate. Tsokolate sa tagalog. At hindi ko alam bakit ka niya binigyan. Itanong mo na lang kapag nagkita kayo." Sabi nito.
Oo nga pala, malapit na ang pagtitipon."Kayo na ba ni Kuya?" Tanong niya.
"Kami na ang alin?" Naguguluhang tanong ko.
"Magkasintahan na ba kayo?"
Sa tanong ni Isabella ay bigla akong namula. Bukod sap ag-uusap na madalas namin gawin at paglalakad sa dalampasigan ay wala naman kaming napapag-usapan tungkol sa aking tagong damdamin para sa kanya.
"Hindi." Maikling sagot ko.Napabuntong hininga si Isabella.
"So slow this brother of mine." Bulong niya at saka humarap sa akin.
"Kainin mo yan sa harapan ni Kuya. Alukin mo din siya. Gusto nya yan." Mungkahi ni Isabella.
"Siya nga ba?" Naguguluhang tanong ko.
Tumango si Isabella at nahiga sa kama.
"Sige iwanan na kita at baka pagod ka. Mamaya na lang."Iniwan ko si Isabella sa kanyang silid ako nagkulong sa silid-aklatan dala-dala ang tsokolate na bigay ni Mateo.
Mga limang minuto, ay hindi, samping minuto ko ng tinititigan ang kahon ng mapagpasyahan kong buksan na ito at tikman. Ako ay nahihiwagaan kung ano ang ito.
Maingat kong binuksan ang gintong palara at tumambad sa akin ang kulay kahot na bola. Inamoy-amoy konpa kung taokolate nga. Hindi naman ganito ang itsura ng tableya.
Kumagat ako ng kaunti at kumalat sa aking panlasa ang matamis at kakaibang pait ng tsokolate. Isinubo ko lahat ang maliit na bola ng tsokolate at nasisiyahang ngumuya.
Napapangalahati ko na ang laman ng kahon at mukhang hindi ko matitiran si Nicolo. Kumuha pa ako ng isa at isinubo ito ng bumukas ang pintuan at pumasok si Nicolo. Agad siyang ngumiti ng makita ako ngunit kumunot ang noo ng makita ang hawak ko.
"Kanino galing iyan?" Tanong niya.
"Inabot sa akin ni Isabella. Gusto mo ba?" Alok ko sa kanya. Umiling si Nicolo kaya pinagpatuloy ko ang pagkain.
"Pinaabot daw sa kanya ni Mateo para sa akin." Dagdag ko.
"Ano?" Biglang tumaas ang boses ni Nicolo. "Kanino galing?"
"Kay... Mateo." Ulit ko."Putang... " Manilis na lumakad si Nicolo at kinuha ang tsokolate.
"Uy teka, kinakain ko pa."
Pigil ko sa kanya ng tangkain na itapon sa basirahan ang tsokolate ko.
"Sasakit ang tiyan mo." Sabi niya. Hinawakan ko sa braso si Nicolo at para akong bata na naglambitin dito para mapigilan lang.
"Gusto ko iyan. Walang ganyan sa panahon ko."Napatigil si Nicolo at tumingin sa akin.
"Ibibili kita. Huwag ito."
Napalaki ang butas ng ilong ko.
"Sayang kasi."
"Wala akong pakialam. Bakit mo ba kasi tinanggap?"
"Ano ang masama?" Tanong ko sa kanya.
"Lahat..."
Initsa ni Nicolo sa basurahan ang mga tsokolate na ikinainit ng ulo ko."Palitan mo iyan."
"Oo na. Papalitan ko. Mas marami pa." Sagot niya.
"Magkalinawan mga tayo, Muning. Huwag ka ng tatanggap ng kahit ano na galing kay Matt."
"Ano ang masama? Nagmagandang loob ang tao, masamang tumanggi." Katwiran ko.
"Eh kung may gusto sayo iyon?"
"Siya nga?" Manghang tanong ko."Halika na nga. Kagulo mong kausap." Sabi nito. Iniwan akong nakatayo sa gitna ng silid.
"Ako pa ang magulong kausap? Ikaw itong biglang nagagalit." Sumbat ko sa kanya.
"Ang manhid mo kasi." Sigaw ni Nicolo."Ako?" Naguguluhang tanong ko. Napahawak ako sa aking puso.
"Ano ang iyong batayan upang paratangan ako ng mga bagay na ganyan?"
"Nagtanong ka pa! Oo ikaw. Manhid ka. Halika na... Bago pa ako tuluyang matuyuan ng pasensya." Yaya niya sa akin. Nakabukas na ang pintuan at hinihintay niya na lamang akong gumalaw.
"Hindi... mag-uusap tayo. Bigla ka na lang nagagalit kapag nababanggit si Mateo. Ano ba ang problema mo ha?"
"Nagseselos ako." Sigaw ni Nicolo.
"Maliwanag na ba sayo?"Ah... eh... Hala, ang puso ko ay lumundag.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...