Sa kakatago ko kay Mateo upang hindi ko siya maharap sa tuwing nagpupunta siya sa bahay, nagpapanggap ako parating masama ang pakiramdam. Alam ko namang mali, kaya siguro natuluyan akong magkasakit.
Ayon sa doktor, namamaga raw ang aking lalamunan.
"Kakakain mo yan ng chocolate." Wika ni Nicolo. Nasa silid ko siya at kasalukuyan akong pinapagalitan.
"Huwag ka ng dumagdag sa sakit ng ulo ko." Reklamo ko sa kanya.
Naupo siya sa tabi ko na ikinabigla ko.
Panginoon ko, nasa silid kami. At kami lamang dalawa.
"Sorry Muning. Hindi na muna kita ibibili ng chocolates." Wika niya.
Nakayakap siya sa akin patagilid at tinatapik ako sa balikat na parang sanggol.
"Nasa silid kita, Nicolo. At nasa aking kama." Paalala ko sa kanya.
"Huwag kang malisyosa, Muning. Pinapatulog lang kita." Sagot ni Nicolo.
Nahiya ako bigla... Ako pa ang malisyosa? Sa bagay sa panahon nila ay wala sa kanila ang ganito. Maaring magsama ang isang babae at lalaki sa iisiang silid at malinis pa rin ang puri ng babae sa paningin ng nakakarami. Bakit sa panahon ko ay iba? Makita lamang ang sakong ay kahiya-hiya na.
"May ibibigay nga pala ako sa iyo."
Inabot ni Nicolo ang isang telefo mula sa kanyang bulsa.
"Hindi nga lang bago pero magagamit mo naman. Para may sariling kang phone. Magsisimula na kasi akong magtrabaho at mamimiss kita." Wika niya.
"Hindi ko alam gamitin."
"Ganito lang..."
Tinuruan niya ako kung paano gamitin ang telefono. Kumuha pa nga siya ng larawan namin gamit ito at inilagay niya iyon sa likuran ng mga maliliit na imahe.
"Ayan, para alam nila kung para kanino ka." Wika niya.
"Pagaling ka Cat.Hindi ako sanay ng hindi ka matabil."
"Hindi ako matabil." Kaila ko.
"Hindi na. Hindi na. Pahinga ka lang. Huwag mong tatawagan si Matt." Babala niya.
"Hindi ko alam kung paano siya matatawagan."
"Mabuti." Bulong ni Nicolo sa akin.
Sa kakatapik ni Nicolo sa balikat ko, mas nauna pa siyang nakatulog sa tabi ko.
"Paano akong babalik sa panahon ko kung maiiwan kita?" Malungkot na tanong ko sa kanya.
Kaya yata ako nagkasakit ay dahil sa pag-iisip ng mga mangyayari. Aminin ko man sa sarili ko o hindi, si Nicolo ang siyang pumipigil sa akin sa lahat. Ang damdamin kong unti-unting umuusbong para sa kanya ay hindi ko na mapigilan. Paano na ako nito?
"Nicolo," Inuga ko ng bahagya ang kanya balikat upang magising. Ngunit sa halip na gumising ay lalong nagsumiksik siya sa akin.
"Matulog ka na, Muning." Bulong niya.
"Umalis ka sa silid ko."
"Shh, huwag kang maingay." Inaantok na sagot niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya sa aking balikat. Subalik ang makulit na nilalang ay idinantay ang hita sa akin at ginawa akong parang unan. Hindi ako makagalaw. Nakatingala ako sa kisame habang naglalaro sa isip ko ang mga nangyayari. Ano na ang gagawin ko?
Nagising ako ng hapon na iyon na wala si Nicolo sa tabi ko ngunit naamoy ko siya sa aking mga unan. Nalulungkot akong kinuha ang unan at inamoy-amoy iyon. Hay, ang bango. Malayong-malayo sa amoy ng mga tao sa panahon ko.
"Bakit kaya hindi ako ang amuyin mo kaysa yang unan?"
Napasigaw ako ng bahagya ng marinig ko ang boses ni Nicolo sa may pintuan.
"Panginoon ko, bakit ka ba nanggugulat?"
Nakangisi siya pumasok at naupo muli sa tabi ng kama. Tumataas-baba pa ang mga kilay niya na ani mo'y nanunukso.
"Mas mabango yata ang leeg ko kaysa sa unan, Muning." Tukso niya na ikinapula ko. Bakit ba kasi hindi kumakatok ang tampalasan na ito?
"Naghihigab lang ako kung kaya nagtago ako sa unan." Kaila ko.
"Uh-huh... Kaya pala sumisinghot ka ng matagal sa unan." Wika pa niya at saka tumawa.
"Ang cute mo. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
Ano ang cute? Heto na naman siya sa mga salitang hindi ko maunawaan.
"Mabigat ang katawan ko. Maari bang dumito na lamang ako sa silid?"
"Kawawa naman si Muning." Para akong bata na inakbayan ni Nicolo at ipiniling ang ulo sa balikat niya.
Nang gabi iyon ay nakatunghay ako sa bintana at nakatanaw sa kawalan. Nalulunod ako sa mga suliranin ko na ang isip ko naman ang may gawa. Ang daming bakit na tanong sa aking isipan. At dumadagdag pa ang mga tanong na PAANO.
Tahimik ang bahay ng bandang maghahating-gabi kung kaya naririnig ko sa aking silid ang tunog ng gitara at mahinang pag-awit ni Nicolo sa kanyang silid.
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggangHindi ko alam kung bakit ako naiiyak dahil saawitin. Parang ang lungkot. Parang ang bigat. Huwag kang umiyak, Catalina. Kasalanan mo iyan. Wika ng isip ko.
Kinabukasan, maaga akong pinuntahan ni Nicolo sa aking silid.
"Muning, may pasok na ako. Maiiwan na kita dito pansamantala."
Ngayon ba ang simula ng trabaho niya. Marahan akong tumango.
"Kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang mag-utos sa mga katulong." Bilinniya.
Marahan muli akong tumango.
"At, huwag kang sasama kay Isabelle."
"Bakit?" Balik na tanong ko.
"Dahil kasabwat siya ni Matt at ayaw kong magkita pa kayo." Sagot niya.
"Ni Isabella?" Biro ko na ikinakunot ng noo niya.
"Ni Matt."
"Ahhh. Hindi ba makakabuti sa akin kung ako ay mahahanginan sa labas?"
"Hindi. Maraming hangin sa loob ng bahay, huwag kang lalabas ng wala ako." Mabilisna sagot ni Nicolo na ikinatawa ko ng bahagya.
"Kung ganoon ay humayo ka na at baka ikaw ay mahuli." Pagtataboy ko sa kanya.
"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."
"Oo na."
"Muning,"
"Oo na, Nicolo. Hindi ako lalabas ng bahay. Hindi ako sasama kay Isabella. Hindikita iisipin sa maghapon, makakaasa ka."
"Alam ko naman na mamimiss mo ako." Kinurot niya ng bahagya ang pisngi ko bagosiya lumabas ng aking silid at naiwan ang amoy ng kanyang pabango.
"Cat, okay ka na ba?" Tanong ni Isabella ng maabutan ko siya sa hapag kainan.
"Mabigat ang ulo ko."
"Binilinan ako ni Kuya na hiyag kang isama sa kung saan-saan. Gusto mo bangumalis?"
Natawa ako ng bahagya.
"Alam mo naman na hindi ako sumusunod sa kapatid ko." Nakangising dagdag ni Isabella.
"Oh, may cellphone ka na." Wika niya ng ilapag ko ang telefono sa mesa.
"Binigay ni Nicolo." Sagot ko.
"Ahh, ano ang number mo?"
"Hindi ko alam."
Nilahad ni Isabella ang kamay niya at itinuro ang telefono. Inabot ko naman sakanya iyon at hindi ko alam kung ano ang ginawa niya bago niya ito inabot saakin.
"Kayo na ba ni Kuya?"
Naguguluhan akong umiling na ikinatawa ni Isabella.
"So, may pag-asa pa si Matt?"
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang mga dapat kong isagot sakanyang mga tanong.
"Bigay ko ang numero mo sa kanya." Wika nito habang nasa mukha ang telefono.
"Huwag," Pigil ko.
"Nabigay ko na." Nakangising wika niIsabella. "Magandang panoorin kung paano sumabog si Kuya Nicolo sa inis."
Napayuko na lamang ako. Hindi na naman ako tatantanan ni Nicolo ng mga tanong. Maya-mayapa ay may tumatawag na nga sa telefono ko at hindi Nicolo ang lumabas gaya ngitinuro sa akin. Dumukwang si Isabella upang tingnan ang telefono.
"Si Matt yan." Tumatawang wika niya.
"Alam mo bang malalagot tayong dalawa sa kapatid mo?"
"Oo, Cat." Tumatawang sagot niya. "Pero kasi, ngayon lang siya nagkaganyan. Kayanilulubos-lubos ko na." Sagot ni Isabella.
"And besides, si Matt naman talaga ang misyon mo dito di ba?" Paalala niya.
Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag ni Mateo.
BINABASA MO ANG
One Last Wish- Complete
Historical FictionWATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawanan ako ng kapalaran sa aking piniling daan. Ang umibig ba ng tapat ay ganito kasakit? Ako ay susuk...