Kabanata 29

11.3K 564 2
                                    

"Cat,"
"Hmmm?"
"Girlfriend na ba kita?" Tanong ni Nicolo.
Hindi niya ako binibitawan sa pagkakayakap.
"Ang ibig kong sabihin ay... kasintahan na ba kita?"

"Ha? Hindi ka naman nanliligaw." Pilit muli akong kumawala sa kanya. Hinayaan niya akong makawala at nakatayo ng tuwid.
"Hindi mo kailangan ng kahoy na panggatong dahil may kalan sa kusina. Hindi kita kailangang ipag-igib ng tubig, may gripo sa banyo." Katwiran ni Nicolo.
"Hindi ka pa nanghaharana at gumagawa ng tula. Hindi ka nga nagpaalam na manliligaw ka."
Pambihira ka, hindi dahil kinikilig ako ay tayo na.

"Tula?" Manghang tanong ni Nicolo.
Tumango-tango ako. "Tula."
"Hindi ako marunong gumawa ng tula."
Parang bata si Nicolo na gustong magdabog sa kinatatayuan.
"May oras pa upang mag-aral ka. Lalabas na ako at magluluto."
"Teka... huwag mong sabihing ipagluluto mo si Matt?" Tumaas na naman ang boses nito.
"Magluluto ako ng pananghalian."
"Huwag na. Mapapagod ka lang. Sa labas na lang tayo kumain." Sagot niya.

"Nicolo,"
"Ayaw kong maririning ang pangalan ng ibang lalaki mula sa labi mo." Sagot niya agad na ikinangiti ko.
"Kailangan mong maunawaan kung bakit ako napunta sa panahon na ito. Ipaliwanag ko naman sa iyon, hindi ba?"
"Muning, hindi ko gustong unawain. Gusto mo bang kausapin ko si Antonette?"
Naningkit ang mga mata ko sa tanong ni Nicolo.
"Kita mo na, nagseselos ka."
"Hindi ako nagseselos." Kaila ko.

"Kuya, Cat, may bisita kayo." Sigaw ni Patricio mula sa kung saan.
"Sino ang bisita mo? Si Matt?" Tanong ni Nicolo.
"Marahil," Maikling sagot ko.
"Catalina!"
"Hindi mo ako kasintahan Nicolo."
"Hindi ba? Pero sinasabi ko sa iyo Cat, hindi ko gusto na lumalapit siya sayo. Hindi mo kilala si Matt. Kapag ikaw ang sinaktan niya, kahit pinsan ko siya, mapapatay ko iyan." May pagbabanta na wika ni Nicolo.
"Ano ba ang magyayari kung mag-uusap kami?"
"You might fall for him." Sagot ni Nicolo. "When I'm starting to fall in love with you."
Kung sana ay nauunawaan ko kung bakit may kaunting lungkot sa mga mata ni Nicolo.

"Cat, Kuya..." Sigaw muli ni Patricio.
"Halika na, Cat. Titiisin ko na lang ang selos ko. Huwag kang magpapahawak, sinasabi ko sa iyo."
Pilit kong itinago ang ngiti ko at nauna na akong lumabas ng silid-aklatan kay Nicolo.

Una kong napansin si Mateo pagbaba ko ng hagdanan. Hindi ko agad napansin ang isang babae sapagkat nakatalikod ito sa akin.
"Hi, Cat. Chocolates para sayo." Inabot ni Mateo ang tsokolate na kagaya ng pinaabot niya kay Isabella noon.
"And flowers."
Nag-aalangan akong inabot ang tsokolate at bulaklak dahil nararamdaman ko ang titig ni Nicolo sa likod ko.

"Nico, hi honey."
Humarap ang babae at patakbong lumapit kay Nicolo. Si Antonia pala. Sinundan ko ng tingin si Antonia at nagtama ang paningin namin ni Nicolo. Sinapo niya ang kamay ng babae upang hindi siya mayakap nito.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Nicolo kay Antonia.
"Namiss lang kita..." Sagot ng babae.

"Cat, pwede ka bang lumabas ngayon?" Tanong ni Mateo.
"Paumanhin, nasaan ang paggalang ko? Upo ka muna, Matt."
Nangiti si Mateo sa akin at upo. Ako naman ay umupo sa pang-isahang upuan. Nakikita ko sila Nicolo sa gilid ng aking mata.
"Pwede kang lumabas? Manood ng sine? Kumain sa labas?"
"Hindi maari. Masama kasi ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.
Pilinit ko pang umubo upang kapani-paniwala.

"Mag-usap nga tayo, Antonette." Wika ni Nicolo.
Nagmamadali siyang lumabas ng bahay kasunod si Antonia. Hindi ko napigilang sundan sila ng tingin sapagkat masama ang mukha ni Nicolo. Nakasimangot ito at magkasalubong ang mga kilay.

"Magkaaway yata ang dalawa." Sabi ni Mateo ng bumalik ang tingin sa akin.
"Anyway, uminom ka na ba ang gamot?"
Marahan akong tumango.


"Ano yang sinasabi mo?"
Bigla kaming napatingin ni Mateo sa pintuan dahil sa lakas ng boses ni Antonia.
"You are breaking up with me?" Sigaw pa nito.
Natawa ng bahagya si Mateo.
"Ano raw?" Usisa ko.
"Nakikipaghiwalay si Nicolo." Sagot ni Mateo.
Akala ko ba hindi sila magkasintahan?

"Walang tayo, paano akong makikipaghiwalay eh walang tayo. Ang sinasabi ko, huwag ka ng babalik pa." Malakas na sagot ni Nicolo.
"May iba ka na, ano? Sino?" Nagwawalang tanong ni Antonia.
"Sino yang babaeng ipinalit mo sa akin?"

Napalabas si Isabella mula sa isang silid at nagtatakang lumapit sa akin.
"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Isabella.
"Nagwawala si Antonette." Sagot ni Mateo.

"Get out of my property. Leave." Sigaw ni Nicolo mula sa labas.

Isang sandal pa, pumasok si Nicolo sa bahay. Namumula ang mukha at may galos sa braso.
"Kuya, napano ka?" Tanong ni Isabella.
"Wala 'to. Nasa kwarto lang ako." Sagot niya.
Tinitigan niya ako sandal bago naglakap paakyat sa kwarto.

"Nadagdag na naman si Antonette sa listahan ng pinaiyak ni Nico." Wika ni Mateo kay Isabella. Si Mateo lamang ang tumatawa kung biro man ang binitawan niya.
"Nananakit si Antonette?" Napatingin ako kay Isabella.
"Mukhang ganoon na nga. Iwan ko kayo, sundan ko lang si Kuya."Paalam ni Isabella.

Naiwan muli kami ni Mateo sa sala. Naiilang ako sa pagtitig niya sa akin. Inamoy-amoy ko tuloy ang mga bulaklak upang makaiwas ng tingin.
"Pwedeng makuha ang phone number mo, Cat?" Tanong niya.
"Ahhh, ang numero ng telefono ko? Wala ako. Galing ako ng España, hindi ba?"
"Wala ka pang number ng Pilipinas. Hanggang kailan ka ba dito? Babalik ka ba ng Spain?"
"Babalik ako...doon." Sa aking panahon. Balang-araw.
"Siguro, pwede naman kitang puntahan sa Spain, hindi ba?"
"Bakit?" Tanong ko.
"Gusto kita eh." Natawa siya ng bahagya. "Binigyan na nga kita ng flowers. Syempre, manliligaw ako sayo." Sabi niya na ikinabigla ko.

Bakit ganoon. Si Mateo ang ipinunta ko dito sa panahon na ito... pero bakit... walang... kilig? 

One Last Wish- CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon