Chapter 9 - Magazine

3 0 0
                                    

Unti-unti ng nagiging malinaw ang lahat para kay Alexandra at wala syang kinalaman sa pagkamatay ni Stephanie ngunit hindi natatapos ang interes nya na malaman ang tunay na nangyari kay Stephanie at sa totoong pagkatao nito, sinu ang misteryosong babae na nanakot sa kanila ni John at sa pamilya ni Stephanie. Lalo na't sa sinasaad ng liham ni Stephanie kay John na "I know by this time isa na akong malamig na bangkay" parang may pinahihiwatig si Stephanie sa kanyang sinabi na isa sa nakakagulo kay Alexandra "marahil alam na nyang papatayin sya at ni minsan hindi nabanggit ni Stephanie na sya ay magpapakamatay" napatingin si Evanah sa kaibigan "hoy!bakit ka nagsasalita mag –isa mapansin ka ni Prof dyan" hindi na malayan ni Alexandra na nagsasalita na syang mag-isa kaya tinuon nya ang kanyang atensyon sa klase upang hindi nya maisip ang nangyayari sa kanyang panaginip.

Pagkatapos ng klase agad nagpaalam si Alexandra kay Evanah upang maghanap pa ng ibang impormasyon sa pagkamatay ni Stephanie ngayun alam na nya ang buong pangalan ni Stephanie mas magiging madali sa kanya ang magresearch ng tungkol sa kanya, kaya pagdating sa bahay "Hi!Mommy I'm home sa taas lang muna po ako" agad dumeretyo si Alexandra sa kwarto at binuksan ang kanyang laptop para maghanap sa internet ng tungkol kay Stephanie, halos isang oras na ang nakalipas ngunit ni isang account ni Stephanie kahit anung social media walang Stephanie Villaluna ang lumalabas "Hmmm..pati record nya sa social media wala akong makita" sibukan ulit ni Alexandra sa ibang social media account ngunit nabigo sya muli hanggang nagulat sya sa biglang pag-pasok ng kanya mommy "Aba! Stephanie ang kalat naman dito" isa-isang pinulot ng mommy nya ang nakakalat na articles tungkol kay Stephanie at hindi na nya nagawang pigilan "hmmm..tungkol pala kay Stephanie Villaluna ang project mo anak di ba nagpakamatay sya?" napatingin si Alexandra sa pagtataka bakit alam ng kanyang mommy ang tungkol kay Stephanie "yes Mommy sya kasi ang subject ko" habang binabasa ng kanyang mommy ang isang article "Ahh...naku anak mahihirapan ka talaga maghanap ng impormasyon sa kanya kasi pinatigil ito ng isang mayaman businessman sa pagkakaalala ko" habang napaupo sya sa tabi ni Alexandra "Businessman Mommy? Bakit naman?" pilit inaalala ng kanyang mommy ang tungkol dito "wait nabasa ko yung sa magazine ng Tita mo kasi katulad mo crush nya si John Smith, ah!!kasi yung anak nyang babae na obsessed kay John Smith" tahimik na nakikinig si Alexandra sa kanyang mommy "ahhh!!!naku nakalimutan ko anak pero alam ko natago pa yung ng Tita mo mas mabuti sa kanya mo nalang tanungin..hehehe" sa hindi inaasahan ang mommy pa ni Alexandra ang isa sa makakatulong sa kanya para malaman na may isa pang babae ang na obsessed kay John Smith na maaring sya ang nanakot sa kanila at pwedeng pumatay kay Stephanie.

Agad tinawagan ni Alexandra ang kanyang Tita "Hello Tita, si Alexandra po ito" agad naman syang nakilala ng kanyang Tita "Oh!napatawag ka pamangkin may kaylangan ka ba?" tumahimik sandali si Alexandra para pag-ipon ng lakas ng loob "Tita, naalala nyo pa ba yung tungkol sa pagkamatay ni Stephanie Villaluna? Yung dating kinakasama ni John Smith na napabalitang nagpakamatay?" tumahimik sandali ang Tita ni Alexandra na parang nag-iisip "wait pamangkin iniisip ko pa, teka bakit mo nga pala tinatanung" pagtatakang tanung ng kanyang Tita "sa project Tita magre-report po kasi kami about sa mga issues noon na napili namin" tumahimik ulit sandali ang Tita ni Alexandra "naalala ko na pero alam mo pamangkin sa akin paniniwala hindi naman sya talaga nagpakamatay, ang alam ko pinatay sya ng anak nun businessman na obsessed din kay John Smith ngunit hindi ito nabigyan linaw dahil sa mayaman sya nagawa nyang patahimikin ang issue kaya hindi na ito nasundan pa ulit, napabalita na nasa US na ang kanyang anak" nagulat si Alexandra sa sinabi ng kanyang Tita "nasa US so ibig sabihin po nilayo na sya ng kanyang Ama? Sa anung dahilan po" huminga ng malalim ang kanyang Tita bagu magsalita "para makaiwas sa mga intriga dito sa Pilipinas at nang malaman ang pagkamatay ni Stephanie agad syang lumipad papuntang US kaya mas lalong syang napagbintangan"napatango nalang si Alexandra sa kanyang mga nalaman "Yung lang ang naaalala ko pamangkin kung gusto mo ipapadala ko yung mga magazine sa inyo baka makatulong sayu dahil limitado lang ang information tungkol dun" abot-abot ang saya na naramdaman ni Alexandra sa sinabi ng kanyang Tita "sige Tita hihintayin ko nalang po salamat po talaga" tumawa lang ang kanyang Tita "sige ipapadala ko nalang sa pinsan mo mamaya dyan bye pamangkin" tuluyan ng binaba ni Alexandra ang telepono at napahiga  "kung nasa US sya panu nya ako na tatawagan? O sinu yung babae sa meet & greet event?" lalong naguluhan si Alexandra sa mga nalaman "possible din sya ang pumatay kay Stephanie kaya agad syang umalis patungo US?" Maya-maya may kumakatok sa pinto ng kwarto nya "yes mommy pasok po kayu bukas yan" pagbukas ng pinto "ate Alex pinabibigay po ni Mama" napabangon si Alexandra sa kanyang pagkakahiga "Ay!sorry Patrick akala ko si Mommy..and thanks pala" agad umalis ang pinsan ni Alexandra pagkatapos ibigay ang mga magazine na pinangako sa kanya ng kanyang Tita, agad hinanap ni Alexandra ang pahina ng tungkol sa pagkamatay ni Stephanie. "Binggo! Nestor Mondragon ang pangalan ng businessman at ang anak nyang si Natasha Mondragon wait.." agad nagresearched si Alexandra sa pagkatao ng mag-ama "wow!ang ganda pala ni Natasha bakit hindi type ni John Smith??sa bagay iba ang beauty ko hehehe" nagpatuloy syang maghanap hanggang nanglaki ang mata nya sa nakita "Shit!ito pala si Stephanie Villaluna" sa isang pahina pinakita ang larawan ni Stephanie kasama ang kaibigan nyang si Natasha, "magkaibigan pala sila ni Natasha?pero panu naman magagawang patayin ni Natasha si Stephanie?" agad tinawagan ni Alexandra si Evanah para sya ay tulungan, nagmadaling nagpaalam si Evanah sa kanyang magulang na doon sya matutulog sa kanyang kaibigan na si Alexandra.

My literally Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon