Asar na asar si Alexandra kay John kaya nagpasya na siyang pumasok sa kwarto, walang kaalam-alam si Alexandra palihim syang sinundan ni John habang patungo siya sa kwarto, hindi maitatanggi ni John na nahuhulog ang loob nya sa dalaga ngunit alam nyang magiging kumplikado ang lahat kaya kaylangan nyang pigilan. "hmmm...anu merun ka bakit ikaw pa Alexandra".
Napatingin si Alexandra ng maramdaman nyang merun nakatingin sa kanya, ngunit agad naman nagtago si John at bumalik sa living room.Maya-maya lang papungay-pungay na si Alexandra at nagsimula na siyang makatulog.
**Alexandra's Real World**
Pag-gising ni Alexandra agad nyang ginising si Evanah upang sabihin ang kanyang natuklasan ng sinusundan nya si Andrea, halos hindi nakapagsalita si Evanah sa kanyang sinabi "lalo akong naguluhan sa aking nakita Evanah, bakit magkasama si Andrea at Nina?" nagsisimulang magduda ang dalawa kay Nina "hindi kaya magkasabwat sila ni Andrea?" wika ni Evanah na labis na nag-aalala sa mga nangyayari."Bakit hindi natin sabihin kay Ms. Sandra ang tungkol sa nakita mo kagabi?" ngunit hindi ito nagustuhan ni Alexandra dahil wala siyang tiwala kay Alexandra (writer). "hindi ka ba nagtataka kung talagang pinamo-monitor ni Ms. Sandra sila Nina bakit wala siyang sinabi tungkol sa nakita ko?" Napaisip si Evanah sa sinabi ng kaibigan "ngunit bakit naman gagawin ni Ms. Sandra na lokohin tayu?"
"Hindi ko rin alam Evanah, pero mas mabuti mag-ingat muna tayo" pagkatapos mag usap ng dalawa nag pasya na silang bumaba para kumain ng umagahan. Tahimik ang dalawa habang kumakain na napansin sila ng mommy nya na mukhang nag-alala. "Bakit tahimik kayung dalawa? nag-away ba kayu?" nagkatinginan ang dalawa at hindi alam ang kanilang sasabihin "ah!Mommy kasi yung research namin medyo nahihirapan na kami"
"Oo Tita kaya katahimik kami ni Alexandra, medyo nag iisip kami ng dapat namin gawin"
"Naku! mga batang ito...pinag-alala nyo naman ako...ngayun pa ba kayu susuko I'm sure marami na kayung pag hihirap sa project nyo..basta ang importante nagtutulungan kayung dalawa at wag mawawalan ng pag-asa lahat ng bagay may solusyon...tiyaga lang ha" napangiti lang ang dalawa sa sinabi ng kanyang mommy at napag-isip isip nila na tama siya, kaya pinagpatuloy nila ang pagkain, at pagkatapos nag bihis upang pumasok.Nagpaalam na ang magkaibigan, habang naglalakad sila napansin ni Evanah ang hindi pagsasalita ni Alexandra simula ng umalis sila "Alexandra, may probema bakit hanggang ngayun tahimik ka parin?" hindi alam ni Alexandra kung sasabihin nya ang nararamdaman dahil sa naging pakitungo sa kanya ni John Smith.
Ngunit hindi siya tinigilan ni Evanah hanggang sa makarating sila sa school."Evanah, nagkita kami ni John sa condo ni Ms.Sandra alam na nya ang lahat, ang masakit parang wala lang sa kanya" napaluha lang si Alexandra habang nagsasalita siya na pinag-alala naman ni Evanah "ayan na nga ba ang sinasabi ko alam kong darating din itong araw na ito bakit ba naman kasi hinayaan mo ang sarili mong ma-inlove sa kanya"
"Evanah, kung mapipigilan ko lang ang sarili ko bakit hindi, pero wala na akong magagawa kundi ang tanggapin, na hindi naman ako ang mahal nya" nakita ni Evanah ang hirap na nararamdaman ng kaibigan ngunit wala naman siyang magawa kundi ang damayan ang kaibigan."Halika na, alam ko malalapansan mo rin ito basta nandito lang ako para sayu"
"siguro dapat kumilos na tayu Evanah, para matapos na ang nangyayari sa akin at bumalik na sa dati ang buhay natin" inakbayan ni Evanah ang kaibigan at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Tinapos muna ng magkaibigan ang kanilang klase bago ipagpatuloy ang pagtuklas sa katotohanan. "Alexandra, naaalala mo pa ba ang lugar na pinuntahan mo kagabi?"
"Hindi Evanah, madilim yon at nakatuon lang ang isip ko kay Andrea" huminga ng malalim si Alexandra "teka bakit hindi natin subukan kunin kay Ms.Sandra ang address, di ba sabi nya alam nya kung nasaan si Nina?"
BINABASA MO ANG
My literally Dream Guy (Completed)
FantasyA fantasy story of a girl who always fall asleep and dreamt about her Dream Guy wherein unexpected phenomenal occurred were her dreams literally happened in a real world and a chance to be with her dream guy. You gonna love it...Happy Reading F@ll€...