Halos magdidinner na ng nagising si Evanah, papungay-pungay ito habang unti – unti nyang minumulat ang kanyang mga mata, bumungad ang nakatitig nyang kaibigan "anu ba naman yan Alexandra nakakagulat ka!" umupo muna si Evanah habang panay parin ang kanyang unat dahil narin sa haba ng oras ng kanyang tinulog inaasahan nyang mahihirapan syang makatulog mamayang gabi. "Hindi kana nakapag merienda sayang masarap pa naman ang niluto ni Mommy" pag-iinggit na wika ni Alexandra sa kaibigan. Bagamat ng hinayang si Evanah masaya naman syang nakabawi ng tulog matapos syang mapuyat sa pagbantay sa kaibigan "di bale na babawi naman ako mamaya sa dinner hehehe sigurado masarap na naman ang lulutuin ni Tita".Agad bumangon si Evanah para ayusin ang kanyang pinaghigaan at maghilamos. Habang si Alexandra nakaupong nag hihintay parin sa text or tawag ni Nina.
**Nina house**
Nahihirapan makatsempo si Nina para makapagtext kay Alexandra, dahil narin sa paghihigpit ng kanyang Mommy, pati ang cellphone nila magkakapatid ay kinuha para maiwasan na pati sila ay tawagan at takutin ng babae "marahil na nag-aalala na sila Ate Alexandra at Ate Evanah sa akin" bulong nya sa sarili, nag-isip si Nina kung paano nya maibibigay ang number ng babaeng nanakot sa kanila dahil kahit sa paaralan ay bantay sarado sila ng kanyang mommy. "kaylangan makagawa ako ng paraan para maibigay sa kanila ang numero ng babae". Maya-maya narinig nyang may kausap sa cellphone ang kanyang mommy at bakas sa mukha ang takot nararamdaman ng kanyang mommy "wag nyo lang pong idamay ang akin mga anak pangako mananahimik po ako" pagmamakaawa na wika ng kanyang mommy, halos mapaiyak si Nina sa kanyang nasaksihan lalong naging matindi ang kanyang hangarin na maibigay kay Alexandra at Evanah ang numero upang sila ay matulungan. Habang napaupo nalang ang kanyang mommy matapos kausapin ang babae, agad nilapitan ni Nina ang kanyang mommy "mommy, bakit hindi natin isumbong sa pulis?lagi nalang ba tayung mabubuhay sa takot" napatingin ang mommy nya at bigla syang hinawangan sa balikat "Nina!makinig ka wala tayung gagawin na kahit anu para ikapahamak natin naiintindihan mo!" madiin na wika ng kanyang mommy, napayuko nalang sya at tumahimik. "sige na alagaan mo muna ang kapatid mo, maghahanda lang ako ng hapunan natin" agad naman nilapitan ni Nina ang kanyang kapatid sa utos narin ng kanyang mommy.
**Alexandra's real world**
Paglabas ng banyo ni Evanah napansin nya agad si Alexandra "Oh..bakit nakatitig ka sa cellphone mo?" batid ni Evanah ang labis na pag-aalala ni Alexandra para kay Nina "anu na kaya ang nangyari sa kanya Evanah, nag-aalala na ako sa kanya" wala naman magawa ang dalawang magkaibigan kundi ang maghintay kapag tinawagan naman nila baka mas lalong mapahamak ni Nina at hindi pwedeng malaman ng kanyang mommy, napabuntong hininga nalang ang dalawa. "Ay! Evanah kanina pagkatapos kong magmerienda napanood kong lumabas na si John sa hospital at nakatira sya sa condo ko" habang pinag mamasdan sya ni Evanah kitang-kita ng saya sa kanyang mga mata "hoy!bakit ganyan nalang ang ngiti mo Alexandra!alam mo ang mission mo!baka mabuntis ka sa ginagawa mo!" napatingin si Alexandra sa kaibigan dahil nagulat sya sa sinabi nito "anu ka ba! Evanah wag ka ngang magsalita ng ganyan!at baka marinig ka ni Mommy!" hindi maiwasan ni Evanah ang mag-alala sa kaibigan dahil baka hindi mapigilan ni Alexandra ang nararamdaman nya para kay John Smith. "Nagpapaalala lang ako Alexandra, baka kasi makalimot ka!" kahit si Alexandra ay nag-aalala para sa kanyang sarili, pinangako nya na pipilitin nyang kontrolin ang kanyang sarili.
"Anu na kaya ang nangyayari sa kanila ng isang Alexandra at John ngayun?" hindi maitatanggi ang pagseselos ni Alexandra sa isa pang Alexandra nakapiling ni John sa mga oras na yon, "Alexandra tinatanong pa ba yon natural nagsesex sila" napansin ni Evanah ang pagkadismaya ni Alexandra sa mga binitawan nyang salita batid ni Alexandra na totoo lahat ang sinabi ng kaibigan, panay rin ang paalala ni Evanah sa kaibigan na hindi sya ang totoong girlfriend ni John Smith at kailan man hindi ito mapapasa kanya. "Alexandra!panaginip lang ang lahat wag mo masyadong ibuhos ang sarili mo para kay John" marahil batid nila na hindi kaylan man matuturuan o mapipigilan ang puso magmahal ngunit sa huli si Alexandra rin naman ang mahihirapan. Kaya bilang kaibigan pilit nalang iniintindi ni Evanah si Alexandra at manatiling nasa tabi nya.
BINABASA MO ANG
My literally Dream Guy (Completed)
FantasyA fantasy story of a girl who always fall asleep and dreamt about her Dream Guy wherein unexpected phenomenal occurred were her dreams literally happened in a real world and a chance to be with her dream guy. You gonna love it...Happy Reading F@ll€...