Chapter 11 - Address Book

6 1 0
                                    

Pagkababa ng dalawa labis na nagulat ang kanyang Mommy "Aba!mukhang mahirap ata yan project nyo isang linggo nyong gagawin?" habang ang dalawa ay umupo para mag-almusal "Oo nga Tita mukhang seryoso talaga si Alexandra matapos namin ang project" wika ni Evanah sabay tingin sa kaibigan at sabay naman iwas ni Alexandra sa kaibigan. "Oh!sya mag sikain na kayung dalawa ng makapagsimula na kayu at matapos agad" iniwan muna sila ng Mommy nya habang kumakain, ng makalayo na ang kanyang Mommy agad itong kinulit ni Evanah "Alexandra anu ba talaga ang napaginipan mo? anu na naman ba ang ginawa sayo nun babae?" nang makisiguro si Alexandra na malayo na ang kanyang Mommy, sinabi nya ang lahat kay Evanah na labis naman kinabahala nito ngunit merun pang isang nakaligtaan si Alexandra nasabihin kay Evanah "teka!parang may kulang sa sinabi mo sa akin Alexandra!" ngunit para makaiwas tumayo agad si Alexandra at nagtungo sa kwarto, pilit naman itong hinabol ni Evanah. Habang pinagmamasdan silang dalawa ng kanyang Mommy "ayun na naman ang dalawang magkaibigan parang bata nag hahabulan" at sabay iling na lamang.

Pagdating sa kwarto hindi tigilan ni Evanah si Alexandra "hindi kita lulubayan hanggat di mo sinasabi sa akin Alexandra!" napatingin nalang si Alexandra sa kakulitin ni Evanah "Fine..alam ko naman hindi ka titigil eh! Nagsex ulit kami ni John pero ganun parin nagising ako so walang akong naramdaman dahil sa alarm clock!" gigil na wika ni Alexandra at panay naman ang tawa ni Evanah sa kaibigan "baka naman kasi hindi talaga para sayo, ikaw talaga!" pang-aasar na wika ni Evanah, naupo lang si Alexandra sa sinabi ni Evanah "oo nga noh, hindi ka ba nag-tataka sinu ang Alexandra kapag nagigising ako?" napa-isip ang dalawa sa sinabi ni Alexandra, maaaring merun pang isang Alexandra sa buhay ni John? "Naku!Alexandra hindi pa nga natin natatapos ang isang problema merun na naman palaisipan sa atin!" pagka-irita ni Evanah, naiintindihan naman ni Alexandra na medyo masalimoot ang mga nangyayari pero naniniwala sya na may dahilan ang lahat. "sige, one at a time alamin muna natin sinu ang babaeng nanakot sa amin maaaring merun din syang kinalaman sa pagkamatay ni Stephanie" malumanay na wika ni Alexandra sa kaibigan "wait!Alexandra nabanggit mo kanina na nakitang mong may address si Andrea ni Stephanie?" ngunit nawala ito ng matapos ang pananakot sa kanila ni John, "maaaring alam ng babae na nakuha ito ni Andrea o si Andrea ang may gawa ng pananakot?" madiin na wika ni Evanah, at dagdag nya pa "at yung ang kaylangan mong alamin Alexandra bakit merun sya nito" nag-isip ang dalawa ng magandang solusyon para malaman ni Alexandra ang tungkol kay Andrea "wait!Alexandra di ba kapag natutulog ka nakakarating ka sa mundo nila bakit hindi ka matulog?" napatingin si Alexandra sa kaibigan at napatalon sa saya "buti nalang nandito ka ang talino mo talaga friend" napisil ni Alexandra sa mukha ang kaibigan sa tuwa, at agad naman silang naghanda upang matulog si Alexandra habang pinabantayan sya ni Evanah. Nagsimula ng mahiga si Alexandra "Evanah, ikaw na muna bahala kay mommy baka magpanic yon natutulog na naman ako" tumango lang si Evanah at hinintay makatulog ang kaibigan. Makalipas ang ilang sandali panay na ang hikab ni Alexandra hanggang sya ay nakatulog habang pinagmamasdan sya ni Evanah.

Tahimik na nagbabantay si Evanah sa kaibigan "bakit wala man lang akong makita na bakas nanaginip na sya?" pagtatakang obserbasyon ni Evanah, halos tatlong oras na ang nakaraan patuloy parin ang mahimbing na tulog ni Alexandra. Halos pati si Evanah ngunit kaylangan nya itong labanan upang bantayan ang kaibigan, dahil narin sa antok di sinasadyang napasubsob si Evanah sa sahig na dahilan upang magising si Alexandra, madaling napatayu si Evanah para tanungin si Alexandra "kamusta anung nangyari sa panaginip mo?" tahimik na nag-iisip si Alexandra at mahahalata sa kanya ang labis na pagtataka "hoy!anung nangyari sayo?bakit hindi ka sumasagot?" pangungulit ni Evanah sa kaibigan, at bigla syang tinignan nito "hindi ko rin alam Evanah pero wala akong napanaginipan alam mo yung natutulog lang talaga ako" labis na pagtataka ng dalawang magkaibigan "so ibig sabihin Alexandra hindi ka pwede basta basta makarating don kundi sa oras lamang na itinakda sa iyo?" wika ni Evanah sa kaibigan "maaaring ganun na nga Evanah, limitado lang talaga ang oras na binigay sa akin, pero bakit?" hindi na malaman ng dalawa kung paano at saan sila magsisimula. Hanggang may naisip si Evanah "ganito nalang Alexandra, mamaya kapag natulog kana sa oras na tinakda saiyo kunin mo lahat ng information na kaylangan natin" batid ni Alexandra na tama ang sinasabi ni Evanah "like your address, contact details mo at ni Andrea aalamin natin lahat kapag nagising ka" dagdag ni Evanah "ngunit sa paanong paraan Evanah?" nilapitan ni Evanah ang kaibigan "di ba sa mga unang panaginip mo nadadala mo ang mga bagay na iyon napapanaginipan? Bakit hindi mo subukan dalhin ang address book mo?" sumang-ayon si Alexandra sa sinabi ng kaibigan "at kapag nakuha mo na iyon maaari natin gamitin para malaman natin kung sinu ang Alexandra kapag wala ka at mas makakagalaw tayu na hindi nila alam" mukhang maganda ang naisip na plano ni Evanah kaya gagawin lahat ni Alexandra para makuha ang address book nya. Habang nag-uusap ang dalawa bigla nalang nag ring ang cellphone ni Alexandra ng kanyang tignan tumatawag si Nina "hello..Nina? kamusta kana? Akala ko hindi kana tatawag" ngunit nanatiling tahimik ang kabilang linya "hello?Nina bakit hindi ka sumasagot Hello?" halos bumilis ang tibok ng puso ni Alexandra at Evanah sa pag-aalala kay Nina "hello Ate!" halos mapaiyak si Alexandra at Evanah ng marinig nila ang boses ni Nina "anu ka ba bakit hindi ka agad sumagot tinakot mo naman ako!" pag-aalalang wika ni Alexandra, "Sorry Ate nasa tabi ko kasi si Mama, kaya pala ako napatawag tumatawag naman ulit yung babaeng nanakot kay Mama, tulungan mo naman kami Ate" nagmamakaawang wika ni Nina, hindi na mapakali si Alexandra sa sinabi ni Nina "sa tingin mo Nina bakit na naman nanakot yung babae?"wika ni Alexandra habang nag-uusap sila nakaisip ng plano si Evanah kaya bigla nyang inagaw ang cellphone kay Alexandra "hello Nina Ate Evanah ito, kung kaya mo bang makuha sa cellphone ng Mama mo yung number na tumatawag sa inyo?" wika ni Evanah kay Nina, habang nanatiling tahimik si Nina na para bang nag-iisip "ah..susubukan ko po Ate Evanah" pabulong na wika ni Nina "kasi mas madali namin malalaman kung sinu ang nanakot sa inyo at kapag nakuha mo kahit itxt mo lang kay Ate Alexandra mo" pagpapaliwanag ni Evanah kay Nina para lumakas ang loon ni Nina "sige po Ate gagawin ko, sige na po baka makahalata na si Mama bye po" pagkatapos magsalita ni Nina agad nya iton binaba, "hello..hello.." ngunit wala ng sumasagot kaya binaba narin ni Evanah.  

My literally Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon