Chapter 1 - Make up Artist

21 0 0
                                    

Umaga na naman, ang hirap gisingin si Alexandra at ang bigat-bigat ng katawan nya, kahit anung ingay sa paligid nya hindi sya basta-basta nagigising at sa araw-araw na ginagawa ng dyos hindi man lang sya nag kukusang gumising. Lagi nalang syang nabubulyawan ng kanyang Mommy. "ALEXANDRA!!!abay gumising kana anung oras na at malelate kana sa klase!!!". Papungay-pungay ang kanyang mga mata. "Mommy tatayo na po!!" habang naglalakad syang nakapikit papunta sa breakfast table milagrong hindi sya nadidisgrasya. "Kumain kana Alex at imulat mo na yan mga mata mo!!", bulyaw ng kanyang Mommy, antok na antok pa talaga sya habang kumakain walang humpay ang kanyang pag hikab, pagkatapos mag almusal agad syang naligo para pumasok sa school.

She is graduating student taking B.A. English Literature of Steel Wings University, malapit na syang mag-graduate pero wala parin pagbabago sa kanya, pagdating sa school matutulog lang sya habang nasa klase, kaya lagi syang nasa Detention Room pero wala sa kanya yon kasi itutuloy lang nya ang naudlot nyang tulog sa classroom.

Sa hindi malaman dahilan kahit panay lang ang tulog nya, nakakapasa sya sa exam at ang mas nakakagulat mataas ang nakukuha nyang Grades sa lahat ng subject. Kahit tulog lang ang kanyang inaatupag, nakukuha nya parin mag-aral kahit ata sa panaginip lang. Nahuli na naman sya na natutulog ng kanyang Instructor kaya agad syang pinapunta sa Detention Room as her punishment, hindi nag atubili nagtungo agad si Alexandra dahil sanay na syang pinarurusahan kapag natutulog during class at pagdating nya sinalubong sya ng Detention Facilitator "oh Alexandra my regular student, as I expected I already reserved your favorite seat..have a good sleep" pagbibirong wika ni Sir Jeorge sa kanya "good morning Sir, thank you.. the pleasure is mine" natatawang sagot nya, maya-maya lang wala pang 5minutes humihilik na kaagad si Alexandra nauubos na naman ang oras nya sa Detention Room.

Pagdating ng 5pm alarm bell started to ring, signal na uwian na pero dahil nasa detention room sya at mahimbing natutulog hindi nya namalayan na mag-isa nalang pala sya sa malamig at tahimik na kwarto na labis nagpahimbing sa kanyang tulog. Pagkaraan ng ilan oras nag ring ang cellphone nya, her Mom is calling nagulat sya na kanina pa pala tumatawag ang kanyang Mommy "ohhh!10missed calls?" agad nyang sinagot ang tawag ng mommy nya "hello Mommy! Bakit po?" nagulat sya sa sinabi ng Mommy nya "anung bakit asan ka na bata ka! anung oras na 8pm na ng gabi wag mong sabihin na nakatulog ka na naman!!ALEXANDRA!!" agad syang tumingin sa orasan "oh shit! nakatulog nga ako" nagmamadali syang kumilos para umuwi sigurado sermon na naman ang aabutin nya pagdating sa bahay.

Pag-dating nya sa bahay, katakot-takot na sermon ang inabot nya sa kanyang Mommy, habang nakaupo panay lang ang hikab nya na parang hindi nya iniintindi ang mga sinasabi. Pagkatapos syang sermonan agad syang umakyat sa kwarto at natulog ulit. Hindi nya rin maintindihan kung bakit wala syang magawa kapag nagsimula na syang humikab.

Kinabukasan ginising na naman sya ng kanyang Mommy para mag breakfast at mag ready for school. "Alexandra! nag aalala na ako sayo hindi na ata maganda ang panay ang tulog mo, pinag usapan namin ng daddy mo na pumunta tayu sa specialist" tumango lang sya sa sinabi ng kanyang mommy, "mag hahanap tayu ng magaling na Doctor para alamin bakit ka ganyan" sabay tingin sa mommy nya"Mommy wala naman akong sakit eh! Hayz!magbibihis na po ako". Nagdadabog syang umakyat sa kwarto para mag bihis at pumasok sa school.

Pagkarating sa school pilit nyang nilalabanan ang antok, nakaka ilang coffee na sya sa isang araw, panay kurot rin nya sa sarili hanggang napansin na ni Evanah ang matalik na kaibigan nya. "hoy anung ginawa mo Alex?bakit mo sinasaktan ang sarili mo?". Pinilit pinigilan ni Evanah ang ginagawa nya "anu pa nga ba para magising at hindi na naman makatulog", kahit anu gagawin nya para lang hindi makatulog. Milagrong natapus ni Alexandra ang kanyang klase na hindi sya nakatulog.

My literally Dream Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon