"Sa 20 years ko sa mundong ito,sobrang dami nang nangyari. Naranasan ko nang masaktan,umiyak,nadapa bumangon,lumaban pero natalo pa rin. Minsan nga naiisip ko sobrang unfair nang buhay e,bakit parang palagi na lang ako?Bakit palagi na lang ako ang niloloko,iniiwan,pinapaasa?Bakit palagi na lang ako?Ano bang mali sakin!?" emosyonal na pahayag ni Janella sa bestfriend na si Marlo
Kung bakit!? For the third time kasi,niloko,pinaasa at iniwan nanaman sya nang lalaking akala nya totoong nagmamahal sa kanya. Pero buti na lang palaging nandyan si Marlo na palaging nakaalalay sa kanya."Janella stop crying! Hindi sya para sayo,dahil dyan wala ka nang choice kundi ang magmove on. Saka hindi ka pa ba nasanay?Hehe"pabirong sabi ni Marlo na sinusubukan icomfort ang bestfriend.
"Marlo kaibigan ba talaga kita?Baka gusto mong ipaalala ko sayo na three years ago,sinagip ko ang buhay mo nang magtangka kang kitilin yang sarili mong buhay nang dahil lang iniwan ka nang first girlfriend mong si Maria!"seryosong pahayag naman ni Janella.
"Okay! Ikaw din naman ah kay Elmo yung second boyfriend mo na pinag palit ka sa beki. Diba muntik ka na din magsuicide at mabuti na lang nahuli kita dahil muntik munang lalaklakin yung isang pad nang paracetamol!"sagot naman ni Marlo.Saka binatukan sya ni Janella at kapwa sila nagtawanan dahil sa pinagsasabi nilang pareho.
Para kala Janella at Marlo meant to be sila as bestfriend. Maraming mga bagay kasi ng pinagkakasunduan nila.Sobrang perfect match sila lalo na sa kalokohan. Mga bata pa lang sila magkaibigan na sila, kaya sobrang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa. Alam na alam na nila ang kalikaw nang bituka nang bawat isa. Pero iisa lang ang promise nila sa na hindi sila maiinlove sa isa't-isa,kasi para sa kanila ang pagkakaibigan ay panghabangbuhay pero kung magiging sila at kung di man sila ang magkatuluyan baka maging magkaaway lang sila. Dahil ika nga nila may mga taong binebestfriend lang. At handa silang manatiling sandalan nang isa't-isa sa lahat nang pagsubok na maaaring dumaan sa kanilang buhay.
Si Janella Salvador at Marlo Mortel Magbestfriend at parehong nasa huling taon nang kolehiyo. Si Janella ay graduating sa kursong business management,yun ang kinuha nya dahil sya na malamang ang magmamana nang family business nila. Ang pamilya ni Janella ang may-ari nang isang sikat na brand nang sardines sa Pilipinas at ineexport na din ito sa ibang bansa. Si Tanya ang bunso sa dalawang magkapatid,si Kuya Tanner nya ay isang lawyer at kasalukuyan nagtatrabaho sa public attorney office sa kanilang bayan. Bagamat tutol ang Daddy nila,wala na rin itong nagawa kundi suportahan ang anak. Pero buti na lang at hilig ni Janella ang pagnenegosyo kaya ready syang akuin ang responsibilidad na naghihintay sa kanya.
Habang si Marlo naman ay pangalawa sa apat na magkakapatid. Ang Dad nya ay Engr. sa Saudi habang ang mom nila ay nurse sa Kuwait. Halos buong buhay ni Marlo at mga kapatid nya ay hindi nila nakasama ang mga magulang. Ang kanyang Lola Ester at Lolo Peds na magulang nang mom nila ang nag-aalaga at halos tumayong mga magulang nila habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang totoong magulang nila.Bagamat may tampo si Marlo,palagi naman pinapaintindi sa kanya ni Janella na ang pagtatrabaho nang mga magulang niya ay para din sa kanila. At katulad nila,malamang miss na miss din sila nang mga ito.
Sa cottage na nasa parteng likuran ng magarbong bahay nina Janella ay kasama nyang nagmemeriend aang bestfriend na si Marlo
"Okay ka na ba!?" Paniniguro ni Marlo sa totoong kalagayan nang kaibigan.
"Marlo syempre kailangan kong maging okay. Hindi pa naman siguro end of the world diba para itigil ang buhay?Saka diba palagi mong sinasabi sakin na kapag may umalis,malamang meron masbetter na darating!"masiglang sabi ni Janella habang kumakain nang ice cream.
"Alam ko naman na mabilis ka nang magiging okay. Dahil may bestfriend kang katulad ko. Maiba ako,sobrang sarap talaga nang home made ice cream na gawa ni Manang Yolen"ani Marlo saka muling sumubo nang home made mango grahams ice cream.
"Thanks to you my super bff Marlo.Thank you for always being there. Ikaw talaga ang sandalan nang taon!I love you bestfriend!"masiglang pahayag muli ni Janella saka niyakap ang bestfriend.
"Always remember na palagi akong nandito para sayo. Sa lahat nang pagkakataon,i love you more bestfriend.Ikaw rin naman alam ko magiging sandalan ko sa habang panahon!"sagot naman ni Marlo.
Sweet sa isa't-isa sina Marlo at Janella at normal yon sa kanila.Pero madalas nga napagkakamalan silang magkarelasyon dahil sa mga aksyon nila. Natatawa na lang din sila dahil siguro nga kakaiba yung friendship na meron sila.
Pagkatapos magmerienda ay naglakad-lakad naman ang dalawa palabas nang garden nina Janella kung saan sila kumakain ng merienda sa cottage doon naisipan kasi nilang magtungo sa manggahan na 15 minutes rin na lakaran ay mararating muna ang Villa Francisca.Ang halos 3 hectares nang manggahan ay pamana pa sa Daddy ni Janella.Kaya bukod sa sardinas,supplier din sila nang dried mangos,mango jam at mango candy sa maraming stores sa buong Pilipinas.
After 15 minutes ay narating din nang dalawa ang Villa Francisca. Agad silang nagtungo sa tree house na sila mismo ang may gawa na nasa gitna halos nang Villa.Paborito nilang tambayan ang tree house,kaya nga maraming decoration doon ang nagpapakita kung gaano kasaya ang friendship na meron sila.At ngayong malapit na silang magpasukan,sinusulit na nila ang summer. Dahil kapwa graduating alam nilang magiging busy na sila pareho sa mga susunod na mga buwan.
"Alam mo narealize ko na magfofocus na lang muna ako sa pag-aaral. Saka na yang mga boys na yan,makapaghihintay naman yan e.Study first na lang muna ako,pinapaiyak lang din ako nang love na yan!"ani Janella habang inaayos ang mga picture frame nila na nakadisplay sa loob nang tree house.
"Good decision Bestfriend. Aral na lang muna tayo!Let's enjoy our last year sa Saint Benedict University!" Usal naman ni Marlo na katulad ni Janella ay inaayos naman ang mga artworks nila na nakadisplay rin.
"Parang kelan lang no,ngayon konti nalang magkakadiploma na tayo."sabi ni Janella.
"Dalawang sem pa pero mabilis na lang yon.Basta dapat galingan natin!"usal muli ni Janella.
"Tama ka unti-unti naaabot na natin ang mga pangarap natin!"sagot naman ni Marlo
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...