Chapter 23

75 4 0
                                    


Madaling araw nang dumating si Troy sa condo,at lasing na lasing talaga ito.Kaya di na nya napansin si Joshua na natutulog sa sofa,kaya dumiretso na sya nahiga sa kama sa kwarto nila na share sila.

Mahimbing na rin ang tulog ni Julia kaya di na nya naramdaman ang pagdating ni Troy.

Kaya kinaumagahan,tila maubos ang boses ni Julia sa malakas na pagtili nang maramdaman na may nakayakap sa kanya. Akala nya si Joshua kaya hinayaan nya lang,pero nang makitang si Troy iyon naitulak nya agad ang binata.

"HAAAAAAAAAAA! Sino ka!?"sigaw ni Julia.

Habang nakahawak naman sa balakang si Troy dahil sa lakas nang pagkabagsak mula sa kama.

"Aray,Julia!?Anong ginagawa mo dito!?"ani Troy.

"Anong nangyari!?"ani Joshua na tumakbo pa papasok sa kwarto kung nasaan sina Troy at Julis.

"Sorry Troy..nagulat lang talaga ako!Bakit kasi nakayakap ka sakin!"paliwanag  ni Julia

"Akala ko di ka dumating kagabi,yun pala dito ka sa kwarto natulog.Tinext kaya kita kagabi! Dito ko na pinatulog si Julia may nangyari kasi.Saka ko na ipapaliwanag sayo!"pahayag ni Joshua

"Malay ko ba,lasing na lasing ako kagabi e!"sagot naman ni Troy.

"Nagready na ko nang breakfast,gumayak ka na Troy maaga tayo dapat sa sight. Julia,kumain ka na tapos ako na lang bibili nang ticket mo para makauwi ka na!"untag ni Joshua.

Lumabas na ang tatlo upang pagsaluhan ang breakfast na niready ni Joshua.

"Namiss ko ang luto mo!"usal ni Julia

"Eh sya di mo namiss!?"sagot naman ni Troy.

Nagkatinginan naman sina Calvin at Julia sa isa't-isa,dahil sa tinuran ni Troy.

Pagkatapos nang breakfast,naiwan na din mag-isa si Julia.Dahil kailangan nang pumasok nang dalawa sa trabaho.

Habang nasa sight,hindi tinitigilan ni Troy na usisain si Joshua tungkol kay Julia.

"Nagkabalikan na ba kayo!?"curious na tanong ni Troy.

"Gago hindi,may girlfriend na ko. Nagkaroon lang nang problema si Julia saka yung boyfriend nya! Tumawag sakin kagabi umiiyak,sinasaktan daw sya.Naawa ako syempre kaya pinuntahan ko!"paliwanag ni Joshua.

"Naaawa o nag-aalala ka talaga sa kanya dahil mahalaga pa rin sya sayo. Alam na ba nang girlfriend mo na kasama mo ang ex mo!?"tanong ni
Troy.

"Nasabi ko na,kagabi pa.Wala naman problema!"sagot naman ni Joshua.

"Anong sabi nya sayo!?"tanong ni Troy.

"Basta okay lang sa kanya,balik na nga tayo sa trabaho! Hehe!"untag ni Joshua saka iniwan na ang kaibigan na parang ayaw pang maiwala sa mga sinasabi nya.

May tiwala naman si Janella sa nobyo nya,kaya nang magtext ito sa kanya kagabi tungkol kay Julia.Hindi naman naging issue sa kanya,bilib pa nga sya sa nobyo na kahit na ginawan ito ni Julia nang masama dahil niloko lang sya nito.Maspinili pa rin nitong tulungan si Julia,naawa pa nga sya sa dalaga dahil sinasaktan ito nang nobyo nito ngayon.

"Naaawa ako kay Julia,dahil babae rin ako. At nakakalungkot na napunta sya sa lalaking sasaktan lang naman pala sya!"ani Janella kay Maeus,nasa loob sila nang opisina ni Janella.

"Karma nya yon,manloloko kasi sya.Pinagpalit nya si Kuya eh,sinayang nya ang isang Joshua Garcia. Pero syempre tama ka,babae yun eh dapat di sinasaktan.Kung ako sa kanya makikipaghiwalay na ko no!"pahayag naman ni Maris.

"Ikaw talaga! Malay mo naman pinagsisihan na nya ang ginawa nya, pero ama ka sinayang nya ang isang Joshua Garcia na sobrang mapagmahal,malambing,maalaga at mapagkakatiwalaan.!"untag naman ni Janella

"Naku,swerte din naman sayo si Kuya!Salamat pala ha,kasi sobra sobra mo syang napapasaya ngayon!"usal ni Maris.

Napangiti naman si Janella sa sinabi ni Maris.

"Naku,Ikaw talaga! Swerte kaming dalawa sa isa't-isa!"sagot naman ni Janella.

Tiwala si Janella sa nobyo,kaya alam nyang wala syang dapat ikabahala. Dahil tumutulong lang ang nobyo nya sa nangangailangan.


"Bukas afterlunch na ang alis mo!Kaya pwede muna ayusin mga gamit mo"ani Joshua kadarating lamang sa condo,at agad nyang nakita si Julia na nakaupo sa sofa.

"Maraming Salamat Joshua...... Salamat sa pagtulong sa akin...Alam ko na malaki ang naging kasalanan ko sayo,at nagpapasalamat ako dahil sa kabila nang mga nagawa ko sayo hindi mo pa rin ako pinabayaan!"pahayag ni Julia

"Napatawad na kita..Okay na yon!"sagot naman ako ni Joshua

"Maganda sya....at mukhang mahal mo na nga talaga sya. Nakikita ko mga post mo sa fb account mo...bagay kayo!" Ani Julia.

"Salamat!"sagot naman ni Joshua.

"Gusto kong maging honest sayo.... Nanghihinayang ako sobra, sana naging masmalawak ang pang-unawa ko dati. Napakatanga ko, na hinayaan kong mawala ka sa buhay ko.....Sobrang nagsisisi ako na,  lalo na alam kong may bago ka nang minamahal!.....kung pwede lang balikan ngayon ang lahat ng meron tayo noon,gagawin ko. Pero hindi na pwede eh, saka alam ko naman na masaya ka na!"seryosong pahayag ni Julia habang nakaupo pa rin sa sofa.

"Ngayon naiintindihan ko na Julia kung bakit nangyari yon.... At nagpapasalamat ako sayo!"sagot ni Joshua.Nagpapasalamat sya dahil naghiwalay sila noon dahil kung hind,hindi magiging sila ng childhood crush nya. Mahal na mahal nya si Janella, walang makakapantay doon.

Hindi na kayang pigilan pa ni Julia ang nararamdaman,kaya hinayaan na nyang mailabas ang emosyon na kanina pa pinipigilan. Umiiyak syang lumapit kay Joshua.

"Joshua.....kung pwede ko lang ibalik ang lahat...mahal pa rin pala talaga kita!"emosyonal na sabi ni Juliam

"Pero alam kong wala na talaga...Minsan ko nang sinubukan na bumalik ka sakin, at ngayon maslalo nang imposible yon...ang tanga-tanga ko!"umiiyak na usal ni Julia.

Tila naawa naman si Joshua sa dating nobya,kaya nilapitan nya ang dalaga saka niyakap.

"Makakahanap ka rin nang taong mamahalin ka!"untag ni Joshua.

Subalit isang hindi inaasahang tao ang biglang dumating.

Si Mark ang boyfriend ni Julia,naiwan pala ni Julia na nakabukas lamang ang pinto kaya diretso lamang itong nakapasok sa loob nang condo.At aktong nakayakap pa sya sa dalaga.

"Sinasabi ko na nga ba!"singhal ni Mark sa dalawa. Tila nagulat naman ang dalawa. Halos mapatayo si Julia agad nang makilala ang dumating.Agad naman sinugod ni Mark si Joshua at inundayan nang suntok ang binata..

"Walang hiya ka, di mo pa rin ba tanggap na sakin na si Julia. gago ka!!"galit na sabi ni Mark habang sinusuntok pa din ang binata.

"Mark,Ano ba!? Tigil mo na nga yan!"ani Julia,habang yakap ang nobyo upang mapigilan ang pangbubogbog nito kay Joshua.

Ilan suntok pa ni Mark, bago nakaganti nang suntok si Joshua dito.Halos duguan na nga sya,at nahihilo dahil sa malakas na suntok nito sa mukha nya kani-kanina lamang at tila ayaw pa syang tigilan nito.Buti na lamang ay dumating si Troy,kaya tuluyan silang naawat.

"Wala kaming ginagawang masama Mark!"ani Julia.

"Wala!?Umalis ka sa bahay,para sumama sa ibang lalaki!?Nakita ko kayong magkayakap!?Wala lang!?"ani Mark.

"Wala nga sabi! Walang ibig sabihin yon, at di ako katulad nang iniisip mo.Saka alam mo,pagod na ko sayo kaya tapos na tayo! Hindi yon dahil kay Joshua,ayaw ko na dahil sawa na ako sa ugali mo!"ani Julia,akmang aalis sya sa tabi nang nobyo upang lapitan si Joshua na halos bugbog sarado.

Ngunit hinawakan sya nito sa braso,at pilit sinasama paalis nang condo. Pero tinulungan sya ni Troy..

"Pare break na kayo diba, umalis ka na kung ayaw mong kasuhan ka pa namin! Bitawan mo si Julia,at umalis ka na!"kalmadong sabi ni Troy.

"Babalikan ko kayo! Dipa tayo tapos!"ani Mark,saka nagmamadaling umalis doon.

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon