Chapter 2

129 7 1
                                    


Mabilis na lumipas ang buwan hanggang sa sumapit na ang sembreak  at isang sem na lang magtatapos na sa college sina Janella l at Marlo.

Sa tuwing sasapit ang sembreak  nakasanayan na nang dalawa na magout of town tuwing.Wala naman problema sa parents ni Janella kung sila lang ni Marlo anh magkasama malaki ang tiwala ng mga ito kay Marlo. Dahil alam naman nang mga ito na wala silang gagawin na masama at magkaibigan lang talaga sila. 

At ngayon sembreak nga napagkasunduan nang magkaibigan na magbakasyon sa isang private resort sa isang Island na pag-aari nang family nina Janella.

"Ready na ba lahat nang dala natin!?'tanong ni Janella kay Marlo katatapos lang nang dalawa na  mamili nang mga kakailanganin nila sa trip sa private resort.

"Opo Miss Salvador!"pabirong sabi ni Marlo habang itinaas pa ang dalawang kamay nya  ang mga bitbit na pinamili nila.

"Okay.Let's go na!"sagot naman ni Janella.


Kinabukasan ay maagang nagtungo ang dalawa sa sakayan ng bangka patungong private resort ng mga Salvadorm tatlong oras din tumagal ang byahe nila lulan nang bangkang de motor.Pagdating nila doon ay excited silang sinalubong ni Aling Rusing at asawa nitong si Mang Pedring.Dahil alam ng dalawang matanda ang pagdating nila naghanda ito ng masasarap na pagkain para sa kanilang tanghalian. Paboritong bakasyunan ng dalawa ang San Fascual island kung nasaan ang private resort ng mga Salvador dahil wala pang masyadong turista ang pumapasyal dito.

"Mam Janella,bukas ho pala magbabakasyon dito yung pamangkin ko.Okay lang ho ba?Hindi ko ho kasi matanggihan eh kahapon lang po nagpasabi."nahihiyang sabi ni Aling Rusing.

"No problem Aling Rusing,malawak naman po ang resort.Saka welcome ho lahat nang gustong bumisita dito."sagot naman ni Tanya.

"Aling Rusing parang bumabata ka po lalo!"sabat naman ni Marlo.

"Nako Sir Marlo mabiro ka pa rin hanggang ngayon.Pero maiwan po muna namin kayo at nang madala na mga gamit nyo sa kwarto nyo!"ani Aling Rusing saka binuhat ang mga bagahe nang dalawa katulong ang asawang si Pedring saka magkasunod silang naglakad patungong rest house.

"Buhay pa kaya yung puno nang bayabas!?Marlo kuha mo nga ako. Parang ang sarap e tapos isawsaw natin sa sukang tuba na may sili na sobrang anghang!"ani Janella sa kaibigan.Kita sa mukha nito ang pagkatakam.

"Samahan mo ko tingnan natin,ako aakyat ikaw tagapulot. Lets go!'ani Marlo.

"Make sure na marami tayong maaani,namiss ko talaga yun e!"usal ni Janella.Saka nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad upang magtungo sa bayabasan.Pagdating doon ay hindi nabigo ang dalawa dahil maraming bunga ang bayabas. Kaya tuwang tuwa ang dalawa habang namimitas kasabay ay kumakain na rin.Gantong mga eksena ang namimiss nila sa lugar na yon. Kaya sinusulit talaga nila kapag napapasyal sila doon.

After manguha nang bayabas ay nagbalik sila sa lugar ng kinainan nila kanina.Saka sinimulan ng lantakan ang mga bayabas habang sinasawsaw sa sukang tuba na may sili.Kahit pahang na pahang ay masarap lang ang kain ng dalawa.Matapos ang pagkain ng bayabas at kwentuhan ng magbestfriend ay nagpasya muna ang dalawa na magpahinga sa kanya-kanyang kwarto.Pagod sila sa byahe kaya kelangan talaga nila ng pahinga para sa masmadami pa nilang gagawin sa mga susunod na araw.

Halos sabay din naman ang dalawa na nagising, pagkatapos ng masarap na tulog ready na ang hapunan nila.Pero dahil naparami ang kinain kaninang pagdating nila,nagpasya muna ang dalawa na tumambay sa balkonahe nang rest house na nasa front nang beach.May dalawang duyan doon kaya pareho silang  pumuwesto.Hawak ni Marlo ang gitara habang tumutugtog nang mga paborito nilang kanta ni Janella.

"Hawak kamaaaay!"duet ang dalawa.Pareho naman kasing maganda ang boses nina Janella at Marlo. Kaya isa rin sa mga hilig nilang gawin ay ang kumanta.

"Walang katiyakan ang mundo,hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari at kung anu pa ang susunod na mangyayari sa buhay natin. Pero ang importante magkahawak kamay natin haharapin ang lahat.Thank you for being my extraordinary bestfriend Janella.!"seryosong pahayag ni Marlo. Mukhang naisipan magemote dahil sa kinanta nila.

"Kumakanta lang tayo,nag-eemote ka na dyan!"untag ni Janella.

"Hawak kamay....hawak kamay!" Pakantang sabi ni Janella gamit ang mataas na boses.

"Wala lang trip ko lang mag-emote!"usal ni Marlo

"Okay!Alright! Kanta pa tayo gamit ang ating mga golden voices. Pero bestfriend,pwera biro. Thank you rin. Hwag mo akong iiwan ha. Gusto ko palagi ka lang andyan para sakin at ganun rin naman ako sayo syempre.I love you po!'malambing na pahayag ni Janella.

"Golden voice?Pasalamat ka nga kahit sintunado ka ginagalingan ko pa rin maggitara eh!"pabirong sabi ni Marlo kahit maganda naman talaga ang boses ng kaibigan nya.

"Sige ikaw na singer!"kunwari ay naiinis na sabi ni Janella.

"Tampu ka na non?!Okay lang na sintunado ka,ang mahalaga you try! Hahaha!"ani Marlo sabay tawa na lalong kinainis ni Janella.

"Wow ha so ikaw na talented?Okay lang ikaw bihira ka naman maligo! Hahahha!"sagot naman ni Janella na inaasar na din ang kaibigan.

"Sinungaling to,ikaw kaya ang bihira maligo kapag december!"sagot naman ni Janella lamigin kasi talaga si Marlo kaya medyo madalang talaga sya maligo kapag december.

"Syempre malamig,ikaw rin kaya! Pero Marlo bestfriend seryoso no matter what solid tayo.I love you bestfriend!" Masayang pahayag ni Janella saka ginulo ang buhok nang kaibigan.

Marami ang nagsasabi na bakit di na lang maging si Janella at Marlo.Kasi pareho na nilang kilala ang isa't-isa. Masasabi ngang larawan nang halos perpektong relasyon nang magkaibigan ang meron sina Janella at Marlo.Alam nilang dalawa na sa kasiyahan man o problema,sigurado silang never nilang iiwan ang isa't-isa.. Minsan naaasar man ang isa,agad din naman napapangiti at parang walang nangyari.No dull moments,never pa silang naboring kapag silang dalawa ay magkasama.

Kinabukasan maagang nagswimming sa beach ang magkaibigan. Nauna pa nga silang magswimming bago magbreakfast. Kaya nang matapos maglangoy ay bumalik na sila sa kubo kung saan nakahanda na ang masarap na umagahan.

"Aling Rusing diba po darating ngayon yung pamangkin nyo!?"tanong ni Janella.

"Yes mam, baka maya-maya andito na ho iyon. Kain na kayo ni Sir.Marlo,ready na ang breakfast pagtimpla ko lang kayo nang mainit na kape!"litanya naman ni Aling Rusing.

"Wow paborito ko to aling Rusing pritong talong!"ani Marlo saka nagsimula nang lantakan ang hinain sa sariling pinggan.

Pagkatapos nang masarap na umagahan ay nagsibalikan na ang dalawa sa kanya-kanyang kwarto upang makapagshower at makapagpalit ng damit. Pagkatapos ay bumalik din sa cottage kung saan sila kumain kanina.

Sa pagbalik ng dalawa sa cottage,muli nilantakan ng magkaibigan ang tira pa nilang bayabas na pinitas kahapon.
Hanggang sa naabutan pa sila ng mga bagong kadarating.

Si Joshua pamangkin nina Aling Rusing,gwapo ang binata at matipuno. Bagamat galing sa simpleng pamumuhay,sa kasalukuyan naman ay unti-unti na nitong nakakamit ang mga pangarap.Isa na itong ganap na Engr.at nagtatatrabaho sa isang kilalang construction company sa bansa. Kasama nitong dumating ang girlfriend na si Julia,isang architect at katrabaho din nya.Maspinili nila sa private resort na yon,dahil gusto nilang magpahinga at alam nilang mas magkakaroon sila doon nang privacy.



--------
Pakifollow naman po ako,para sipagin tayong mag-update  😘🤭😅

Thank you! ❤️

When The Time Is Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon