Matapos ang masayang bakasyon nang dalawang magkasintahan bumalik na din si Joshua sa Cebu.At si Janella,balik trabaho na din.
"Kamusta ang bakasyon!?Nakaiskor ka naman ba!?"tanong ni Troy sa kaibigan.
"Gago,walang nangyari na kagaya nang iniisip mo.Basta happy ako sa bakasyon na yon.Sobrang ganda nang Batanes.At masaya ako na kasama ko yung taong mahal ko !"sabi naman ni Joshua
"Weak mo pre! Daming chance tapos wala,kung si Julia kasama mo sigurado meron nangyari!" Ani Troy na walang preno sa mga sinasabi.
"Gago! Pano mo naman nalaman na meron mangyayari!?Eh hindi naman ako kaladkarin na lalaki no!"ani Joshua na sumasakay lamang sa trip ni Troy.
"Gago,hwag ako. Kilala kita, kaya alam ko lang no!"ani Troy.
"Hindi ganun klaseng babae si Janella. Iba sya sa lahat pre. "untag ni Joshua.
"Naks! Tunay na ba yan!?Mamaya lalabas ang team, mag-iinom sumama ka.Bawal ang Kj!"ani Troy.
"Oo sama ako!"sagot naman ni Joshua. Agad binalita rin naman nya kay Janella ang planong inuman nilang magkakatrabaho.Okay lang naman sa nobya nya dahil minsan lang naman,basta wag lang syang masyadong magpapakalasing. Hindi naman nagdedemand si Janella na sabihin nya ang lahat ng gagawin nya,sya na lang ang nagkukusa.
Kinagabihan ay nagpunta sina Troy at Joshua kasama ang ilan katrabaho nila sa isang bar upang maghappy-happy. Bumubuhos ang alak,kailangan din kasi nila yon hindi puro trabaho na lang.
Pero halos kakasimula pa lang nang inuman nila Joshua nang makatanggap naman sya nang tawag mula sa pamilyar na phone number. Bagamat hindi ito nakasave,alam nya kung kanino iyon.
Kay Julia.
Tumatawag ito sa kanya, wala sana syang balak sagutin.Pero hindi sya nito tinitigilan,kaya nagpaalam muna sya sa mga kasama upang sagutin ang tawag.
"Hello!"walang emosyon na sabi ni Joshua.
"Joshua help me. Nandito rin ako sa Cebu,at nakita ko sa fb account mo na nandito ka rin. Sinasaktan ako nang boyfriend ko,hindi ko na kaya. Gusto ko nang umalis dito.Please sunduin mo ko,tulungan mo ako! Huhuhu!" Umiiyak na pahayag ni Julia.
"Ano bang sinasabi mo!?Nasaan ka dito ?"ani Joshua.
"Sobra syang seloso, dahil don madalas nya akong saktan. Please help me Joshua,bago pa sya dumatinh dito. Baka mapatay na nya ako!'umiiyak na sabi ni Julia.
"Okay sige,asan ka ba!?pupuntahan kita!" Ani Joshua.Bakas sa boses nito nag pag-aalala. Malaki man ang naging kasalanan sa kanya ni Julia may pinagsamahan pa rin sila at ayaw nyang mapahamak ito.
"Itetext ko sayo! Salamat Joshua!"ani Julia.
Hindi na nagawang magpaalam ni Joshua sa mga kasama,dahil sa pag-aalala lalo na at lasing na rin naman agad ang mga kasamahan nya lalo na si Troy na may katable na rin na babae na umiinom rin doon. Pupuntahan nya si Julia,Kahit sabihin pang niloko lang sya nito,minsan nya pa rin itong minahal. At nagmamalasakit pa rin sya sa dating nobya,at di kakayanin nang konsensya nya kung pababayaan na lang nya ito mapahamak.
Mabilis na napuntahan ni Joshua kunh nasaan si Julia. Pagdating pa lang nya sa lugar,nadatnan na nya ito naghihintay sa isang kanto.May dala itong bag.
"Joshua,Thanks for helping me!Salamat sa pagpunta mo"usal ni Julia,bago pa man sumakay sa kotse nang binata.
Tila nahabag naman si Joshua,nang makita ang dating nobya.A year ago nang magkita sila nito nang tuluyan na nilang tapusin ang lahat nang namamagitan sa kanila. Maganda pa rin ito,ngunit bakas ang lungkot sa mga mata. May pasa pa ito sa gilid nang labi nito,ni hindi nga ito nakapag-ayos nang sarili dahil siguro sa pagmamadaling makaalis sa poder nang nobyo nito.
"Dun ka muna matulog sa tinutuluyan namin na condo. Bukas bibili tayo nang ticket para makauwi ka na nang Manila. Paano ka ba napunta dito sa Cebu!?"seryosong pahayag ni Joshua.Lulan na sila ng kotse ng binata.
"Taga dito talaga ang family ni Mark,actually may plano na kaming magpakasal.....Nung una okay naman,...pero habang tumatagal,unti-unti nagbago sya.Seloso,mainitin ang ulo hanggang sa humantong sa pananakit.....!"emosyonal na pahayag ni Julia.Iyak ito ng iyak.
"Hindi ko na matiis ang mga ginagawa nya. Pero wala akong magawa...pero nang malaman ko na nandito ka. Hindi na ako nag-atubili pa.....ni hindi ko masabi sa parents ko.Hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko!"ani Julia,umiiyak pa rin ito.
Hinimas naman sya ni Joshua sa likod upang kahit papano ay marelieve.
"Hwag ka nang umiyak nandito na ko,. Kakasuhan natin yang boyfriend mo. Hindi nya dapat ginagawa yan sayo,dahil kung talagang mahal ka nya.Aalagaan ka nya.Hindi ja nya sasaktan !"seryosong sabi ni Joshua.Galit sya,at nanghihinayang sya kay Julia ngayon Sobra nyang minahal ang dalaga noon,at nakakalungkot isipin na ganito ang nararanasan nya ngayon sa bago nitong boyfriend.Binalewala sya ni Julia dahil sa lalaking yon,pero sa huli sasaktan rin pala ang dalaga.Tila nakaramdam tuloy sya ng awa sa dating nobya.Ayaw na nya itong sisihin ngayon,dahil alam nyanf kaibigan ang kailangan nito ngayon na masasandalan.
Pagbalik sa condo,kasama na ni Joshua si Julia kasama nya sa kwarto si Troy pero wala pa din hanggang ngayon kaya sila lang dalawa ng dalaga.Malamang kasi ngayon nageenjoy pa si Troy kasama ng mga katrabaho nila na nasa bar pa din at nagpapakalasing.
"Thank you Joshua mabuti na lang at di ka pa rin nagpapalit ng phone number!"ani Julia saka yumakap sa binata.Niyakap din ni Joshua ang dalaga,ngunit walang malisya dahil iyon alam nyang kailangan ngayon ng dalaga ng kaibigan.
"Magpahinga ka na, sa kwarto ka na dun na lang kami sa sofa sa labas.Kumain ka na ba!?"ani Joshua
"Oo tapos na ko kumain,Sige magpapahinga na ako!Maraming maraming salamat Joshua!"sagot naman ni Julia. Nangingilid nanaman ang luha nito.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
When The Time Is Right
FanfictionIsang di inaasahang pangyayari ang babago sa buhay ni Janella.Paano nya ito haharapin?Kung mawawala na ang kaisa-isang taong akala nya ay never syang iiwan. Pero paano kung may ibang dumating na handang ibigay ang happiness na matagal nang nawala sa...